Jean Grey's POV Nagising ako ng may ngiti sa aking mga labi. Paano ba naman ang sarap sa pakiramdam ng ginawa niyang paggising sa akin. Damang dama ko ang lambot ng kanyang labi na dumadampi sa palibot ng mukha ko at bukod pa du'n ay amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga. Bakit ba niya ko ginigising eh wala pa rin naman flight pabalik ng Manila ngayon, alam ko bukas pa. Unti-unti kong iminumulat ang aking mga mata at agad kong naaninag ko ang gwapo niyang mukha. Gosh kung ganito ba naman tuwing umaga ang makikita ng mga mata ko ay ayaw ko ng mawalay pa sa kanya kahit kailan. Nakangiti ako'ng pinagmasdan ang super duper ever handsome niyang face at kay sarap panggigilan at halikan pero wait a minute, iba ang suot niyang damit eh alam ko wala naman siyang dala. Nakasuot siya ngayo

