Hunter's POV Dahil isa lang ang fitting room dito sa boutique ni Tita Joyce ay waiting pa ko na matapos si Rebecca na lumabas. Nakatayo lang ako habang bitbit ang isang katerbang damit habang bitbit ko ang sapatos. Pinalibutan ko naman ng tingin ang kabuuan ng boutique, mas madami ang pagpipiliang damit, at accessories para sa mga babae hindi katulad sa men's section kaya unang tingin ko pa lang ay parang wala na agad ako'ng magustuhan kaya si Jean Grey na ang pumili para sa akin. And c'mon! Lumapit sa akin si Jean Grey basta na lamang niyang ipinatong sa mga bitbit ko ang ilang piraso pang damit na napili niya sa akin. Kita ko ang pag ngisi niya and it seems she's enjoying this. "Para isang sukatan ka na lang." She smilingly said bago niya ako talikuran. She's such a naughty girl.

