Nine

1518 Words
Sam's POV NAPABALIKWAS ako ng bangon ng biglang mag ring ang cellphone ko. Kainis! Hindi naman ako nag set ng alarm! Kaya ano 'to?! May tumatawag sa akin?! Napatingin ako sa orasan sa harapan ko. 6:30 am  Damn it! Sa ganitong oras may caller ako?! Asar!! Wala naman akong ka-textmate at caller eh! Kaya sino ba ang Ponchong Pilatong nambubulabog sa akin ng ganitong oras?! Asar na kinuha ko 'yung cellphone ko at sinagot ang epal na caller ko. Asar naman talaga kasi sya! Nanaginip pa naman ako na nanalo daw ako ng lotto kaya bumili na lang daw ako ng diploma at certificate na may sulat na 'c*m laude' para ipakita sa aaplayan ko! Asar! "Hello— "Samantha ano 'tong narinig ko?!" napakunot ang noo ko ng marinig ko ang boses na nanay ko sa kabilang linya. Galit na galit sya mga dude! "Ano?" takang tanong ko sa kanya. Ang adik kasi ni mama, kung makatanong sya, para bang nasa kabilang kwarto lang sya, eh nasa syudad kaya sya at ako ay nasa malayong lugar! Anong akala nya sa tenga ko parang sa elephante? Kasi alam ko kung ano ang pinagsasabi nya? Ano ba kasi ang narinig nya? At nag-iinarte sya? Jusko! Napailing na lang ako. Hay. "Gumawa ka daw ng g**o dyan sa San Vicente?!" madiin na tanong nya. Agad na nagdilim ang mukha ko sa sinabi nya. Talaga lang ha? Ako talaga gumawa ng g**o dito? Gusto kong mainis sa kanya. Actually, naiinis na talaga ako sa kanya. Kasi sa pagkakatanong nya, para bang sure na sure sya na ako talaga 'yung gumawa ng g**o dito! Atsaka iba talaga ang tsismis no, akalain mo 'yun, ilang oras pa lang naman nangyari 'yun ha, alam na nila. "Sam naman! Sana kung gagawa ka ng g**o dapat isipin mo 'yung taong madadamay nun!" galit na sigaw nya. Lintek! Nakagat ko ang ibabang labi ko. So ganito? May ganito?! At masasaktan ako ng ganito?! KAINIS! Sinadya ko ngang 'di sabihin sa kanila ang nangyari dahil alam ko naman na hindi sila maniniwala sa akin. Para kasi sa kanila, ako 'yung palaging puno't dulo ng g**o! Diba ang saya?! Bwisit! Dapat ang pamilya 'yung mismo ang maniwala sa 'yo na wala kang kinalaman diba? Eh bakit sila, hindi na nga nila alam ang nangyari dito, ako pa ang dinidiin nila! Ako pa 'yung sinisi! At higit sa lahat ako 'yung pinagmumukha nila na masama! ASAR! Napapikit na lang ako para kontrolin ang sarili kong mapamura! Kahit naman ganito ako, rinerespeto ko pa rin sya! Kainis naman kasi! Ano ba ang iniisip ko? Kakampihan nila ako? Tingin naman nilang lahat wala akong magawang matino! Kaya ano ba ang ine-expect ko?! Hastag, asumera! "Alam mo naman kung ano ang tito mo dyan diba?! Kaya nga pinadala kita dyan diba? Kasi gusto kong magbago ka! Pero ano, ano 'tong ginawa- "Ma!" putol ko sa sasabihin nya. Kasi nakakatawa na nakakaloko 'yung huling sinabi nya... Magbago? PAKYU! Una sa lahat, alam nya na kahit hindi ako 'pag sabihan ni tito sa mga bagay na dapat kong gawin dito, ako na mismo 'yung gagawa at hindi na ako maghihintay na sabihan pa ni tito... Kaya nga umaplay ako bilang tindera sa isang karinderya dahil alam ko na kahit umiyak ako ng dugo sa kahihingi ng ice cream sa kanya, hindi nya ako bibigyan ng perang pambili! Dahil alam ko, na gusto ni tito na makitang paghirapan ko ang mga bagay-bagay! Peste! Atsaka magbago? Napailing na lang ako habang pinipigilan ang sarili kong mapatawa. Bwisit! Pwede na syang bigyan ng award sa pagiging BUTIHING INA! Asar! Alam nyang takot na takot ako kay tito kaya alam nyang magpapakabait talaga ako dito! Kaya ang salitang pagbabago? Makikita mo talaga! Oo takot na takot ako sa tito ko! Mukha lang hindi, pero takot na takot talaga ako sa kanya! Bakit hindi?! Sya kaya ang dahilan kung bakit hindi masyadong maganda ang tuhod ko! Sa kanya ko naranasan ang lumuhod sa semento ng isang oras na may asin at monggo 'tapos 'yung dalawang kamay ko, nakadipa at pinatungan ng 5 encyclopedia bawat isa! Hindi lang 'yun ang nagawa ng tito ko para madisiplina ako, marami 'pang iba. Pero kahit ganun si tito sa kanya ko naramadaman ang pag-aaruga at pagmamahal na hindi ko nakita at naramdaman sa nanay ko. BWISIT! Ang aga-aga, nagse-senti ako! Asar! "Alamin nyo po sana ang buong kwento bago kayo maglitanya dyan mama..." madiin na sabi ko sa kanya. Bwisit! Alam kong lamalabas na wala akong kwentang anak at walang galang ng sinabi ko ang linyang 'yun. Pero... kasi naman eh! Naiirita ako! 'Tapos biglang boom lumabas ang galit at inis ko sa kanya! Kaaga-aga naglilitanya sya! Ika nga pa nila, inisin mo na ang lasing, 'wag lang ang bagong gising! Partida! Ito pa ang dahilan kong bakit hindi ko masyadong na-enjoy si Dreamland! "Samantha..." hindi makapaniwalang saad ng mama ko. Nagulat siguro sya sa sinabi ko. Napalunok na lang ako at napapikit. s**t! Ngayon, nagsisi na ako sa sinabi ko. Bakit ko ba kasi nasabi 'yun?! Oo, inaamin ko na suwail akong anak pero hindi ko sya sinagot ng ganito noon ngayon lang talaga kaya siguro shock na shock sya. Kasi naman eh! Ang aga-aga, ito ang binungad sa akin! Peste! "Sa-..." Hindi ko narinig ang huling sasabihin ng nanay ko ng bigla na lang syang nawala sa kabilang linya. Napatingin ako sa screen ng cellphone ko. Dude, pinatayan ako ng nanay ko. Ang galing! Napailing na lang ako. Galit sya! Kaya lagot ako nito! Pero sino naman kaya ang nagsabi sa kanya? Si tito? Psh! Kainis naman oh! Bumangon na lang ako ng tuluyan at pumunta sa CR. Kakakusapin ko ang tito ko. Lagot sya sa akin. Gagawa ako ng mims sa kanya 'tapos ipa-print ko at ipo-post ko sa harap ng simbahan. Makaganti lang sa kanya! Simon's POV "SEMINARISTA!" napapitlag ako ng may sumigaw sa likuran ko. Kahit hindi ako tumingin, alam kong si Sam 'yun! Bukod sya lang ang babaeng kasama dito sa bahay, kami lang ang nandito ngayon. Umalis kasi si Father eh. Binaba ko 'yung binabasa kong newspaper at tumingin sa kanya. Umupo naman sya malapit na upuan at nangalumbaba.  "Bakit?" tanong ko sa kanya. Ngumiti lang sya-Hindi! Pinasingkit lang nya 'yung mata nya 'tapos inilapit sa akin ang mukha nya. Napakunot tuloy ang noo ko. Anong problema nya? "Diba ganito ka ngumiti?" natatawang tanong nya. Umiling lang ako sa kanya. Hay... Minsan hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi nya sa akin. Pero ngayon, napailing na lang ako. Bigla syang sumeryoso at hinawakan ang kamay ko. "Dude, nakita mo ba ang tito ko?" tanong nya sabay taas ng kamay ko, tinitigan nya ang mga kuko. Napakunot tuloy ang noo ko sa ginawa nya. Ano ba kasing meron sa kuko at ganun na lang sya makatingin? "Kanina... Pero umalis sya eh..." sagot ko na lang sa kanya at dahan-dahan kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak nya. Tumango lang naman sya.  Pero agad naman syang tumingin sa akin at nginitian ako ng pilya. "Alam mo, 'yung totoo..." nakataas ang isang kilay na sabi nya. "Magpapari ka ba dahil..." nanlaki ang mata ko ng bigla nyang inilapit sa akin ang mukha nya sa akin at pinisil ang ilong ko. "Bakla ka noh?" nakangiting tanong nya. Agad na naitaas ko ang isang kilay ko sa tanong nya. "Huh? Pinagsasabi mo?!" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Ako bakla? Porke at magpapari ako?! Atska connect nun? "Hindi noh!" madiin na sabi ko sa kanya. Umiling-iling pa ako. Binatukan naman nya ako. Bakit ba ang hilig manakit ni Sam? Sakit nun ha? Hindi nya ba alam na masakit 'yun? "Joke lang!" nakaismid na sabi nya. Bigla namang tumunog 'yung cellphone nya kaya umupo sya ng maayos at nag roll ng eyes. "'Tang ina!" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.  Kababae nyang tao ang lakas kung makamura! "Tsk! Litanya Part II!" inis na sabi nya sabay kuha ng cellphone nya. Tumayo sya sa pagkakaupo at pumunta sa may sala. Bumalik na lang ako sa pagbabasa ng dyaryo. Ilang minuto din akong nagbabasa doon ng may narinig akong sigaw sa may sala. "Sam!" agad na napatayo ako at pumunta sa sala....Baka nadulas sya o baka may nangyaring masama sa kanya. Nakalabas pa naman si Juan kagabi at baka may balak na maghigante 'yun. Pero... Wala akong nakitang Juan doon... Si Sam... Sya ang nakita ko doon na nakatayo sa gitna ng sala at galit na galit 'yung expression ng mukha nya. "'WALA KANG PAKI!" malakas na sigaw ni Sam sa telepono nya. "Una sa lahat kung hindi ko ginawa 'yun, hindi na ako buo sa pag-uwi ko dahil 'yung sinasabi nyong g**o para sa akin pagliligtas sa sarili ko 'yun. Sorry naman kasi hindi ako katulad mo... " galit na sabi nya. "Iiyak na lang sa tabi 'pag nasaktan." nang-uuyam na sabi nya.             Biglang napatingin sa akin si Sam kaya bigla nyang nababa ang cellphone nya at napatitig sa mukha ko. "Seminarista..." kinakabahang tawag nya sa pangalan ko. Napatitig na lang din ako sa mukha nya... "Talaga?! Hiyang-hiya naman ako sa 'yo sis! Ikaw na ang astig! MAgaling, matalin at higit sa lahat tama! Ikaw na! Ikaw na talaga! Kaya nga pagiging mang-aagaw kinareer mo na eh!" rinig kong sabi nung nasa kabilang linya ng katawag nya. Paano ko nalaman? Naka-loudspeak eh! Biglang kumunot ang noo nya at tumingin sya sa cellphone nya at inis na sinagot 'yun. "Hindi ako malandi!" sigaw nya. "Sya ang naglalandi sa akin!" galit na dugtong nya. Teka... Hindi naman ako assuming pero ako ba ang pinagsasabi nyang sya ang naglalandi sa akin? Hind ko kaya ginagawa 'yun... Ginagawa ko ba 'yun sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD