Hunter's POV Sumama pala ang pakiramdam ni Jean Grey kaya pala nagmadali na siya sa pag-uwi pero ano ba naman sana 'yung tinapik niya ko, at nagsabi siya na uwi na kami. Mahirap bang gawin ang bagay na 'yun?! Pero ang paglalagay ng kung ano anong kolorete sa kanyang pagmumukha ay nagka-time siya. Tsk tsk, pasaway din talaga 'to si Jean Grey eh pinapairal na naman ang pagiging slow, at since nangako ako kay Mr. Johnny Salvadore na babantayan at iingatan ko ang anak niya kaya agad ko siyang niyaya na magpunta kami ng hospital pero ayaw naman niya, at okay na daw siya. Dalawang beses ko pa siyang niyaya pero nag-promise siya na okay na daw talaga siya kaya wala na kong nagawa kung hindi ang lumabas ng kwarto niya. Nang makapasok na ako sa loob ng kwarto ko ay tsaka ko lang napagtanto na.

