Jean Grey's POV Bumalik ako ng upo sa may bar counter, may tira pang beer ang baso na iniinuman ko pero wala na kong ganang ubusin ang laman. Medyo humupa naman na ang init ng ulo ko kanina na ngayon naman ay napalitan ng kalungkutan. Sinasabi ko magulo si Sir Hunter pero ganu'n din naman ako dahil parang nagsisisi ako sa ginawa kong pagpapalis sa kanya. Love is hard talaga. "Babe sinong kausap mo kanina?" Sabi ng katabi ko. Hindi ko naman nilingon si Jared, and I act na isa lang siyang hangin, at ayoko siyang i-entertain, wala ako sa mood makipag-asaran sa kanya ngayon, at ang tsismoso talaga niya para itanong kung sino ang kausap ko kanina. Nilibang ko na lamang ang aking sarili sa panonood ng kung ano-ano sa aking cellphone habang waiting kay Mang Romnic. Since wala naman makau

