Hunter's POV
Napaka-stupid talaga?!
Ano bang mahirap sa pagbili ng kape? Hindi na nga titimplahin at bibilhin na lamang ay hindi pa magawa ng maayos at lalong uminit ang ulo ko dahil nasaksihan ko lang naman ang katangahan niya.
Hindi ko na nakuha at nainom ang kape ko dahil ibinuhos lang naman ng tatanga-tanga kong sekretarya sa isa sa mga kliyente ng kumpanya.
Hindi ko tuloy napigilan i-call out siya. Panay ang hingi niya ng tawad kay Mr. Dizon pero sa akin ay hindi pero it doesn't matter dahil siguro alam na niya na tanggal na siya kaya gano'n ang inasal niya.
Mabuti na lamang ay maunawain at mabait si Mr. Dizon at natuloy pa din ang meeting namin kahit ganoon ang nangyari.
"Nice doing business with you and by the way pakisabi sa inaanak ko na huwag siyang mag-aalala it's just a suit, maliit na bagay lang huwag na siya masyadong mag-alala." Ang nakangiti niyang sabi.
"Pardon me, Mr. Dizon. I don't understand." I directly said to him dahil hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya, at sino ang sinasabi niyang inaanak daw niya.
"Oh, hindi mo alam? Inaanak ko si Jean Grey, ninong niya ako."
Hindi ako stupid pero tila naghang ang utak ko sa mga sinasabi niya.
"Jean Gray Salvadore! Yung nakatapon ng kape sa suit ko kanina." Ang sabi pa niya pero hindi ko pa din ma-gets pero tama ba ang pagkakadinig ko sa sinabi niya.
Salvadore?!
And out of nowhere ay parang bigla ako'ng nagpanic dahil apelyido lang naman 'yon ng number one client ng kumpanyang ito.
Ano ba ang mga sinasabi nito ni Mr. Dizon?! Talagang naguguluhan ako sa mga oras na 'to.
"Oh, why you look so surprise Mr. Mondragon don't tell me hindi mo alam na anak ni Mr. Johnny Salvadore si Jean Grey. Ang swerte mo nga at dito naisipan nung inaanak ko kumuha ng experience para sa first work niya for sure ikinukwento ka na niya ngayon sa Dad niya kung gaano ka kagaling sa industriyang ito."
Is this some kind of joke?! Gusto ko sanang sabihin but Mr. Dizon looks so serious lalo pa ng nagbigay siya ng payo na never ko naman hiningi.
"Napansin ko pala na napalakas ata ang pagtawag mo sa pangalan niya kanina when coffee spilled happen. Alam mo aksidente lang 'yun may biglang dumaan habang kinakausap ko siya, may advise to you is don't be too harsh on her mabait na bata si Jean, at isa pa ikaw din alam ko madaming project dito ang tatay niya 'di ba." He jokingly said.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya bahagya na lamang ako ngumiti at nakipagtawanan din kahit ang totoo ay hindi ko na nagugustuhan ang kutob sa dibdib ko hanggang sa makaalis na si Mr. Dizon.
Pagkaalis na pagkaalis ni Mr. Dizon ay agad kong ipinatawag ang HR to check and confirm ang mga sinasabi ni Mr. Dizon.
*********
Kalalabas lang ng HR head na pinagalitan ko dahil how come na hindi ko alam na ang sekretaryang sinisante ko kani-kanina lang ay anak pala ni Mr. Johnny Salvadore.
Who is Mr. Johnny Salvadore? Siya lang naman ang may-ari ng pinakakilala, at pinagkakatiwalaan na isa sa mga multinational food and drink processing conglomerate corporation dito sa Pilipinas na siyang number one client ng Mondragon Marketing.
Taon-taon ay hundreds of million ang ina-allot na budget ng kumpaniya nila about sa promotional activity ng kanilang mga products.
Ang mga kumpanyang hawak ni Mr. Johnny Salvadore ang isa sa mga rason kung bakit napalago, at napalaki ng husto ang business ng pamilya namin.
Hawak ko ngayon ang printed CV niya at ngayon ko lang talaga nalaman ang buong name niya.
Jean Grey Salvadore.
Mukhang mahilig ata sa comics si Mr. Johnny at ganito ang ipinangalan niya sa anak niya. Ang iniisip ko pa ano'ng ginagawa ng anak niya sa kumpanya ko.
Stupid fùck! Naalala ko 'yung sinabi ni Mr. Dizon na baka ikinukwento niya ako sa ama niya which is...
Well, sadya naman talagang mabagal ang anak niya at businessman si Mr. Johnny panigurado ako na maiintindihan niya ko dahil talaga naman halos ng mga bagong pasok na employee ngayon ay ubod ng kupad, walang tiyaga at puro reklamo lang ata sa buhay ang alam gawin.
Kaya ayaw ko ng social media ay nakakainit lang ng ulo ang nababasa kong post ng mga tao ngayon na pagod na daw sila sa buhay kahit wala pa man napatunayan, mga stupid people.
Gano'n pa man ay this is business since anak ni Mr. Johnny si Jean Grey ay kailangan ko siyang pabalikin at kailangan kong sundin ang payo ni Mr. Dizon lalo pa at ang ama niya ang number one client ng kumpanyang ito.
Iniwan ko na nga ang magulong mundo ng showbiz noon pero mukhang kailangan ko na naman i-apply ang mga natutunan ko dati dahil sa pangyayaring ito.
Agad kong iniutos na pabalikin si Jean Grey dito ora mismo pwede ko naman sabihin sa kanya na hindi ko pa siya sinisisante since siya naman ang kusang umalis kahit wala pa man talaga ako'ng sinabi.
Bumalik naman ang HR dito at sinabi sa akin na hindi na matawagan si Jean Grey dahil iniwan lang naman niya basta sa desk niya ang company cellphone.
Tignan mo ang ugali ng babae na 'yon. Tama ba 'yon ah? Dapat ay may proper channeling ang lahat ng bagay hindi 'yung basta iniwan lang niya sa desk niya, at hindi lang 'yon pati 'yung number na nilagay niya dito sa CV niya ay hindi rin matawagan. Ano'ng klase yan maglalagay ng number tapos not working.
Mukhang sakit ata sa ulo itong si Jean Grey sa tatay niya at ngayon naman ay mukhang ulo ko naman ang pasasakitin niya.
Nagkaroon pa tuloy ako ng problema ngayon kaya ang huling alas na lang ay ang puntahan siya sa address na nilagay niya dito, siguro naman ay totoo na siguro ang nakalagay dito.
"Ah, Sir sorry po wala na pong mga messenger ngayon umuwi na po, at kailangan ko na din umuwi? Bukas na bukas po ay i-uutos ko po agad." Ang nakayukong sabi ni Maureen.
Napatingin naman ako sa relo na suot ko at alas sais na pala. Hindi ko na namalayan na natapos na ang buong araw sa kakaisip kung papaanong pababalikin dito si Jean Grey.
Gusto ko sanang sabihin kay Maureen na pabalikin niya kaso uwian na din pala. Hindi ko malaman bakit ba lagi atat umuwi ang mga empleyado dito eh hindi naman kuripot ang kumpanyang ito sa pagbabayad ng over-time.
Wala ako'ng nagawa kung hindi umoo sa suggestion ng HR kahit ayaw ko dahil ang gusto ko makausap ko na agad ngayon si Jean.
Ipinagpatuloy ko naman ang pagbabasa ng mga working files ko since alas sais pa lang naman ng gabi pero hindi ako maka-concentrate dahil naalala ko bigla 'yung sinabi ni Mr. Dizon na baka ikinukwento daw ako ni Jean sa ama niya.
Since wala ng ibang mauutusan umalis na ko sa office at ako na mismo ang pupunta sa place niya.
And stupid talaga?! Wala lang naman siya dito, sayang lang ang ipinunta ko dito, at saan naman kaya nagpunta ang babaeng 'yon eh gabi na.
Tinanong ko ang receptionist baka pwedeng makuha ang number ni Jean Grey at hindi nga matawagan yung ibinigay niyang number.
"Sorry Sir pero hindi talaga pwede pero pwede bang magpa-picture sa'yo!" Nahihiyang niyang sabi.
Malamang namukaan niya kung sino ako dati.
Tumango na lamang ako at pinagbigyan siya sa request niya kahit ang totoo ay naaasar ako at sayang lang ang pag-ngiti ko sa kanya at hindi naman niya ibinigay ang number ni Jean pero sa isang banda masasabi ko na mapagkakatiwalaan siya dahil tama naman ang sinabi niya na confidential at hindi basta basta pwede ibigay kanino man ang personal number, lalo pa at hindi naman ako relatives ni Jean, atleast hindi siya stupid.
Wala na kong nagawa kung hindi bumalik sa kotse ko at makauwi na lang, nagda-drive na ko ng may matanaw naman ako'ng bar sa hindi kalayuan na condo building na tinitirahan niya. Nakita ko na may available na parking space sa may harapan kaya agad kong ginrab ang opportunity na minsan lang mangyari.
Tamad na kasi talaga ako'ng magpunta punta sa mga bar gawa ang hirap ng parking space pero since sakto na meron ay sige inom muna ko saglit to relax myself bago ako umuwi.