Jean Grey Salvadore POV
Ipinagpatuloy namin ng pinsan kong si Nealyn ang pag-iinom hanggang sa dumami na ng dumami ang tao dito sa bar kasi ng nagsimula kami ay konti pa lang dahil maaga aga pa pero ngayon ay talagang jampack na at medyo lasing na din ako pero kaya ko pa naman. Sa tingin ko nga ay para ngang mas nagkaroon pa ko ng energy dahil panay ang tawanan namin.
"Naku talaga sobrang sama talaga ng ugali ng Hunter na 'yon!" Alam kong paulit-ulit na ko pero talagang sadya naman masama ang ugali ng aking Ex-boss.
Sa sobrang sama ay wala siyang social media account, pati sa online world ay wala siyang kaibigan. Kung poser account ay madami dahil dati nga siyang artista pero yung mismong siya talaga ang alam ko ay wala.
"Pero crush mo?" Ang mapanuksong tanong ni Nealyn.
"Dati pa 'yon no! Hindi ko pa alam na masama pala ang ugali niya." Sabay simsim ko ng alak.
"Malay mo bumait siya kapag nagkaroon na siya ng love life, 'di ba sabi mo wala siyang girlfriend, sana inakit mo baka sakaling bumait kapag nagkaroon ng inspirasyon!"
Napatitig ako ng seryoso sa mukha niya dahil hindi ako makapaniwala sa sina-suggest niya.
"Ako mang-aakit?!" Ang sambit ko habang nanlalaki ang aking dalawang mata.
Tumingin-tingin pa ko sa paligid at chinecheck ko kung may ibang tao na malapit sa amin bago ko sabihin ang susunod kong sasabihin dahil medyo nahihiya ako.
"Ano bang sinasabi mo d'yan? Alam mo naman virgin ako, at pano ko naman maiisipan akitin siya!" Seryoso kong sabi dahil wala namang sense ang suggestion niya kung sakali.
Kahit kailan ay hindi ko naisipang mang-akit ng sino mang lalaki.
"Oo nga pala, sorry kaya ka nga pala hiniwalayan ni Jared dahil ayaw mong ibigay sa kanya ang V-card mo? Speaking of the devil nakita ko sa social media na nandito siya ngayon sa Manila pinuntahan niya ang bagong girlfriend niya tapos parang may post yung girl na naka-tag siya, kilig na kilig 'yung girl kasi sinundo pa daw siya dito tapos sabay silang pupunta sa San Nicholas, grabe ang sweet lang ah!" Nakangiti niyang sabi.
Napakunot naman ang noo ko sa mga ikinukwento ni Nealyn sa akin. Para kinikilig pa siya sa love life ng manyak kong EX.
Nakakahiya man pero totoong si Jared ang nakipag-break sa akin, with matching drama pa at buti na lamang ay hindi ako nagpauto sa kanya. May nalalaman pa siyang hindi ko daw siya mahal kaya ayaw ko daw ibigay sa kanya, hindi ba pwedeng hindi pa ko ready at sadyang manyak siya dahil hindi siya makahintay.
Required ba talaga na kapag boyfriend mo na ay automatic na gagawin niyo na ang bagay na 'yun?! Tinanong ko pa sa kanya yan at talagang sumagot pa siya ng Oo na lalo kong ikinainis dahil napakamainipan niya. Hindi siya willing mag-wait pwes hindi niya deserve ang V-card ko! At isa pa feeling ko hindi ko rin siya ganu'n kamahal dahil hindi ako umiyak nung naghiwalay kami kaya siguro hindi rin niya ko na-convince.
"Whatever wala ako'ng pakiealam sa love life niya, pwede ba can we focus on my problem? Tara inom pa." At muli na naman ako'ng sumimsim ng alak sa baso kong iniinuman.
"Oh, akala ko ba okey ka na? Panay na nga ang tawa natin kanina eh, nakapag-book ka na din ng flight. Ano pang problema ang sinasabi mo?" Ang tila nakukulitan niyang sambit sa akin dahil bakas sa kanyang mukha at may pagkamot pa siya sa kanyang ulo.
Panget naman ka-bonding nito hindi ba pwedeng mag-rant ako buong drinking session namin pero may point siya okay na ko dahil nakapagpa-book na nga ako ng flight kani-kanina lang, na-apply ko ang pagiging multi-tasker ko na natutunan kong gawin sa pagta-trabaho ko sa aking Evil Ex-Boss dahil nagawa kong makapag-book ng flight gamit ang aking cellphone habang nag-iinom kami.
Ilang saglit pa ay nagpaalam si Nealyn na magpupunta lang daw ng banyo pero parang thirty minutes na ata ang nakalipas ay hindi pa siya nabalik pero. Nag-notify naman sa cellphone ko na pinusuan niya ang kaka-post ko lang picture naming dalawa.
Ano yan nagse-cellphone siya habang nasa ladies room?! Pinabayaan ko lang baka tinawag ng kalikasan pero another 30 minutes na naman ata ang nakalipas at naka-order na ko ulit ng drinks ay wala pa din siya.
Sa isip-isip ko at mukhang iniwan na ata niya ko dito ah?!
Bigla naman may nag-pop na message at confirm talagang iniwan na niya ko mag-isa dito at umuwi na daw siya.
Nakasakay na daw siya ngayon sa taxi. Lasing na daw siya at nakalimutan daw niya na nandito pa ko, tsaka lang daw niya naisip nung nasa loob na siya ng taxi at naandar na, at isa pa may pasok daw siya bukas pero sa dulo ng message sinabi niya na tama na ang inom at bukas na agad ang flight ko.
Hiyang hiya naman ako sa tulad niyang may trabaho at napailing na lamang ako sa ginawa niya.
Na-drink and run niya ko du'n ah! Kung kailan naman nasa kasarapan na ko ng pag-iinom 'yung tipong hindi ko na nararamdaman ang pait ng alak.
Hindi naman ako nag-aalala na mahihirapan sa pag-uwi dahil walking distance lang naman ang condo na inuupahan ko mula dito kaya sure ako na makakauwi ako, at isa rin sigurong reason kaya hindi na personal na nagpaalam sa akin si Nealyn na uuwi na.
Alam niya sigurong pipigilan ko siya dahil pwede naman siyang matulog sa condo ko. Palibhasa kasi may lovelife na, walang patawad parang isang gabi lang na hindi sila magtatabi ng boyfriend niya tutal naman bukas na ang alis ko.
Since wala na kong kasama ay ubusin ko na lang siguro ang alak na nasa baso ko tapos uwi na din ako. Hapon pa naman ang flight ko bukas kaya pwede ako'ng matulog hanggang tanghali, at ngayon ko lang napagtanto mula pala ng magtrabaho ako sa Mondragon Marketing which hindi na ngayon ay hindi na pala ako makikipaglaban sa pagbangon ng maaga dahil wala na din ako'ng trabaho.
Tama si Nealyn, hindi ko na dapat isipin ang mga negatibong bagay, du'n ako sa positive. Wala na kong magagawa sa pagkakatanggal ko at kailangan ko ng plano at alam ko na kung ano ang gagawin ko.
The plan is uuwi ako this holiday sa amin and then babalik ako dito sa Manila para maghanap ulit ng panibagong work.
Muli kong dinampot ang baso ng alak sa harap ko para ubusin na at makauwi na.
"Bakit iniwan mo ang company cellphone sa opisina? Bakit nag-iinom ka? Ano magpapa-late ka na naman bukas?"
Halos mapatalon ako sa sobrang gulat sa nagsalitang boses ng lalaki na bigla na lang ata sumulpot dito na tila ba pinapagalitan ako, buti na lang ay hindi ko pa nailalapit sa bibig ko ang baso dahil kung nagkataon ay naibuga ko siguro ang laman.
Nilingon ko ang taong nagsalita at nanlaki ang aking mga mata pero agad kong pinaling-paling ang aking ulo.
Lasing na siguro ako! Sa kakaisip ko sa aking evil boss, I mean EX-evil boss ay nagha-halluccinate ako na siya ang lalaking nasa tabi ko ngayon at pinapagalitan pa din ako.
Imposible naman mag-effort siya pa siyang puntahan ako dito ngayon para lang pagalitan ako.
Muli kong tinignan ang gwapong lalaki na kaharap ngayon na napagkamalan kong boss, I mean Ex-boss ko dahil ka-boses niya talaga si Sir Hunter at bukod pa du'n ay kamukhang-kamukha niya din dahil parehong pareho sila ng expression ng mukha, tipong sobrang seryoso, nakasimangot or kala mo galit na agad kahit hindi pa man siya nagsasalita pero kahit gano'n ay ang pogi pa din niya.