7. I Have A Crush On My Boss

1262 Words
Jean Grey's POV Nilakasan ko ang pagkakasampal ko sa isang pisngi ko. Pak! Ouch, ang sakit. Talagang totoo ang lahat ng nangyayaring ito, akala ko panaginip lang ang lahat. Napatayo ako at napasabunot ako sa aking buhok habang nagpapabalik-balik ng lakad dito sa may sala ko. Ano ng gagawin ko ngayon, sa mga sinabi niya malinaw na hindi pa pala ako tanggal sa trabaho gawa ng mga inutos niya. Ang sabi niya ay maligo na daw ako para hindi ako malate at may pagbalik pa siyang nalalaman at huwag ko daw kalimutan ang kape niya. Napatigil naman ako sa paglakad at napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko at nagmadali ako'ng pumunta doon. Wow, as in wow! Sobrang ayos lang naman ng sapin ng kama, pati ang pagkakalagay ng mga unan sa ibabaw. Walang bakas na may natulog na tao. Ang galing niya mag-ayos ng higaan ah! Napaupo naman ako saglit at iniisip ng mabuti kung ano ba ang gagawin ko? Susundin ko ba ang ipinag-uutos niya, ika-cancel ko na ba ang flight ko?! Gulong gulo na ang utak ko sa mga oras na 'to at bukod pa du'n paano naman ako makakapag isip ng maayos kung naaamoy ko pa din ang alak na kumapit sa katawan ko. Makaligo na nga lang muna. Kailangan kong ma-refresh at baka sakaling ma-refresh din ang utak ko sa lahat ng nangyayari ngayon. Nasa tapat na ko ng shower, nakapikit ang aking mga mata at hinahayaan ko lang umagos ang tubig sa bandang mukha ko pero agad ko din inilayo at idinilat ko ang aking mga mata dahil paulit ulit lang naman ume-echo sa isipan ko ang mga katagang sinabi ni Sir Hunter na malaking palaisipan sa akin kung bakit ba niya nasabi iyon. You've been a VERY naughty girl last night. Oh, God! Hindi mawala sa isipan ko at parang hindi ako matatahimik kung hindi ko malalaman kung ano bang ibig sabihin ni Sir Hunter kaya nagmadali na ko sa paliligo at susubukin kong alamin sa baba kung ano ba ang nangyari. Pagkatapos kong maligo ay nagmadali ako sa pagbibihis at nagmadali ako'ng lumabas sa unit ko. Panay naman ang pindot ko sa button sa may tapat ng elevator pero ang tagal kaya nagpasya na lamang ako'ng gumamit ng hagdan, at hindi na talaga ako makahintay. "Hi!" Ang nakangiti na bati ko sa receptionist na medyo hinihingal hingal pa. "Good morning Miss Jean." Ang nakangiting bati din niya sa akin at hindi na ko magpapaligoy ligoy pa. "I have an emergency kailangan kong makita ang kuha ng CCTV kagabi." Seryoso kong sambit sa kanya. "Bakit po Miss Jean? Ano pong klaseng emergency? Kailangan ba natin tumawag ng security? mag-report sa police?" Ang may pag-aalalang tanong niya. Oh, God! Pano ko ba i-e-explain? Eh ako nga mismo hindi ko alam kung ano ba ang titignan ko sa CCTV pero gustong gusto ko i-check. And then an idea comes along and bahala na kung maniwala siya o hindi. "Ah eh wala naman masamang nangyari sa akin hmmm gusto ko lang makita kasi sa kuha sa CCTV kung dito ko ba nalaglag 'yung ID ko, ah nawawala kasi at gusto kong makasiguro kung dito ko ba nahulog or what?!" Ang pagdadahilan ko na hindi ko alam kung pano ko naisip basta sinabi ko na lang. Ang bilis ng kabog sa dibdib ko, sana lang ay hindi niya naririnig at sana makalusot ang paliwanag ko. Tinignan naman niya ko pero ilang saglit pa ay hinawakan niya ang landline phone at inilagay niya sa may tenga niya at may pinindot siyang number. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag ng marinig ko ang sinabi niya sa kausap niya na may isang tenant na need i-review ang kuha sa CCTV kagabi, ibinaba na niya ang phone at kinausap ako. "Okay na po Miss Jean punta na daw po kayo sa Control Room." At itinuro niya sa akin kung papaano pumunta doon hanggang sa nakarating na ako doon at nasa harapan na kami ng computer at nire-review na namin ang mga kuha at halos mahiya ako sa lalaking nasa tabi ko dahil nakikita niya ang nakakahiyang pangyayari na sa tingin ko habang buhay kong pagsisihan. Hindi ko natatandaan na ganito ang nangyari kagabi, ang akala ko ay tuluyan ako'ng na-black out nung nasa bar pero it turns out may malay na ko pagdating namin dito sa condo. Tawa ako ng tawa habang pasuray suray na naglalakad papunta sa tapat ng elevator habang nakakapit ako ng maigi sa isang braso ni Sir Hunter. "Ang bilis-bilis mo naman maglakad, wait lang naman!" Hindi naman pinansin ni Sir Hunter ang sinabi ko at tinitignan niya kung nasaang floor na ang elevator. In fairness ang linaw ng audio at talagang rinig na rinig ang mga sinasabi ko na hindi ko alam sa mga oras na 'to kung it's a good thing ba or a bad thing, and then... "Alam mo, sino ka ba ha? Bakit mo ba ko inihahatid? Alam mo kamukhang kamukha mo 'yung crush ko eh!" Oh, God! Agad kong pinause ang button at tinignan ko ang lalaking katabi ko at nakiusap ako. "Hmmm, pwede bang ako na lang muna ang..." Hindi ko matuloy ang sasabihin ko pero nakaturo naman ang hintuturo ko sa monitor. "Okay, tamang tama mag-yosi break muna ako." Agad naman niyang sagot sabay tayo, buti naman mabilis maka-gets si Kuyang bantay sa mga CCTV. Nang makalabas na siya sa rooom eh muli kong pinindot ang play button, at inulit ko du'n sa part na sinasabi ko kay Sir Hunter na kamukha niya 'yung crush ko. "Alam mo kamukhang kamukha mo 'yung crush ko eh!" "Sino naman yang kamukhang kamukha ko na CRUSH mo?" Ang sagot naman ni Sir Hunter at muli ko na namang pinause ang video at napakagat ako sa aking kamao dahil hindi ko talaga natatandaan ang tagpong ito pero since may kuha sa CCTV ay talagang naganap kagabi. Oh, God! Pwede bang i-delete na lang ang video na 'to, pero kahit naman ma-delete ko ay bale wala din since uso naman ang pagba-back up ng mga files at isa pa kahit i-delete ko pa ay hindi naman made-delete ang conversation naming ito ni Sir Hunter. Halos manginig ang aking mga kamay habang iginagalaw ko ang mouse para muling pindutin ang play button. Ahhh, ayoko man pero kailangan kong malaman kung ano ang isinagot ko sa tanong niya. "Sino naman yang kamukhang kamukha ko na CRUSH mo?" Tanong niya. "Sino pa ang aking EVIL BOSS, I mean EX-EVIL BOSS pala dahil tinanggal na niya ko. Ang sama sama ng ugali niya 'di ba parang na-late lang ako isang beses eh hindi pa ko pinatawad pero kahit ganu'n ang cute cute niya, kasing cute mo siya, hmmm pwede ba kunwari ikaw na lang siya tapos i-kiss mo ko!" At pagkatapos kong sabihin ang kabaliwan ko ay ipinikit ko pa ang aking mga mata at ngumuso sa may tapat ng mukha niya. Kita naman sa kuha ng CCTV ang pagsalubong ng kilay ni Sir Hunter, at pag-iling iling niya sa mga sinasabi ko hanggang sa mapasubsob ako sa may dibdib niya at agad naman niya kong nasalo, mukhang na-black out na naman ako, sakto naman na bumukas ang elevator at binuhat na niya ko papasok sa loob. Oh, God! Iyon pala ang ibig niyang sabihin. Halos ihampas-hampas ko ang mouse sa desk na agad ko din itinigil at baka bumalik na si Kuyang taga-bantay ng mga CCTV. Ngayon alam na ni Sir Hunter ang sikreto kong crush ko siya ay there is no way na babalik pa ko sa Mondragon Marketing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD