20. Tita Joyce Boutique

1932 Words

Jean's POV Buti na lang ay tinawag na si Jared ng kanyang girlfriend na kasalukuyang nasa may fitting room dahil kung hindi ay baka nasapok ko na siya sa kung ano-anong mga itinatanong niya sa akin Nakakainis ang mga pinagsasabi niya, at wala siyang karapatan na itanong sa akin kung naibigay ko na ba kay Sir Hunter ang pagkababaѐ ko. Maling mali ang ginawa niya kahit pa sabihin na naging kami noon na siyang pinagsisihan ko kung bakit binigyan ko siya ng chance. Dapat talaga nung una pa lang ay ni-reject ko na siya kaso nga lang dahil nga magkababata kami kaya sinubukan ko pero hindi naman kami nag-click. Paano ba naman ako gaganahan sa kanya eh wala siyang bukambibig kung hindi ang hilingin sa akin na ibigay ko na sa kanya ang V-card ko na buti na lang din ay hindi ko ibinagay sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD