Jean Grey's POV Kanina pa ko nakahiga dito sa kama pero hindi pa rin ako dalawin ng antok, ilang beses na naman ako nahalikan ni Sir Hunter pero parang iba 'yung paghalik niya sa akin kanina. Yung para bang may feelings, hindi tulad nung mga nakaraan na para bang pilit, at kunwari lang. Ahhh! Tinakpan ko ang mukha ko ng aking unan habang tumitili ako para walang makarinig. Kakainis talaga 'yung boss ko, pinapaasa na naman niya ko. Ilang beses ako'ng nag-attempt mag-try matulog, ilang beses pa ko nagpapalit-palit ng posisyon nakatagilid ng nakaharap sa kanan, sa kaliwa, dumapa, tumihaya ng higa hanggang sa nagpasya na lamang ako'ng tumayo dahil nagutom lang ako sa kalikutan ko sa kama. Makagawa na nga lang ng midnight snack sa kitchen. Madilim sa baba pero dahil may nakabukas naman

