Jean Grey's POV Sinunod naman ni Hunter ang sinabi ko at tuluyan na siyang umalis at sinarado niya ang pinto. "Ang sungit ha! Ano'ng problema niyong dalawa? Dali kwento mo na!" Demand sa akin ng pinsan ko na wala ng mga luha ngayon at napunasan na niya. Ang bilis ah, naubos agad ang iyak niya at ako naman ang pinapakwento niya, and what the heck pano ko ba ikukwento nakakahiya. "Eh kasi....hmmm..." Sabi ko at napapakamot ako sa aking buhok. Hindi ko malaman kung ano ang susunod kong sasabihin dahil parang ayaw ko talaga ikwento dahil unang una alam ko na ako ang may mali at sobrang nakakahiya iyong moment kung saan nakatulog ako sa kalagitnaan ng aming pag-ahhh ayaw ko na isipin pa at sobrang hiyang hiya talaga ako. Nang bigla na naman may kumatok sa pinto ng kwarto at napalingon kam

