WALA SA sariling naikuyom ni Saga ang kamao na nakahawak sa manibela habang pinapanood si Brenna na tumatawa kasama ang isang lalaki. Nasa loob ng coffee shop ang mga ito na malapit lang sa kompanya niya. Habang siya ay kasalukuyang nasa parking lot ng establisyemento dahil may kikitain siyang kaibigan para sa isang importanteng bagay. "Bakit ba hindi ka pa pumasok sa loob? Nage-enjoy na 'ko sa tanawin e," untag sa kanya ni Duke pagpasok sa passenger seat. Pero ni hindi man lang niya ito binigyang pansin dahil hindi niya maalis ang mata sa pinapanood niya. Base sa ID lace ng lalaking kausap ng dalaga nahinuha niyang empleyado ito ng kompanya. 'Yon pala ang dahilan kaya nasa malapit lang ito. Pero hindi 'yon ang concern niya kundi ang nakikitang saya sa mukha nito. How can she laugh when

