Jean Grey's POV Bahala na nga tutal naman sanay naman ako na lagi ako'ng sinusungitan ng boss ko eh. Magustuhan man niya o hindi ang make-up ko eh hindi ko na problema ang bagay na 'yon, nagpasalamat na lamang ako kay Rebecca, at ng pagkalabas namin ng restroom ay halos sabay kaming napahiyaw dahil ang lokong si Jared ay naka-abang pala sa labas at sinadya niya kaming gulatin. "Takot kayo no, hahaha!" Ani pa ni Jared habang patawa tawa dahil nagtagumpay siya sa kanyang panggugulat. Gusto ko sanang ihampas sa kanya ang bag na hawak ko kaso lang ay nagsimula na agad maglambing ang magjowa. "Ano ba naman yan honeybunch, bakit ka naman nanggugulat diyan?" Tanong ni Rebecca kay Jared habang nakahawak sa kanyang dibdib, at minasa masahe pa niya 'yon ng bahagya. "Sorry my Sugarplum, ikaw k

