5. Pick Her Up

1056 Words
Jean Grey's POV Muli kong dinampot ang baso ng alak sa harap ko para ubusin na at makauwi na. "Bakit iniwan mo ang company cellphone sa opisina? Bakit nag-iinom ka? Ano magpapa-late ka na naman bukas?" Halos mapatalon ako sa sobrang gulat sa nagsalitang boses ng lalaki na bigla na lang ata sumulpot dito na tila ba pinapagalitan ako, buti na lang ay hindi ko pa nailalapit sa bibig ko ang baso dahil kung nagkataon ay naibuga ko siguro ang laman. Nilingon ko ang taong nagsalita at nanlaki ang aking mga mata pero agad kong pinaling-paling ang aking ulo. Lasing na siguro ako! Sa kakaisip ko sa aking evil boss, I mean EX-evil boss ay nagha-halluccinate ako na siya ang lalaking nasa tabi ko ngayon at pinapagalitan pa din ako. Imposible naman mag-effort siya pa siyang puntahan ako dito ngayon para lang pagalitan ako. Muli kong tinignan ang gwapong lalaki na kaharap ngayon na napagkamalan kong boss, I mean Ex-boss ko dahil ka-boses niya talaga si Sir Hunter at bukod pa du'n ay kamukhang-kamukha niya din dahil parehong pareho sila ng expression ng mukha, tipong sobrang seryoso, nakasimangot or kala mo galit na agad kahit hindi pa man siya nagsasalita pero kahit gano'n ay ang pogi pa din niya. Tuluyan ko ng inubos ang alak sa loob ng baso ng isang tunggaan lamang. Inilapag ko ang baso sa counter at nilingon ko ang lalaking kamukha ng aking Ex-Evil Boss. Napapangiti ako dahil ka-look a like talaga niya si Sir Hunter. Imposible naman kasing mapadpad ang isang Ex-Evil Boss ko sa ganitong klaseng lugar. Ano'ng oras na ba malamang nasa opis pa ngayon 'yon. Ang laki na nga ng kinita ko sa overtime kakahintay sa kanya. Hindi kasi ako pwedeng umuwi hangga't hindi siya naalis sa opisina kaya napaka-imposible talagang siya ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Napapatitig ako sa mukhang ng lalaki na ka-look a like ni Sir Hunter. Sayang talaga si Sir Hunter kung naging mabait lang sana siya sa akin ay malamang crush ko pa din siya hanggang ngayon. Nakatitig ako sa mukha ng lalaking katabi ko ngayon, nanaginip ata talaga ako dahil kamukhang kamukha siya ni Sir, hinawakan ko pa ang pisngi niya na agad naman niyang tinabing. Aray naman ang sakit nun ah! "What the hell are you doing, gawain ba ng matinong babae yan?" Masungit niyang sabi at natawa ako ng malakas hanggang sa ... . . . . . . . Hunter's POV Ano bang naisipan ko at nagpunta punta ako dito eh ang dami ng tao, halos makipagsiksikan na ko paglalakad papuntang bar counter. Parang mas maigi pa na dumaan na lang ako sa convenience store at bumili ng isang lata ng beer eh gano'n din naman ang suma tutal no'n, may alak din naman content 'yon, makakapag-relax din naman ako siguro at lalo ako'ng nagsisi dahil hindi 'yon ang ginawa ko dahil walang bakanteng mauupuan sa may bar counter at akmang tatalikod na sana ako ay bigla naman may umalis and nagmadali ako'ng pumunta doon. And to my surprise pagkaupong-pagkaupo ko ay nakita ko lang naman ang taong hinahanap ko, and I don't like what I see. Napapaisip tuloy ako kung alam ba ni Mr. Johnny Salvadore ang ginagawa ng kanyang anak. Mag-isa lang siya dito sa bar at mukhang lasing na siya kaya sinita ko siya sa kanyang maling ginagawa. Natigilan naman siya saglit at hindi natuloy ang pag-inom niya, at pinagmamasdan niya ang mukha ko na parang bang iniisip niya kung sino ako. Lasing na talaga siya, and she needs to go home now dahil may pasok pa siya bukas. Pinabayaan ko lang siyang titigan ako, at sanay naman ako na maraming natingin sa pagmumukhang 'to ang mahalaga naman ay hindi na niya muling ininom ang baso ng may lamang alak but then I was wrong. Ang buong akala ko ay ibaba na niyang muli ang baso ng alak sa bar counter pero hindi 'yon ang nangyari. Hindi ko na siya napigilan pa ng bigla na lamang niyang tinungga ang baso, at inubos ang lamang alak ng isang inuman, at tsaka lang niya inilapag sa bar counter ang baso nung wala na itong laman. Ano'ng klaseng babae 'to, lasing na nga eh nag-inom pa din. She drinks like a fish, at ngayon ay nakatitig na naman siya sa mukha ko habang ako naman ay napapailing-iling na lamang sa ginagawa niya. Malala ata ang tama ng alak sa utak niya dahil panay ang ngiti niya habang tinitigan ako at nagulat pa ko ng bigla niyang hinawakan ang isang pisngi ko na isang segundo pa lang atang nakahawak ay mabilis kong natanggal ang kamay niya. Umaray pa siya! Maarte din ah. "What the hell are you doing, gawain ba ng matinong babae yan?" Sa pangalawang pagkakataon ay pinagsabihan ko na naman siya pero sadyang lasing talaga dahil tinawanan lang naman niya ko ng malakas hanggang sa unti-unti ng humina ang kanyang pagtawa and... Fùck! Bigla lang naman sumubsob ang pagmumukha niya sa may dibdib ko, at buti na lang ay nahawakan ko siya at hindi siya bumagsak. Bukod sa pagiging mabagal niyang kumilos ay nalaman ko ngayong gabi na palainom at balahura din pala ito'ng anak ni Mr. Johnny Salvadore. Papaano pala kung wala ako dito ngayon? Saan siya pupulutin? Papaano kung may magsamantala sa kanya na ibang lalaki. Hindi niya ba naisip na pwedeng mangyari sa kanya ang mga bagay na 'yon! Hindi marunong mag-ingat sa sarili. Tinry ko pang yugyugin ang balikat niya pero knock out na talaga si Jean Grey. Napapailing na lang talaga ako sa babaeng 'to. Pambihira talaga, napakalakas ng loob ng sumige ng sumige sa kakainom ni hindi man lang nagreserba para pang-uwi. "Sir kayo po ba magbabayad ng ininom ni Ma'am." Ang tanong pa ng bartender sa akin. Pambihira talaga, nagpunta ako dito para mag-relax hindi para maging bangko at sundo ng babaeng 'to. It's not my job to pick her up and pay for her drinks. Muli ako'ng nag-attemp na gisingin siya pero hindi talaga siya magising. I cannot believe what is happening right now. Kahit ayaw ko magbayad ng mga ininom niya ay ako pa din ang nagbayad dahil hindi kami makakalabas ng bar at since wala siyang malay sa tindi ng kanyang kalasingan ay hindi rin niya magagawang umuwi mag-isa kaya inihatid ko din siya sa condo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD