"Napakaganda mo naman, Isabelle." papuri ni Doña Aurora sa kanya matapos siyang ipakilala sa lahat ng mga naroong tauhan.
"Salamat po." kiyemeng sagot naman ng dalaga.
"Martha ikaw na ang bahala sa kanya." utos ni Don Alfonso sa matandang kasambahay.
"Opo, Don."
"Isaac, hijo please help her with her baggage, and also you already know what to do right?" baling naman ng matandang babae sa lider ng mga naroong tauhan na de-baril. Hindi mawari ni Isabelle kung anong trabaho ng mga iyon, ang alam lamang niya ay nanunumbalik sa kanyang ala-ala ang mga anag-ag ng masalimuot na kahapon sa tuwing mapapasulyap siya sa mga baril na hawak ng mga tauhang iyon.
Hindi kumibo ang tinawag na Isaac bagkus ay tahimik itong lumapit sa gawi ni Isabelle at walang salitang kinuha sa kanya ang kanyang maleta. Nagtama pa ang kanilang mga mata at doon niya napansin ang angking kagwapuhan ng lalaki.
Napalunok si Isabelle at iniwas ang kanyang paningin dahilan para tumama iyon sa mahabang baril na nasa balikat ng lalaki.
Nagsimulang manginig ang kanyang mga kamay.
She's still on a trauma. Parang kahapon lamang ang mga pangyayari kung saan walang awang pinatay ang kanyang mama at papa.
"Ayos ka lamang ba, hija?" tanong ni Nanay Martha nang mapansin ang pamumutla at panginginig niya.
Dahil din doon ay napahinto si Isaac at pinagmasdan ang dalaga.
"You're sweating bullets." halos mapatalon si Isabelle ng marinig na nagsalita si Isaac, napatago pa nga siya sa likuran ni Nanay Martha dahilan para bahagyang matawa ang matanda.
"Natatakot ka ba kay Isaac, hija?" natatawa pa ring tanong ni nanay Martha.
"H-hindi naman po." muling sumulyap si Isabelle sa mahabang baril na nakasabit sa balikat ng lalaki. "M-may.. Bala ba 'yan, Manong?" tanong niya sa lalaki dahilan para kumunot ang noo nito.
"Manong? Ganoon na ba ako katanda sa tingin mo? I just turned 28."
Hindi nakakibo si Isabelle, totoo naman na mukha pa itong bata pero hindi kasi niya alam kung anong itatawag niya rito kaya naman manong na lang ang nasabi niya.
"And to answer your question, yes may bala ito, why? You scared?" napakagat ng labi si Isabelle bago dahan-dahang tumango.
Totoo naman kasi na natatakot siya sa baril.
Isaac chuckled and without a word, he took off the lace of the gun and putted it down a table.
"Natatakot ka pa ba?" tanong nito habang nakayuko sa kanya. Pakiramdam ni Isabelle ay ang liit-liit niya dahil sa height ng lalaking kaharap.
Bahagyang bumukas ang kanyang bibig ngunit walang mahanap na salita kaya umiling na lamang siya.
Isaac's dark eyes were piercing through her soul.
Naputol lang ang tingin nito sa kanya ng tumikhim si nanay Martha.
Nagpatuloy sila sa pag-akyat ng hagdan hanggang sa marating nila ang ikalawang palapag ng bahay. Sa pinakadulo ang kanyang magiging silid, malapit lamang sa silid ng mag-asawang Don Alfonso at Doña Aurora.
Buong akala ni Isabelle ay iiwan na sila ni Isaac pagkapasok nito ng kanyang maleta sa loob ng kwarto pero nagkamali siya dahil si Nanay Martha ang umalis imbes na ang lalaki.
"We have a protocol to inspect our guest's things. So may I proceed?" hindi halos makahuma si Isabelle sa narinig.
Itong gwapong lalaki na ito ang mag-iinspect ng mga gamit niya?
"And mind if I do a quick frisking to you?" nanlaki ang mga mata ni Isabelle pagkarinig sa sinabi ni Isaac.
"You're not serious, right?"
Ngunit mataman lamang siyang tiningnan ng lalaki dahilan para mapalunok siya.
"Ganito ba talaga rito?" nauubusan ng pasensya na tanong niya.
"As what I've said before." malamig na turan ni Isaac sa kanya.
Napahinga ng malalim si Isabelle. "Fine. Do whatever you need to do." sumusukong sabi niya.
Ngunit ng tawirin ni Isaac ang espasyo sa pagitan nila ay biglang napaatras si Isabelle.
"What the hell??" inis na tanong niya.
"I'll do the frisking."
"Nang ganito kalapit?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Of course. Paano kita makakapkapan kung malayo ako sa iyo?"
"Wala bang babae na naka-assign para rito? You know, parang hindi naman yata tama na ikaw ang magkakapkap sa akin?"
Isaac chuckled a bit. "Sayang." he mumbled but Isabelle heard it clearly.
"You dumbass p*****t!" dinuro niya si Isaac, nanggagalaiti siya sa inis.
"Our female colleague was on her day off so I took the responsibility."
Tinignan niya naman ng mabuti kung nagsasabi ito ng totoo hanggang sa makaramdam siya ng ngawit sa kanyang batok dahil sa pagtingala sa binata.
"Fine," inis na sabi niya bandang huli. "But don't take advantage of me!" siya na mismo ang lumapit sa lalaki at hinanda ang sarili.
Narinig pa niya ang buntong hininga ni Isaac kaya tiningala niya itong muli, nagtama ang kanilang mga paningin walang gustong mag-iwas. Naglaban sila mata sa mata hanggang sa kumilos si Isaac at sinimulan siyang kapkapan, unang dampi pa lamang ng kamay nito sa balikat niya ay napasinghap na siya.
Tumayo lahat ng balahibo niya sa katawan. Isaac smirked at her reaction. Parang nanunudyo ang damuho dahil naging senswal ang dampi ng palad nito habang kinakapkapan siya. Gayon pa man ay hindi niya inalis ang masamang tingin niya sa lalaki.
Nakasunod sa mga mata nito ang kanyang paningin.
"Almost done. Now you have to remove your bra." kaswal na sabi nito sa kanya na parang simpleng bagay lang ang ipinagagawa nito.
"REMOVE MY WHAT?!" hindi makapaniwalang tanong niya.
Isaac's jaw clenched, sa totoo lang ay hindi rin siya komportable sa ginagawa pero trabaho niya iyon. He has no choice.
"Just do what you heard. Hindi ka naman siguro bingi 'di ba?"
"There's no way I would do that!"
"Then you are allowing me to touch and inspect your boobs?"
"Boobs?! What a p*****t!"
"Come on, Miss Sandoval, you're wasting my time."
"Bwisit!"
Walang nagawa si Isabelle kung hindi tumalikod at hubarin ang kanyang pangloob.
"Just u-unhook it." ngunit bigla ay sabi ni Isaac.
Agad nag-init ang kanyang mga pisngi bago dahan-dahang sinunod ang inutos nito, nang matapos ay humarap sa lalaki habang nakatakip ang mga braso sa kanyang dibdib. Parang wala namang nangyari pero sobra ang kanyang pagkailang.
All her life she have never been in a relationship. Meaning, she's a no touch, no kiss woman! Tapos ngayon ay gagawin niya ang bagay na ito sa harap ng estrangherong lalaki?
It's a big deal! Kahihiyan iyon!
"Now you have to, err.. jump." sabi ni Isaac.
Para matapos ay sinunod na lamang niya ang ipinagawa nito.
Kitang-kita pa nga niya na nag-iwas ito ng tingin maging ang pamumula ng mga tenga at leeg nito ay hindi nakaligtas sa mata niya.
Sumunod nitong ginawa ay ang pagkalkal ng kanyang maleta.
"Be careful, please!" inis na sabi niya ng basta na lamang nitong ipaglalabas lahat ng mga gamit niya at ipatong sa kama.
"Don't you dare touch that thing!" muli ay sigaw niya sa binata.
"Will you please don't shout? Kanina ka pa sigaw ng sigaw, sumasakit na ang tenga ko sa iyo." supladong sabi ng lalaki sa kanya.
"Just don't touch that thing, personal na gamit ko ang nakalagay sa loob ng pouch na iyan, unless you're interested with my undies."
"Then do it for me, ikaw ang maglabas para hindi ko mahawakan."
Napalunok si Isabelle, heto na naman sila.
Sandaling natahimik sa loob ng kwarto.
Sa huli ay talo na naman siya dahil namalayan na lamang niya na inilalabas niya isa-isa lahat ng panty at bra niya.
"Done." anunsyo ni Isabelle nang mailabas na niyang lahat ang laman ng undergarment pouch niya.
"What is this?" tanong ni Isaac ng makita ang maliit na pulang draw string pouch.
Napatingin doon si Isabelle at bigla siyang naging emosyonal. "That's the only thing my mother left me. So please don't touch it. That's precious to me." malungkot niyang sabi habang nakatingin pa rin sa bagay na iyon.
"I'm sorry. Here, take it." inabot sa kanya ni Isaac ang maliit na bag kung saan nakalagay ang isang medallion na siyang binigay sa kanya ng kanyang ina bago ito mamatay. Sabi pa nga nito ay magagamit daw niya ang bagay na iyon balang araw.
Kinuha niya sa palad nito ang maliit na drawstring pouch at agad na itinago sa loob ng kanyang maleta.
"Inspection was finally done. I will left you here now, fix your things and have a rest after. We'll just call you for lunch."
Hindi na nakahuma pa si Isabelle dahil iniwan na nga siya ni Isaac sa loob ng magiging silid niya sa mansion na iyon.
Doon pa lamang nagkaroon ang dalaga ng pagkakataon upang pag-aralan ang kabuoan niyon.
'Lovely'
Tamang-tama sa kanyang panlasa.
Nagkibit-balikat siya at sinimulan nang ayusin ang kanyang mga dalang gamit. It took her almost an hour to fix everything and after that she had the time to lay down her back to the soft bed.
"Mama, papa, I'm already here. Ito na po ang umpisa ng hustisya para sa pagkamatay ninyo. Gabayan niyo po sana ako.'
Tears fell down her cheeks, at hindi niya iyon namalayan sapagka't ang isip niya ay muling naglakbay pabalik sa kahapon.
"Lumayo ka dito, anak. Hindi ka titigilan ng tito Albert mo hangga't hindi ka niya napapatay! Dalhin mo ito anak, kakailanganin mo ito balang araw." umiiyak at nahihirapang sabi ng kanyang ina at pilit na isiniksik sa palad niya ang pulang tela ng maliit na supot.
May kabigatan iyon pero wala siyang oras upang tingnan ang laman niyon.
Ayaw niyang iwan ang kanyang mga magulang ngunit nalalaman niya ang maaaring mangyari kapag hindi siya sumunod sa pinakikiusap ng kanyang ina.
"Tumakbo ka na, anak! Hinahanap ka na nila pakiusap mag-ingat ka, sa likod ka dumaan!" sa huling pagkakataon ay niyakap at hinagkan niya ang kanyang mama at papa bago tumakbo patungo sa pinto na siyang daanan papunta sa likod ng kanilang bakuran.
Ngunit bago siya tuluyang makalabas ng pinto ay narinig pa niya ang boses ng kanyang tito Albert.
"Aba tingnan mo nga naman at buhay ka pa?" humalakhak ito na parang demonyo.
Nakakapanindig balahibo ang dating sa kanya ng mga tawa na iyon ng kanyang tito Albert na sinundan pa ng mga tauhan nito.
Kasunod ng tawanan na iyon ay narinig ni Isabelle ang pagmamakaawa ng kanyang ina.
Pero tila walang narinig ang mga ito. Dahil dalawang magkasunod na putok ang narinig ni Isabelle.
"Mama!" ngunit sa isip lamang siya nakasigaw.
Natakpan na lamang niya ang kanyang bibig upang pigilan ang paggawa ng anumang ingay.
Sobrang sakit ng nararamdaman niya sa kanyang kalooban.
"Hanapin ang bata!" utos ng tito Albert niya sa mga tauhan nito.
Nang marinig naman iyon ni Isabelle ay nagtatakbo siya patungo sa kakahuyan sa likod ng kanilang bakuran.
"Isabelle, hija! Gumising ka!" papalakas na yugyog sa kanyang katawan ang gumising sa kanya.
"Nanay Martha?"
"Binabangungot ka, hija. Ayos ka lamang ba?" tila naman nakahanap ng masasandalan si Isabelle sa katauhan ni nanay Martha. Walang anu-ano ay yumakap siya sa ginang habang walang patid sa pagtulo ang kanyang mga luha.
"Nanay Martha.."
"Naku kang bata ka, ano ba ang napanaginipan mo at grabe ang panginginig ng iyong katawan?" nag-aalalang tanong ng matanda sa kanya.
"Wala po nay Martha.." gustong-gusto niyang magsumbong sa Mommy at Daddy niya na siyang kumupkop sa kanya matapos niyang maulila sa kanyang mama at papa pero hindi niya kasama ang mga ito ngayon.
"Pasensya na po kayo Nay Martha."
"Mapagkakatiwalaan mo ako, anak. Kung ano man iyang napanaginipan mo ay pwede mong ikuwento sa akin. Makakaasa kang hindi iyon malalaman ng kahit na sino."
Tango lang ang naisagot niya kay Nanay Martha.