Hunter's POV After kong mabasa ang text message of that spoiled little brat ay nagpasya ako'ng sabihin sa kapatid kong si Zander ang posibleng maging malaking problema na kakaharapin ng kumpanya kung sakaling malaman ni Mr. Johnny Salvadore ang nangyari sa pagtatrabaho ng anak niya sa kumpanya namin. Hindi ko naiintindihan kung bakit ayaw ng bumalik ni Jean Grey dito eh malinaw naman na kaya siya nag-iinom kagabi dahil sa sama ng loob dahil ang akala niya ay wala na talaga siyang trabaho. Hindi naman siguro mahina ang kukote niya kung iisipin niyang tanggal pa din siya pagkatapos kong bayaran ang bill niya sa bar ihatid siya sa condo niya. Ang bigat pa naman niya. Napapailing na lang ako sa pagiging careless ng babaeng 'yon, buti na lang talaga ay ako ang naghatid sa kanya isipin mo p

