Jean Grey's POV Hindi ko naiintindihan ang gusto niyang mangyari pero dahil mahal ko siya ay sinunod ko ang kagustuhan niya, at ngayon ay nasa loob na ako ng aking kwarto at nag-e-emote. Hindi ko nga malaman kung papaano niyang nagawa makakuha ng car service at talagang inihatid nga niya ko dito sa bahay pero hindi talaga siya pumasok sa loob. Ang sabi niya pagkatiwalaan ko siya because he has a plan pero ayaw naman niyang sabihin basta ang pangako niya magkikita daw kami mamaya. Kahit hindi ko naiintindihan ay pumayag ako kahit may agam agam sa puso at isipan ko. "Just be patient my Angel, and it will all be worth it. Don't worry magkasama naman tayo mamayang gabi." Huling katagang sinabi niya bago kami tuluyan maghiwalay. Hindi ko kasi talaga gets ang gusto niyang mangyari na bakit

