Sam's POV
Hindi ako naniniwala sa forever! Wala naman talaga kasing forever eh! Atsaka, hanggang dictionary lang 'yun mga dude! Pero ngayon, lalo na sa nakikita ko, gusto kong gumawa ng group o club para isaulong ang pesteng forever na 'yan! Ipagdadasal ko nga 'yan minsan na sana meron nga talagang forever! Gusto ko kasing habambuhay na dito tumira eh!! Ahhhhhhhhhhh!
Napatalon ulit ako at napayakap sa sarili ko. Fresh air embrace me!!! Ahh! Kahit mukha na akong baliw dito at sa harapan ni Simon... Wala akong pakialam! Basta masaya ako, okay lang!
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" mahabang sigaw ko 'tapos humiga sa damuhan. "Gusto kong mamatay rito!" sigaw ko at sumipa-sipa sa baba. Oo na! Ako na ang baliw! Pero wala akong pakialam kasi.... HashtagProudToBeMe hahaha!
Kung ano-ano ang naiisip ko!
Hindi pa ako nakuntento sa pagsipa-sipa, nagpagulong-gulong pa ako sa damuhan! Gosh! Ako na talaga ang baliw! Pero wala akong paki!
Nasaan ako?
EWAN! Hindi ko alam!
Basta nasa paraiso ako! 'Yun lang ang alam ko at bawal ang KJ dito! Kaya kung sino man ang gustong umepal sa kasiyahan na nararamdaman ko, please, paki-ready ng St. Peter plan niyo... Mapapatay ko talaga kayo. LETCHE!
Umupo ako at tiningan ang lugar na nasaan ako. Hay.. Ang ganda talaga! Akala ko hindi totoo 'yung sinasabi sa mga libro na mas maganda daw ang probinsya kaysa sa syudad... Kasi naman sino ang maniniwala doon?! Wala masyadong pasyalan gaya ng mall at sobrang napaka-konserbatibo 'yung mga taong nakatira sa probinsya 'tapos puro kahoy at bundok lang ang makikita mo. Pero iba 'to!
Iba dito sa San Vicente!
Lalo na sa lugar na nasaan ako ngayon!
Maraming puno na hindi masakit sa mata! May maliit na lawa sa harapan ko na sobrang linaw ang tubig mga dude 'tapos eto pa, walang masang-sang na amoy gaya ng patay na daga at mabahong basura dito! Jusko! Kanina pa nga ako nate-temp na maligo eh, pero ang problema, wala akong ekstrang damit!
Ayoko namang mag-borless sa harapan ng semenaristang 'to.... Ano?! Sinuswerte siya?
Gusto ko nga ring kumuha ng tent at magtayo dito para gawin kong bahay at dito na ako tumira forever pero hindi pwede eh! Dahil una, reserve? O preserve? Basta! May sinabi sila sa akin na salitang may 'serve' sa dulo, daw ang lugar na 'to! Kaya nga... hashtagNoForever mga dude dahil mamaya, aalis na kami dito!
Asar talaga!
"Sam tayo na..." rinig kong wika ni Simon. Napanguso na lang ako at humiga ulit sa damuhan. Bakit ganun, wala naman akong ginawang masama ngayong araw, pinapalayas pa rin ako ni Simon?! This is so unfair! Tumagilid ako at tumingin sa kanya. Nakita ko syang nakaupo sa damuhan at nakatingin sa akin. Aish! Decided na talaga siya! Sabi na nga eh, walang forever! Uuwi na kami sa boring na bahay ni tito.
Umiling ako sa kanya. Baka magbago pa eh...
"Mamaya na Simon...." pagmamakaawa ko sa kanya.
Umiling lang siya sa akin. "Sam, dadating na 'yung bantay dito..."
Napabuntong hininga na lang ako. Wala na! Uuwi na talag-Agad na napatingin ako sa kanya. Hindi ako papayag na isa lang ang lugar na papasyalin namin ngayon!
"Saan ba tayo pupunta pagkatapos dito?" parang batang tanong ko sa kanya. Syempre para mukha akong cute, nakakasawa rin kasing maging maganda eh! Hahaha! Nasobrahan yata ako sa kakalanghap ng hangin dito at pumasok 'yung iba sa utak ko 'tapos gumawa ng bahay dun kaya ito ang lumalabas sa bibig ko! Tsk! Kailangan na talaga siguro naming umalis dito. Baka saan pa ako madala ng kahanginan ko eh.
"Sa Hacienda ng kaibigan ko!" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Nagmamadaling umupo ako paharap sa kanya. Kasi... Hacienda daw ng kaibigan nya?
"Hacienda?" paniniguradong tanong ko sa kanya. Baka naman mali lang ako ng rinig...
Tumango lang sya sa akin.
'DI NGA?!
Sya may kaibigan na haciendero? Uy!!
Galing!
Astigin!
Pero lalaki ba talaga?
"Binata?" paniniguradong tanong ko sa kanya. Kasi kung lalaki, may chance ako dude!
Oo ako na ang lumalandi! Pero ako lang naman ang may alam nun eh! Ataska chance ko ng maging haciendera!
Tumango lang sya sa akin kaya napatingin ako sa gilid ko napangiti dun ng palihim! Shet! Ito na! Ito na talaga! Gusto kong kumuha ng isang trunk ng puno at iwagayway dito! Hahaha! Magiging Haciendera na ako guys! Pero ang tanong baka matanda...
Yuck!
Ayoko sa mga DOM!
"Ka-edad mo lang?" curious na tanong ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya at tinitigan ako. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Baka ano ang iniisip nya ha! Hindi kaya ako nagpapalahata na lumalandi ako dito! Atsaka minsan lang ako maglandi! Nakita ko syang bumuntong hininga 'tapos tumango. Nanlaki ang mata ko!
Oh my gee!
Ahhhhh!
Napangiti na lang ako sa sagot nya! Naman oh! This is my lucky day! Yes!
Oo ako na ang interesado! Baka naman destiny ko na 'to! Ako na ang magiging Senyora Samantha Guevara! Oh ano ngayon sila? Nagbakasyon lang ako naging senyora na? Iba 'to! Hindi ko na kailangang bumalik ng Maynila para mag-aral. Hindi ko na kailangan problemahin ang Kto12 na 'yan! Sabuyan nyo nga ako ng confetti guys! Take note, dapat gold confetti! Senyora 'to na magiging soon to be Donya ng napakalaking Hacienda dito sa San Vicente!
Yinakap ko si Simon ng mahigpit.
"Ah... Sam a-"
"Shh!" putol ko sa sasabihin nya. "'Wag epal please!" Tsk! Kita nyang good mood ako, sisirain pa niya! Bumuntong hininga na lang sya at yinakap ako. Napangiti na lang ako.
Kung napapansin niyo na close kami... Oo close na kami! Mas lalo na ngayon! Siya kasi ang magiging daan patungo sa aking destiny. Shet! Ewan ko ba kung ano ang nangyayari sa akin ngayon, dala siguro talaga 'to ng preskong hangin. Polluted kasi ang nagisnan ko eh!
Atsaka! Siya naman ang nauna eh!
Ewan ko ba kung ano ang nangyari dyan lalo na nung pagkatapos niya akong nakita nakikipagsigawan sa kapatid ko sa cellphone. Ang adik kasi ng kapatid kung 'yun! Sinabihan ba naman ako na walang kwentang anak?!
Seriously?
Tanungin nya kaya muna ang sarili nya bago ako?!
Pinadala sya ng tatay namin sa Paris para ipakuha sa kanya 'yung kursong gusto nya, Fashion kasi 'yung gusto nya eh, kaya pinadala siya dun pero biglang bumalik sa Pilipinas after nine months na may dalang sobrang napakalaking BALITA para sa pamilya namin! Malapit na siyang manganak! Hindi nga sya nasampal ng nanay ko dahil mga 35 minutes after na litanyahan siya, biglang sumakit ang tyan and ready for anak-anak na!
Diba?
Ang saya!
Kaya ngayon sino ang mas walang kwentang anak sa aming dalawa?!
Tss!
BACK TO SIMON!
'Tapos ayun sinundan-sundan nya ako pagkatapos ng tawagan war namin ng kapatid ko! 'Tapos para syang ...ewan! Na para rin siyang tanga! Tingin ko kasi para syang nakokonsensya na hindi ko naman alam kung bakit siya nakokonsensya! Wala naman kasi akong naalala na may masama siyang ginawa sa akin! Kaya ewan ko talaga dito sa lalaking 'to!
Bigla-bigla na lang syang nag-aanunsyo kanina na ipapasyal niya daw ako sa magagandang lugar dito sa San Vicente, kaya sino ba ako para humindi? Dude ang boring kaya sa bahay ng tito ko kaya um-oo na lang ako sa sira ulong semenaristang 'to! At dinala nya ako sa magandang lugar na 'to!
Tumayo na lang tumingin sa kanya. "Tara! Punta tayo sa kaibigan mong Haciendero!" masayang wika ko sa kanya. Tinitigan lang nya ako at umiling!
Napakunot naman ang noo ko sa inasta nya! Pinag-iisipan nya ba ako ng masama? Aish! Humanda sya! Masyado pa namang adventurous ang daan palabas dito sa lugar na 'to! Kailangan pa kasi naming tumawid ng ilog! Yeah dude! ILOG! Hindi naman sya malalim, 'yun nga lang sobrang lakas ng rapid! Kaya para ka talagang sumali ng amazing race!
Nag-bike rin kami papunta dito!
Oh diba? Astig!
Pero... Tinatamad ako eh!
Tinatamad akong maglakad!
"Simon..." malambing na tawag ko sa pangalan nya. Dahan-dahan syang tumingin sa akin at tumitig sa mukha ko. Nag-paawa face ako pero 'yung cute version sa kanya. "Masakit ang paa ko kargahin mo naman ako..." malambing na nagmamakaawa na saad ko sa kanya. Hinila-hila ko pa ang dulo ng short ko habang nagmamakaawang tumingin sa kanya.
Tsk!
Kung nakikita ko lang ang sarili ko... Kanina pa ako nasuka!
Yuck! Kadiri! Minsan talaga nasusuka ang pagiging cute! Buti na lang talaga na maganda ako!
Hindi ako umaasa na kakagatin ng mokong na 'to ang trip ko kaya ganun na lang ang gulat ko ng bigla syang lumapit sa akin at nang makalapit na siya sa akin ay bigla ba naman siyang tumalikod sa akin 'tapos yumuko ng kunti. Teka... Ano ang gagawin ng mokong na 'to? Ganun na lang ang pagnganga ko ng sabihin nya ang salitang 'to...
"Okay..." hinawakan nya ang kamay ko at inilagay sa balikat nya. Nagulat pa ako ng maramdaman kong hinawakan nya ang legs ko at bigla niya akong kinarga!
Napasinghap ako!
SHIT NA MALAGKIT! Uto-uto sya! Agad na napayakap ako sa batok nya at napasubsob sa buhok niya ng tumayo siya. Damn it! Agad na inilayo ko ang mukha ko sa buhok niya! Baka may kuto pa siya noh!
Pero .... Teka lang...
Piggy back ride?!
Shit!
Hinanda ko ang kamao ko kung sakaling hahawakan niya ang alam niyo na! Ang pwet ko! Pero.... Hanggang sa legs ko lang siya humawak mga dude! Pero hindi niyo naman maalis sa akin na kilabutan sa nangyayari ngayon!
Oh my gulay!
Damn it!
Napalunok na lang ako!
Therefore I conclude, ang bilis talaga ng karma!