6. Not A Dream

1179 Words
Jean Grey's POV Nagising na lamang ako dahil panay ang ring ng cellphone ko. Ano ba naman 'yan ang ganda ganda ng panaginip ko eh. Ang weird pero nakakatawa ang napanaginipan ko. Si Sir Hunter lang naman daw ang nagbayad ng lahat ng ininom namin ni Nealyn sa bar. Galit na galit pa si Sir Hunter at nakipagdiskusyunan pa sa bartender pero hindi kami pinayagan makaalis ng bar hangga't hindi niya nababayaran ang lahat. Panay pa ang sermon niya sa akin habang ako naman ay walang malay hanggang sa naihatid na niya ko dito sa condo ko at doon na natapos ang paniginip ko. Kinapa ko ang cellphone kong panay ang ring sa may bulsa ng pantalon ko para i-accept ang tawag at inilagay ko agad sa may tenga ko. "Hello?" Ang nakapikit ko pa ding sabi na tila nanghihina at medyo nahihilo-hilo pa ko, ang tagal ko na kasing hindi nainom mula ng nakapagtrabaho ako sa Mondragon Marketing ay walang time dahil opis at bahay lang ako palagi. Papaano ba naman ako makakapag-inom eh halos sa opisina na ko tumira. Napaka-workhalic kasi ng Ex-Evil Boss ko eh, hindi ako pwedeng umuwi hangga't hindi pa siya nauwi. Ang panget niya ka-bonding 'di ba?! "Ano gising ka na?" Rinig kong sabi ni Nealyn. "Hmmm, kalahati pa lang? Hmmm Salamat sa pagiging alarm clock." Sagot ko sa kanya. Talagang kalahati pa lang ang gising ko dahil ang isang mata ko ay pikit pa, hays parang ayoko pang bumangon bakit ba kasi ako nagmadaling mag-book ng flight eh kung pwede namang bukas na. Masyado ako'ng naging excited gawa siguro ng wala na naman ako'ng gagawin dito since I'm an unemployed woman. Sinabi ko kasi sa kanya kagabi after ko makapag-book ng flight ay tawagan niya ko mga bandang alas nuebe ng umaga to ensure na magigising ako at aayusin ko pa ang mga gamit ko paalis, buti na lang talaga ay tumawag siya dahil nakalimutan ko din mag-alarm gawa na nalasing na nga ako. "Bumangon ka na at ibaba ko na ang tawag, at huwag na huwag kang babalik sa pagtulog." Sinunod ko naman ang utos niya tuluyan kong bumangon ng upo at iminulat ko na ng husto ang aking mga mata. "What the heck?" Ang hindi ko mapigilang bulalas ko sa aking sarili dahil sa may sofa pala ako nakatulog at ang masaklap hindi ko na nagawang maglinis ng katawan bago ako matulog. Kung ano ang suot ko kagabi ay 'yon pa din ang suot ko, isabay mo pa ang hindi kaaya-ayang amoy ng alak na kumapit na sa kabuuan ko. "What's the problem?" Oh, muntik ko ng makalimutan, nakatapat pa pala sa tenga ko ang aking cellphone at may kausap pa pala ko. "Wala naman, ah kailangan ko ng maligo, sige salamat." At tinapos ko na at ng makita ko kung ano'ng oras pa lang ay agad kong tinawagan si Nealyn dahil pinagloloko niya ba ko?! Nakita ko lang naman na 6:00 AM pa lang ng umaga sa aking cellphone. Ang usapan namin ay 9:00 AM niya ko gigisingin at hindi alas sais ng umaga. Wala ng dahilan para gumising ako ng ganyan kaaga! Sinagot naman naman agad ni Nealyn ang pag-call back ko. "Yes!" She answered. "Yeah, yes, bakit naman ang aga aga mo ko ginising?" Agad na reklamo ko sa kanya. "Pwede ba huwag ka ng magreklamo, baka kasi makalimutan ko kung mamayang pang 9:00 AM kaya inadvance ko na." Wow, napakagaling naman niya, sa sobrang galing ay todo todo ang pagka-advance. "Inadvance ng tatlong oras? Ano ako estudyante?" Sarcastic kong sabi sa kanya. "Alam mo kagabi ka pa puro reklamo eh, problema ba 'yan eh di matulog ka ulit pero ito tandaan mo wala na kong kasalanan kung hindi ka magising on time, basta ginawa ko na 'yung inutos mo then tapos, ba bye na maliligo na ako at may trabaho pa ko unlike ng iba d'yan." Masungit niyang sabi and then biglang nawala ang tawag. Kainis talaga siya! Tinignan ko ang cellphone ko ng may panggigil at kung pwede nga lang pumasok ako du'n para sabunutan ang malditang kong pinsan ay ginawa ko na. Ano'ng sinasabi niyang matulog ulit eh? Paano ko naman magagawang makatulog ulit kung badtrip na ko, at kung ganito ang ayos ko at medyo may hang-over pa. Ang dapat kong gawin sa mga oras na 'to ay ang maligo dahil feeling malagkit na ang pakiramdam ko. Bitbit ko ang aking cellphone ay tumayo na ko at nagpasyang pumunta sa aking kwarto pero bago pa lang ako nakakatayo ay napapitlag at nanlaki ang aking mga mata sa gulat kaya muli ako'ng napaupo sa sofa. Gising na ba talaga ako? Or continous pa din ang paniginip ko? Ano'ng ginagawa niya dito? May bigla lang naman kasing lumabas na lalaki mula sa aking kwarto, at hindi lang basta kung sinong lalaki. It's him, ang rason kung bakit ako nag-inom kagabi. My Ex-Evil Boss ay galing sa loob ng kwarto ko at ngayon nga ay nasa may tapat na siya ng pintuan nito at seryoso siyang nakatingin sa akin. "Buti naman at gising ka na, you've been a VERY naughty girl last night." Ang nakangisi niyang sambit habang isinusuot niya ang kanyang necktie. Lalo naman nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. What the heck? Ano'ng sinasabi niya? Me as a naughty girl?! Lumakas ang kabog sa dibdib ko at napaisip kung may ginawa or may sinabi ba ko sa kanya para sabihin niya 'yon sa akin, at ang pinaka-weird sa lahat ng ito ay nakangisi siya sa akin na para bang may sikreto ako'ng sinabi sa kanya like what the hell is happening?! At tsaka ano'ng ginawa niya sa loob ng kwarto ko, doon ba siya natulog habang ako naman ay dito sa sofa pumuwesto?! Pero importante pa ba 'yun?! Sa mga oras na 'to ay sobrang lakas talaga ng kaba sa dibdib ko because I just realized na hindi pala panaginip ang nangyari kagabi dahil kung hindi ay ano ang ginagawa niya dito?! But wait, there's still hope baka naman nasa second level ako ng panaginip, 'yung tipong akala mo gising ka na pero panaginip pa din pala ang nangyayari kaya sinampal sampal ko ang magkabilang pisngi pero ouch ang sakit. "What the hell are you doing? Are you trying to convince yourself na nanaginip ka? Well you're not, ako talaga ang naghatid sa'yo plus ako ang nagbayad ng mga ininom mo sa bar kaya you owe me. Mabuti pa ay maligo ka na para hindi ka malate. Uuwi lang ako sa bahay ko saglit para magpalit ng damit and then see you later in the office." At naglakad na siya papunta sa may door habang ako naman ay nanatiling nakaupo dito, hindi makagalaw at pinapanood lang siya. Nakahinga naman ako ng maluwag ng tuluyan ng sumara ang pinto pagkalabas niya pero muli na naman ako nagulat dahil muli 'yon bumukas. "Don't forget my coffee." Ang pahabol na bilin niya bago siya tuluyang umalis. Ano'ng nangyayari? Bakit niya ko pinapapasok sa office at pinabibili pa ko ng kape? I thought I was fired?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD