Jean Grey's POV Gabi na at malapit na kaming umalis papuntang simbahan pero no show pa din si Hunter. Hindi ko pa naman nasabi sa kanya at nawala sa isip ko na na-attend pala kami ng midnight mass, at hindi rin niya sinabi kung ano'ng oras ba siya pupunta. Oh, God! Kinakabahan ako, what if kung hindi talaga siya dadating at magpapakita sa akin. Tanging pangako lang niya ang pinanghahawakan ko, hindi bale hindi pa naman tapos ang gabi, nagawa ko ngang maghintay ng buong araw, at hindi rin naman matagal ang misa kung sakali, babalik din naman kami kaagad dito so hindi pa tapos ang gabi kaya hindi pa ko dapat mawalan ng pag-asa. Nilibang-libang ko na lamang ang sarili ko at pinagbabasa na ang mga message sa cellphone ko. Siyempre puro message lang naman ni Nealyn ang nandito tapos 'yung

