Jean Grey's POV Wala na kong mukhang maihaharap pa kay Sir Hunter pagkatapos kong malaman kung ano'ng nangyari kagabi. Ngayon ay nandito ako sa loob ng aking kwarto at inilalagay ko na ang mga ilang damit at gamit ko sa loob ng backpack ko, masyado pang maaga para magpunta ako sa airport dahil alas tres pa naman ang flight ko pero hindi na bale doon na lamang ako tatambay. Pagkababa ko sa may lobby area ay nakita ko ang isa sa mga messenger ng opisina at sinabing pinapasundo daw ako ni Sir Hunter at iniaabot niya sa akin ang work cellphone na iniwan ko na sa desk ko. "Kuya pasensiya na hindi ko na po matatanggap 'yan at pakisabi na lang po na hindi na po ako babalik, at papunta na po ako sa Airport ngayon, uwi na po ako sa amin." "Naku Ma'am baka ako naman ang kagalitan niya, ang kab

