Jean Grey's POV Dinagdagan ko pa ang mga damit at basta ipinatong sa bitbit ni Sir Hunter, at hindi ko alam kung hanggang kailan ang ilalagi niya dito dahil wala naman specific date and time na sinabi si Daddy sa oras ng pagbalik niya. Mabuti na 'yang may extrang damit siya kaysa naman kulangin siya, at baka mamaya ako pa ang pagproblemahin niya. Halata sa mukha ng boss ko ang pagkainis dahil sa ginawa ko pagdadagdag ng mga damit na susukatin niya. "Para isang sukatan ka na lang." I smilingly said bago ko siya tinalikuran at naglakad ako papunta sa may sofa para du'n na lamang maghintay kung saan nakaupo din si Jared. Pumuwesto ako ng upo sa may bandang dulo at inis pa din ako sa kanya, but then ilang saglit lang ay ibinaba niya ang kanyang cellphone at umusog siya ng upo palapit sa

