Jean Grey's POV Nagulat sa ginawang pagyakap sa akin ni Jared sabay bulong sa may tenga ko. "Shhh tahan na kalimutan mo na siya, I'm here for you!" Malambing niyang sabi, and I was about to push him pero hindi ko na nagawa pa dahil kusa na niyang inilayo ang sarili niya sa akin. "I'm so sorry, sige aalis na ko kung 'yun talaga ang gusto mo, just take a rest, and please don't cry na ah!" Sabi niya habang pinupunasan niya ang mga luha na nasa gilid ng mata ko. Since sinabi naman niya na aalis na siya ay hindi ko na siya sinagot pa, at tinupad naman niya ang sinabi niya. Ilang saglit lang ay naglakad na siya palabas ng bahay. Buti naman at umalis din siya, ang akala ko talaga ay makikipagmatigasan pa eh, at tsaka bakit ba kasi ako naiyak bigla?! Sumalampak ako ng upo dito sa sofa, at na

