Hunter's POV Nandito ako sa may living room area at inaabangan ko ang pagbaba ni Jean Grey. Pagkatapos kasi namin mag-almusal ay nagpaalam siya na akyat daw muna siya at hintayin ko na lang daw siya dito. Si Nealyn naman ay umalis na para pumasok sa trabaho. Sa totoo lang ay iba talaga ang pakiramdam ko dahil sa mga ikinikilos nilang dalawa lalong lalo na si Jean Grey. Hindi ko pa naman nai-explain ang side ko sa kanya pero bakit ganu'n ang pakikitungo niya sa akin?! She seems not mad. Dapat nga matuwa ako kung sakali but I'm not. Kanina pa ko dito patayo-tayo at pabalik-balik ng upo sa sofa while thinking what is going on through her mind, at malalaman ko lang 'yun kapag nakapag-usap na kaming dalawa. Sa tantiya ko ay mga isang oras na ko naghihintay pero hindi pa rin siya bumabab

