"SHERYLL, tama ba talaga ang oras at lugar na sinabi mo sa'kin?" Naiinip na tanong ni Brenna. Kanina pa siya nakaupo sa loob ng pamosong restaurant na 'yon pero hanggang ngayon ay hindi pa dumadating ang ka-meeting niya. "Yes, Madam. I just texted Mister De Verdad's secretary asking if her boss is on his way to meet you," anito sa kabilang linya. "He's late for an hour. Akala ko pa naman late na 'ko. Ni hindi ako masyadong nakapag-ayos." Palatak niya. "Baka may emergency lang. Darating din 'yon. I will call you again once I receive a reply from his secretary." Matapos 'yon ay nagpaalam na ito. Baka nga may emergency lang ang ka-meeting niya kaya late ito. She can wait tutal ay maaga pa naman. Isa pa ay desidido talaga siyang makuha ang proyekto at mapirmahan ang kontrata. She need Saga

