Jean Grey's POV Nagku-kwentuhan pa kami ni Nealyn habang papasok sa loob ng bahay pero bigla kaming natahimik, at nagulat ng makita namin ang taong nakaupo sa may sala. Mula sa pagkaka-upo ay tumayo siya ng makita kami habang hawak niya ang isang pumpon na bulaklak. "Ah mauna na ko sa taas." Paalam sa akin ni Nealyn at sapilitan niyang kinuha sa akin ang grocery bag na bitbit ko kahit may bitbit din siya bukod pa sa mga shopping bag na nakasabit sa may front elbow niya. "Teka, huwag mo ko iwan dito!" Reklamo ko sa kanya. "Alangan naman mag-stay ako dito eh hindi naman ako ang kailangan niyan," sabay tingin niya sa lalaking nakatayo ngayon sa sala namin. "Pero ayoko siyang kausapin!" Inis kong sambit. "Naku parang hindi mo naman kilala yan hindi ka titigilan niyan kung hindi mo siya

