Jean Grey's POV Hindi ako mapakali at panay ang tingin ko sa cellphone ko dahil wala man lang ako'ng natatanggap na message na galing kay Hunter. Ang dami ko ng na-message sa kanya at ang dami ko na din nagawa like nakalipat na kami sa Presidential Suite ng isang kilalang hotel which is dalawa ang room, at nandito na ko sa isang room habang si Daddy ay nasa kabila naman at mukhang tulog na nga ata pero hanggang ngayon ay wala pa rin reply si Hunter kung nakauwi na ba siya. Nakakainis, nabitin na nga ako kanina tapos papainitin pa niya ang ulo ko. Nakahiga na ko at ready ng matulog ng biglang umilaw at tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa side table ng bed and sa wakas nag-reply din siya. Naiwan daw niyang silent mode ang cellphone niya, okay given na naka-silent pero sana pagdati

