"Isa ka sa magaling kong tauhan, Morales. I may be hard to you at times, but you and your father have my respect. Huwag ka na lang sanang magpapadala sa init ng ulo mo ulit."
Napakamot sa kaniyang kilay si Creed. He knows what the chief means. Wala naman siyang maisagot dahil aminado naman siya doon. Mabuti na lamang at nitong mga huling buwan ay bigla na lamang siyang nagising sa kaniyang kalokohan. Naiiwasan niya na rin ang uminom bago magtrabaho at malaking tulong din ang sunod-sunod na operation para hindi niya maisip ang alak sa tuwing nararamdaman niya ang pamimigat ng kalooban.
“You see, kahit g*go ka noon, hindi kita binitawan. Magkaibigan kami ng ama mo at isa na sana siya sa mga haligi ng AFP ngayon kung hindi niya lang sana pinili ang maging bahagi ng FBI.”
"Kaya sinasabi ko sa'yo ito dahil isa sa matalik kong kaibigan ang iyong ama. Minsan na niyang iniligtas noon ang buhay ko at malaki at utang na loob ko sa kaniya. But that doesn't mean, pababayaan kita lalo na sa tuwing umiinit iyang ulo mo. You wouldn't want to stain your father's name, Creed. Isang mabuting ehemplo ang tatay mo at ni minsan, hindi siya nagtrabaho nang nakainom."
Maangas na ngumisi si Creed. Hanep din naman itong hepe niya kung pumuri sa kaniya, puro mura at pintas. Batid niya kung gaano kainit ng dugo nito sa kaniya noong una siyang dumating sa headquarters nito. Siya kasi, kapag hindi siya kumbinsido at lihis sa kaniyang paniniwala, talagang gagawin niya kahit pa may binabangga na siyang order mula sa taas. Madalas ay napagkakamalan din siyang mayabang dahil sa angas niyang kumilos at tindig, pero mas iyon pa nga ang napupuna sa kaniyang isa sa kaniyang mga charm. At hindi talaga maitatangging isa siya sa pinakamagaling na SAF member dahil meron naman siyang pinagmanahan. Siya lang naman ang nag-iisang anak ng dating international preventor na hinawakan ng FBI sa mahigit na tatlumpong-taon. Si Antonio Morales. Dati ding isang miyembro ng FBI HRT team ang tatay niya.
"Okay," huminga ng malalim ang hepe. "I must really admit, you just did a superb job there. Congratulations dahil case close na ito. Nasa interrogation room na si Martinez. Si Chua nama' y kailangan din daw maoperahan. Pupunta ako ng Chinese Hospital after an hour. Good job, SPO4 Morales. But again, I will not tolerate again kapag gumawa ka na naman ng sarili mong desisyon. Inform me ahead of time."
Tiningnan niya ito ng makahulugan. He did informed him. Kaso, mukhang delayed reaction ang hepe. Kaya..
"Do not glare at me like that. Martinez used to be a dedicated soldier until he was compromised as well."
"Still, it's not a reason not to be alarmed, Sir. Nauunawaan ko ang ibig niyong sabihin. But at the end of the day. we are soldiers Sir. We had the oath to protect and serve the country. Kailangan pa rin niyang managot sa batas."
"Of course, he will, Morales. Let him face the due process." Tumayo na si Chief Rivera at sumaludo sa kaniya. Tumayo na rin si Creed at sumaludo sa hepe.
"Thank you, Chief. Mauuna na po ako," akma na sanang lalabas nang pinangunutan siya ng noo ng matanda.
"Oy, hindi pa tayo tapos," matalim ang mga matang sumenyas itong bumalik siya sa kinauupuan. Poker face namang naupo muli si Creed sa pinanggalingan.
"Ngayong natimbog na rin si Chua sampu ng mga galamay nito, meron kang bagong assignment na haharapin," ani nito habang may kinukuhang folder sa drawer ng lamesa. Inilapag nito iyon sa kaniyang harapan.
"You were personally hand-picked by the PNP General para sa assignment na'to."
Napaangat ang may kakapalang kilay ni Creed sa narinig. Kilala niya ang nakaupong pinakamataas na opisyal ng ahensiya kaya bigla siyang napaisip. How important his new assignment this time para ito pa mismo ang pumili sa kaniya at iatas sa bagong misyon?
Creed held the folder and opened it. He wasn’t giving much attention to what he is about to see hanggang sa tumambad sa kaniya ang mukha ng babae na nasa litrato.
Saglit siyang napatulala dito lalo na nang mabasa niya ang nakalagay sa overview page.
Lady Camilla Miranda Gonzales of Segovia.
"You will be the close-in security team of Lady Camila Miranda Gonzales ng Segovia. She will arrive in three days' time. Nandiyan na ang buong detalye ng kaniyang team, pati na rin ang mga pangalan nito at responsibilidad. She will be here for three weeks specifically in the southern islands for an immersion. The PNP chief said that no one should be able to handle this mission kundi ikaw lamang. At first, I don’t want to succumbed in my own perception, but then when I have thoroughly looked at the lady..." sadyang binitin ng hepe ang sasabihin nito. Creed on the other hand is sweating cold. Ilang beses siyang napalunok sa pagpipigil ng kaniyang emosyon. He needed to stay calm. Narito na ang pagkakataong hinihintay niya kaya kailangan niya itong magawa ng maayos.
“She’s her. Maraming taon na ang lumipas, pero hindi ako maaaring magkamali, Creed. Siya ang iyong asawa.”
Nag-angat siya ng kaniyang tingin sa opisyal. Malakas na kumakabog ang kaniyang dibdib nang mga sandaling iyon. Ganoon na lamang ang pamamawis ng kaniyang mga kamay. Bumalik ang kaniyang tingin sa litrato at tulala pa rin siyang tumitig lamang dito. She is his new assignment. Tila mina-magnet ang kaniyang kaluluwa habang pinagmamasdan niya ng may samu't-saring emosyon ang mukha nitong sa paglipas ng panahon ay mas lalo lamang gumanda ngayong nag-mature na ito. She was just eighteen when he first and last saw her.
How could he ever forget such ethereal beauty?
There, he saw that angelic face again after seven years. Na kahit na seryoso at walang kangiti-ngiti ang babaeng nasa larawan ngayon, alam niya kung gaano kabuti ang puso nito. Hers is a heart so kind and cheerful na hiding-hindi niya makakalimutan. Dahil sa kabila ng kabaitan at pagmamalasakit na ibinigay nito sa kaniya’y sinaktan lamang niya at winasak ang puso nito.
Iran...
“I didn’t know her true identity until the mission was cascaded to me para ibigay sa iyo. Isa lang ang ipakikiusap ko, Creed. Gawin mo ng tama ang iyong misyon at huwag na huwag mong isasabit dito ang personal mong isyu. Kung anuman ang nakaraan niyo’y huwag sanang makaapekto. Your job is to keep her safe. Hindi siya dapat mawala sa iyong paningin, at all cost.”
Unti-unting nagsalubong ang dalawang kilay ng lalaki. The way Chief Rivera speaks, alam niyang may hindi pa ito sinasabi sa kaniya.
“Meron siyang death threat?” tiim-baga niyang hinintay ang sagot ng hepe. Tutok na tutok siya sa mukha ng babaeng ilang taon niyang inasam na makitang muli.
“Yes,” humugot ng malalim na paghinga ang hepe. “She’s got a stalker na noong una, akala nila ay tuluyan nang nawala dahil ilang taon din itong hindi nagparamdam. Meron daw silang nahuling tao, but it turns out, it wasn’t the real suspect. May balitang nagsisimula na naman daw na magparamdam sa suspect. Malalaman mo ang ibang detalye sa susunod na mga araw as you're with her. Again, huwag mong pairalin ang init ng ulo mo, Morales.”
He didn't mind the superior's last statement. Ang mahalaga lamang sa kaniya'y si Miranda. She's here in the Philippines at parang hindi siya makapaniwalang binibigyan siya ng pagkakataong makita itong muli.
Nang biglang bumalik sa kaniyang isipan ang sinabi kanina ng pinuno. Muli niyang pinasadahan ng tingin ang nasa folder at parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa nakompirma.
Lady Camilla Miranda Gonzalez. An heir to the Gonzalez and Garcia Conglomerate Empire ng Segovia.
Nagtagis ang bagang ni Creed. Parang gusto niyang balingan ang hepe at sitahin kung sino ang gumawa ng report na iyon at hindi nilagay ang kaniyang apelyido.
Damn it. She is my wife. It should be Lady Camila Miranda Gonzalez – Morales.
But then again, siya ang mas karapat-dapat na tawaging g*go dahil alam naman niyang wala siyang karapatan dito magmula nang araw na hindi niya ito nagawang protektahan. Nag-angat siya ng tingin ky Chief nang magsalita ito.
"You are now dismissed, Morales. Pag-aralan mo'ng mabuti ang bago mong assignment. The rest of the information that you will need ay nandiyan na sa folder na iyan. Three days from now ang lapag ng eroplano ng bago mong misyon and better be ready, dahil kakailanganin mo ng pasensiya sa dugong-bughaw na iyan. Dinig ko'y may pagka-masungit daw at walang nakakatagal na bodyguard sa kaniya. Kaya good luck sa bago mong misyon. Alam ko pa namang pinagkaitan ka ng pasensiya. And when I say that, it also goes with your personal feelings for her. Saka niyo na ayusin ang isyu niyong mag-asawa."
“I know what is the right thing to do, Chief. Hindi niyo na kailangan pang ipaalala sa akin iyan. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa kaniya habang nandito siya sa Pilipinas.”
“Talaga lang ha?” umangat ang isang kilay ng hepe. “Eh, sa pagkakaalam ko’y iyon na nga ang ginawa mo noong una. But of course, you were younger those days. I expect you to be better this time," pagkatapos ay humugot ito ng malalim na paghinga. "At sana'y magkausap kayo ng masinsinan. Wala kang kasalanan. You deserve to be heard."
He knows what his superior means at aminado siya doon. Ngayong tadhana na ang gumawa ng paraan upang sila'y magkitang muli, he will not let this opportunity to pass. Tipid niya lang na tinanguan ang hepe. Alam naman kasi ng matanda ang nangyari.
"Tsk, at first, I just couldn’t believe why the PNP chief gave you this assignment. Now, I understand. Alam ko ding matutuwa ang tatay mo kapag nalaman niyang ikaw ang kaniyang protector habang nandito sa Pilipinas si Lady Miranda. This is now the time, Creed. Hindi ko man alam ang buong katotohanan, it is in my gut feeling, mahalaga siya sa iyo.”
Walang kasing-halag, sa isip niya. Pero hindi na iyon isinatinig ni Creed. Nang mga oras na iyon kasi’y naglalaro na sa kaniyang balintataw ang unang araw na dumating sa kanilang tahanan si Miranda. Para siyang sira-ulong napangiti nang maalala kung gaano ka-sweet noon ang babae at palangiti. Mukhang mali ang impormasyon doon ng kaniyang hepe. His Iran is cheerful and friendly.
“Morales, are you listening?” mukhang naiinis na naman ang kaniyang hepe. Nakita yata na hindi siya nakikinig dito.
“I am, Sir.”
“Tss. Para kang baliw sa kakangisi diyan. Dismissed!”
Hawak ang folder papalabas ng opisina, mabilis niyang sinenyasan na sumunod sa kaniya si Pollux na agad namang nasa likuran niya. Hindi pa rin siya makapaniwala.
"Ano, nasabugan ka ba, kuys? May pupuntahan ka ba?" mabilis nitong tanong habang mabilis ding humahabol sa kaniya ng hakbang. Papalabas sila ng building at patungong parking lot. Deretsong tinumbok ng lalaki ang nakaparada nitong itim na Ducati Panigale v4.
"Huy, kuys. Tahimik ka diyan? Saan ka ba pupunta? Hintayin mo nga-,"
"Pollux, makikita ko siya ulit." Lumingon ni Creed sa kasama. Gulat itong napa-preno sa paglalakad.
"Ano? Sino'ng makikita mo na ulit?" naguguluhan ang mukha nitong tanong.
"Si Iran. Magkikita kami ulit ni Iran," unti-unting pumunit ang ngiti sa kaniyang mga labi.
Lumaki ang mga mata ni Pollux sa tuwa para lamang muling manliliit sa biglang naisip. Sumeryoso ang mukha nito nang makita kung gaano kasaya ang kaibigan. Higit kaninuman, siya lang ang nakakaalam kung paano naging miserable ang buhay ni Creed simula nang mangyari ang araw na iyon pitong taon na ang nakakaraan.
"Finally, I'll meet her again, kuys. This time, hihingi ako ng tawad at itatama ang mga pagkakamali ko. Ang tagal kong hinintay 'to," may kaba sa puso ni Creed nang sinabi iyon pero mas lamang ang matindi nitong kasiyahan at pag-asa.
Tumango-tango, marahang tinapik ni Pollux ang balikat ng kaibigan.
"Mabuti iyan, kuys. Sa wakas ay magkakaroon ka na ng pagkakataong magpaliwanag at makabawi. Pero ang tanong, napatawad ka na kaya niya? Kakausapin ka kaya niya?" Hinihimas ni Pollux ang baba nito na tila nag-iisip ng malalim. Unti-unting nawala ang mga ngiting nakapaskil sa mukha ni Creed.
May punto si Pollux. Nakalimutan na nga ba ng babae ang mga ginawa niya? O, mas tama kayang itanong niya sa kaniyang sarili, mapapansin pa kaya siya nito gayung isa pala itong dugong bughaw at hindi bast-basta? Idagdag pa ang mga nagawa niya dito noon.
Saglit itong natahimik. Nagtatagis ang bagang sa naisip.
Isa itong prinsesa at tagapagmana. Dugong -bughaw. Samantalang siya'y isang ordinaryong tao lamang. A commoner. At siya lang naman ang taong nanakit dito at nanloko.
"Kuys, okay ka lang?" tipid niya lang itong tinanguan. "Walang kasing-okay. Makikita ko na siya ulit."
"Tsk, sino nga naman ang mag-aakala, ano? Dati'y lagi lang siyang nakabuntot sa'yo. Ginagawa ang lahat para mapansin -"
Nawala ang ngiti sa labi ng Creed. "Mau'na na'ko. Dadaanan ko muna si Nanay," biglang putol ng lalaki sa sasabihin ni Pollux. Mabilis itong tumalikod at sumampa ng kaniyang motorsiklo. Agad nito iyong pinaandar at pinaharurot pagkatapos.
Sinadya niyang gawin iyon. Aminado siyang ginawa ni Iran noon ang lahat. Minsan nang ipinagtapat sa kaniya ng babae kung paano'ng nahulog ang loob nito sa kaniya. But he ignored it.
"H-hindi ko alam kung bakit sa kabila ng pakikitungo mo sa akin, you managed to make my heart go after you," naghahabulan ang mga luha sa magkabilang pisngi ng dalaga.
"All I am asking is for you to treat me even in a civil way. Huwag mo naman sana akong ipinapahiya."
Huminga ng malalim si Creed. That happened noong isang beses ay nagkasalubong sila ni Iran sa bayan. The woman was with one of his friend, Paul. Hindi niya noon napigilan ang inis nang makita kung paano ngumiti ang babae. Uminit ang sikmura niya nang makita itong malawak na nakangiti habang masayang nakikipagkuwetuhan sa lalaki. Kinaladkad niya ang babae at kamuntikan pang sinuntok ang Paul nang nagtangka itong awatin siya. Bago pa noon ay pinagsabihan niya ng masasakit na salita ng babae katulad ng malandi ito at sakit sa ulo. Napahiya si Iran dahil sa malakas na boses ni Creed ay nakuha nila ang atensyon ng karamihan sa paligid. That night, hindi siya nakatulog at kung ilang beses na nagpabalik-balik ng paglalakad sa tapat ng silid na ino-okupa ng dalaga. Aminado siyang hindi iyon ang unang beses na naramdaman niya ang bigat ng dibdib nang makitang umiiyak ang babae. Kung hindi pa dahil sa nagkasakit noon si Iran, hindi pa siya pagtatakhan ng mga magulang. Siya kasi ang nagluto noon ng tinolang manok after he made his mother promised not to tell Iran. That day, alam niyang may nagbago sa nararamdaman niya sa dalaga. At natakot siyang aminin iyon.
Marami pa ang beses na binigyan niya ng sama ng loob si Miranda, sa loob ng maikling panahon na nakasama niya ang babae noon bago pa man siya nagising isang araw na bumaliktad na ang mundo. Nasaktan niya ang babae, at kung kailan naman inamin niya sa sarili at kay Iran ang totoong nararamdaman, doon naman pumasok ang pagsubok.
Iran believed he was the one who manipulated the framing up. Iniisip nito na parte pa rin iyon ng kaniyang paghihiganti. At iyon ang kailangan niyang patunayan sa babae. Na hindi siya ang may gawa noon.
Hinding-hindi niya magagawa iyon sa babaeng mahal na niya ng labis noon pa man.