2. Next Step

1211 Words
Jean Grey Salvadore POV Kung totoo lang sana na ako si Jean Grey ng X-Men at may super powers ako ay malamang ang una kong gagawin ay kontrolin ang kasamaan ng ugali ng boss ko pero hindi ko na nga pala siya boss dahil wala na kong trabaho. Napakawalang puso talaga. Hindi man lang niya naisip na malapit ng mag-christmas at isa pa parang isang beses pa lang naman ako'ng na-late ay hindi pa ko pinatawad, 'yon nga lang sadyang sumablay talaga ako ng matapunan ko ng kape ang mamahaling suit ni Mr. Dizon na nasaksihan niya. At sa mga oras na 'yon ay ipinapanalingin ko na sana nga ay talagang ako si Jean Grey, mahilig kasi ang ama ko sa comics kaya yan ang pangalan ko at majority naman sinasabi na cool daw ang name ko pero hindi man lang 'yon napansin ng boss ko. Hindi ko nga sure kung alam niya ba ang buong pangalan ko dahil tanging Jean lang ang tawag niya sa akin na after one month pa niya bago nasambit dahil ibang name ang binabanggit niya kapag tinatawag niya ako dahil 'yon pala ay papalit palit siya ng sekretarya sa madaling salita malademonyo talaga siya sa kalupitan. Kasalukuyan ako'ng nasa bar counter at hinihintay ang pagdating ng aking pinsan na si Nealyn, at ang tagal niya dumating ah. Grrrr! Nakakainis talaga pano ko papatunayan kay daddy na kaya kong maging independent. May alitan kasi kaming mag-ama at hinayaan niya ko magpunta dito sa siyudad para malaman ko daw ang hirap ng buhay. Gusto ko na rin kasing maranasan ang magtrabaho, biruin mo limang taon na ang nakalipas mula ng naka-graduate ako sa college pero wala pa din ako'ng work experience. Ang gusto kasi ni Daddy ay tumulong tulong na lang ako sa foundation at bakit ba daw ako nagrereklamo eh kahit naman daw na naka-graduate na ko ng college ay continous pa din naman daw ang allowance ko mula sa kanya at bukod pa du'n ay nakuha ko na din ang trust fund ko after kong maka-graduate so hindi talaga problema ang pera pero hindi lang naman 'yon ang mahalaga may gusto kasi ako'ng gawin. Gusto ko kasing maging producer at bukod do'n ay ma-pride din ako'ng tao ayokong gamitan ng pera at impluwensiya ng pamilya namin para makilala at una sa lahat wala din ako'ng experience and I need one kaya 'yon ang dahilan kung bakit ako nakapagtrabaho sa Mondragon Marketing, dahil ang kumpanya nila ang kilala at number one when it comes to promotion in all types of media and it will be my first big step pero sa nangyari ay hindi ko alam kung makakabangon ba ko agad dahil unang trabaho ko na hindi man lang tumagal ng tatlong buwan ay ligwak agad ako. Ni hindi man lang ako pinatikim umattend ng Christmas party sa office na first time ko sana mararanasan. "Huy, ano'ng nangyari sa'yo?" Napapitlag ako dahil nagulat ako sa pagdating niya. Walang sabi sabi at bigla bigla na lamang nagsasalita. "Hindi mo ba nabasa 'yung text ko. Wala na kong trabaho!" Ang naiinis kong sagot sa kanya dahil bakit mukhang masaya pa ata siya dahil nakangiti lang naman siya sa mga oras na 'to. "Okay lang yan, tsaka tama naman si Tito hindi mo need magtrabaho, jusko kakarampot lang naman ang sinasahod mo, bumalik ka na lang sa inyo at para bumalik na ulit 'yung allowance mo tapos libre mo ulit ko!" Ang nakangisi niyang sambit na lalo kong ikinainis. Imbes na samahan niya ko sa aking kabiguan ay pinapayuhan na niya ko agad na magbalik loob na kay Dad dahil lang sa nami-miss na pala niya ang libre ko. Simula kasi ng umalis na ko sa bahay namin at magtrabaho ay wala ng libre libre dahil nga kasabay ng pag-alis ako ay kasabay din ng pagputol sa allowance ko. "Bakit ganyan ka?" Ang madilim kong sabi sa kanya sabay dampot ko ng baso ng alak. Ayusin niya lang talaga ang sagot niya dahil baka sa kanya ko maibuhos ang lahat ng sama ng loob ko sa mga oras na 'to. "C'mon Jean, let's be realistic here. Hindi ka galing sa ordinaryong pamilya. Maybe it is meant to be na matanggal ka, and look at the bright side hindi mo na kailangan sumama sa practice ng sayaw para sa upcoming niyong Christmas Party, ligtas ka na sa tradisyon na kailangan sumayaw kapag bago, hindi ba 'yon ang nirereklamo mo sa akin nung nakaraan!" Ang pagpapaala niya pa. Oo, nagrereklamo ako sa kanya nu'n dahil talagang pinatawag pa kami ng HR kasama ng iba pang newly hired employee at sinabihan kami na mag-ready ng dance number at hindi daw pwedeng hindi namin gagawin pero normal lang naman siguro 'yun ang maramdaman ko pero iba naman kasi 'yung feeling na natanggal ka sa work. "Pwede ba samahan mo na lang ako uminom para naman mabawasan ang sama ng loob ko!" "Libre mo?" Ang tanong pa niya like seriously? "Okay, fine!" Ang napapailing ko na lang na sambit at tinawag ko na ang bartender para umorder ng drinks niya. Kaya ko siya pinapunta dito para tulungan ako'ng mag-isip kung ano na ba ang magiging next step ko since wala na nga ako'ng work at base sa mga sinabi niya ay mukhang mapipilitan ata ako'ng bumalik sa amin pero naisip ko pwede naman since magha-holiday naman. Supposed to be ay hindi ako uuwi dahil sa mundo ng marketing, ito ang season kung saan sobrang busy dahil nga madaming pera ang mga tao gawa ng mga bonuses na nakukuha nila at heto ang opportunity na gina-grab ng mga company para maglabas ng mga new promotion, campaign ads, product etc. Excited pa naman sana ako dahil ang dami ko pa sanang matutunan, although may ugaling pagkademonyo ang boss ko pero pagdating naman sa work ethics ay wala ako'ng masasabi sa kanya. Nakakahinayang talaga dahil malaking tulong ang recommendation niya sana kung sakaling magre-resign ako kaso malabo ng mangyari dahil nga tinanggal niya ko. Crush ko pa naman siya dati kasi naging artista din kasi yan si Mr. Hunter Mondragon noon. Naalala ko pa ay lagi ko siyang inaabangan sa TV dati dahil madami rin siyang commercial, bata pa ko nu'n eh tapos bigla na lang siyang nawala sa limelight tapos 'yon pala ay nasa corporate world na. Kaya nga gulat na gulat ako nung malaman ko na siya ang magiging boss sa una kong trabaho. Nung una ay kinikilig kilig pa ko na kalaunan ay napalitan na ng pagkainis dahil sa kasungitan niyang taglay. Iniisip ko nga baka gay siya dahil wala naman siyang girlfriend tapos ang sungit sungit pa. Ang usapan naman sa office ay baka menopause na daw sabay tawanan ng mga iba kong kasamahaan, mukhang hindi na rin sila na-a-attract sa kagwapuhan ng boss namin dahil natabunan na ng kasamaan ng ugali niya, pero hindi nag-a-agree ang isipan ko sa mga sinabi nilang 'yon dahil hindi naman gano'n katanda si Sir Hunter dahil 36 pa lang naman siya. Kumbaga pasok pa rin sa age ng Millennial. Haist! Ano na bang gagawin ko ngayon? Sige since wala naman ako'ng work ay siguro uuwi na lang muna ako pero hindi ko na lamang siguro sasabihin sa pamilya ko 'yong part na natanggal ako sa trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD