Jean Grey's POV Sa tingin ko talagang may tampo pa talaga sa akin si Hunter dahil after ng tagpo namin kagabi ay wala na naman siyang paramdam. Parang nakalimutan na naman niya na he's in a relationship at may taong naghihintay ng text or tawag mula sa kanya kaya ang ending ay hindi naging maayos ang tulog ko at bukod pa du'n sobrang gutom din ako dahil hindi naman kami nakakain ng dinner. Pagkagising ko ng umaga ay nainis na naman ako dahil wala pa din ako'ng natanggap na kahit ano'ng message mula sa kanya kahit man lang sana good morning ay hindi man lang siya nag-effort. So talagang galit pa din siya sa akin, huhu! Ano'ng gagawin ko? Ngayon ang flight namin pabalik sa San Nicholas, at sabi naman niya kagabi bago niya ko iwan sa hotel room ay ihahanda na niya ang mga gamit niya so

