Jean Grey's POV "All I want for Christmas Is You Baby" - Ang paulit-ulit na tugtugin na maririnig dito sa loob ng grocery store. Tulak tulak ko ang push cart, at patungo na ako sa check out counter dahil sa tingin ko ay okay na 'tong nakuha kong mga item, chips, cookies, chocolates, candies in short puro junk pero yan kasi masarap kainin lalo pa at magha-heart to heart talk kami mamaya ng pinsan ko, and speaking nasaan na ang babaeng 'yon eh magbabayad na ko. Lumingon lingon naman ako sa paligid habang tulak ko ang cart, at baka sakaling makita ko siya, and then... What the heck?! Kaya pala nawala siya dahil kumekerengkeng ang babaeng 'to! Agad ko siyang nilapitan, and oh God! Parang nahiya naman ako ng makita ko ng malapitan ang lalaking kausap niya. Grabe sobrang pogi, 'yung tipo n

