Hunter's POV Habang nasa loob kami ng sasakyan ay nagbabasa at sinasagot ko ang mga work email hanggang sa tumigil na ang sasakyan at nakarating na kami sa sinasabing boutique na pagmamay-ari daw ng tita ni Jean Grey. Niyaya na ko ni Jean Grey sa loob pero pinauna ko na siya dahil kailangan ko pang tawagan ang kapatid kong si Zander para magbilin at mawawala nga ako ng ilang araw. Agad naman na sinunod ni Jean Grey ang sinabi ko at nauna na siya pumasok sa loob ng boutique habang ako naman ay naiwan dito sa may labas. Nasa may tenga ko na ang aking cellphone at hinihintay kong sagutin niya ang tawag ko pero nakadalawang attempt na ako ay hindi pa rin siya sumasagot kaya ang sumunod na kinontak ko ay ang asawa niyang si Claire. Claire: Hello po, Kuya. Hunter: Kasama mo ba si Zander?!

