Jean Grey's POV Naka-smile bago matulog at napa-smile na naman ako after ko gumising dahil may good morning and I love you message sa akin si Hunter. Atleast he's in progress. Grabe talaga kagabi, akala ko matutulog ako na inis na inis sa kanya buti na lang hindi pa ko tulog nung nag-reply siya at nakapag-video call pa kami. Nag-reply naman ako sa message niya at bumangon na ko para mag-ready at may usapan kami ni Daddy. Gaya ng napag-usapan ay nag-bonding muna kaming dalawa mag-ama sa mall, doon na din kami kumain ng lunch. "Jean Grey, mamaya na ang cellphone. Kumain ka muna." Sita sa akin ni Daddy. Oh, God! Nakakahiya kung kailan malaki na ko tsaka pa ko napagalitan kaka-cellphone. Ang kulit kasi ni Hunter panay ang chat siyempre panay reply din ako. Me: Mamaya na ulit tayo mag-us

