Hunter's POV Mukhang pinatayan na ata ako ng cellphone nung mag-asawa ah. Naisip ko bakit ba ko nag-aaksaya pa ng panahon para kontakin sila eh wala na naman ako'ng magagawa dahil nakapag-email na si Zander, at hindi na mababawi pa. Makikita niya hindi ko palalagpasin ang pangunguna, pangengeelam, at higit sa lahat pagdedesisyon na walang pahintulot ko. Muli ko ng itinago ang cellphone ko pero hanggang ngayon ay wala pa din dito si Jean Grey. Sobrang tagal naman ng babaeng 'yon gumamit ng ladies room, doon na ata tumira?! Halos mauubos ko na 'yung isang bote ng beer, isang bucket naman ang sinerved ni Tita Jack dito kasama ng ilang pulutan, at nagpaalam pa siya sa akin na uwi daw muna siya saglit sa bahay, hindi ko na tinanong kung bakit basta ang bilin niya ay mag-order lang daw kam

