bc

UNDISCLOSED DESIRE

book_age18+
902
FOLLOW
2.7K
READ
second chance
badboy
independent
police
heir/heiress
bxg
serious
city
betrayal
secrets
like
intro-logo
Blurb

"Ang kapal din naman ng mukha mo!"

"Uhum," he smiled sexily while stepping closer, and goodness! Pumintig na naman ang traydor niyang puso.

"Stay away, will you!"

"No, can't do," at masuyong inabot ni Creed ang kaniyang beywang at mariing hinawakan.

"Bitiwan mo'ko!" Nagpumiglas si Iran pero hindi natinag ang lalaki. Bagkus, mas inilapit pa siya nito sa katawan nito kaya naman halos maputol na ang hininga ng babae sa matinding pagkabog ng kaniyang dibdib.

"I said let go of-",

"No." Madiing pinutol ng binata ang kaniyang sasabihin. Titig na titig ito sa kaniyang mga mata na halos lubayan na siya ng kaniyang kaluluwa. Nawala na rin ang nakakainis nitong pag-ngisi at napalitan ng pamumungay ng mga mata.

"This time, I'm not letting you go. Hindi na kita bibitiwan. Kahit anon'ng emperyo pa ang kailangan kong harapin, at ilang dugong bughaw pa ang kailangan kong talunin. You will not get away from me, Iran."

And before she could realize, his lips once again landed on her own.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Morales, pinapatawag ka ni Chief." Simpleng tango lamang ang kaniyang isinagot sa kasamahan. Inaasahan na rin naman niyang ipapatawag siya ng kanilang hepe anumang oras. Tiyak na sa nangyari'y hindi nito palalampasin ang kaniyang ginawa. Sino nga ba namang hepe ang matutuwa kung ang tauhan nito ay gumawa na lamang basta-basta ng isang hakbang na walang pahintulot nito? Hindi pa naman maikakailang mainit ang dugo nito sa kaniya. Until he has explained his side that will merit a credible reason, then that’s the time he’ll be able to justify his impulse to act. Nangyari na rin ang biglang pagbabago ng plano and thanks to him, dahil kung hindi niya iyon ginawa, tiyak na pinaglalamayan na sila ng kaniyang mga kasamahan. Malamang, pati na rin mismo ang chief, dahil sa traydor nilang kasamahan sa ahensiya. “Galit ba?” “Mukhang, Sir.” sagot ni SPO1 Cardinal. Isa ito sa mga sumama sa operation kagabi. Malaki nag pasasalamat nito sa kaniya dahil kung hindi niya nagawang dis-armahan ang bomba, lahat sila’y hindi na nakauwi ng buhay. Ngumuso si Creed. Tipid na tinanguan niya ang kausap. “Pero alam niyo naman po si Chief. Pasalamat na nga lang po kami at kung hindi dahil sa’yo, Sir, malamang ay nasa morge na kami.” He tapped Cardinal to his shoulder before leaving. Napailing na lamang siya sa katotohanang kapag pera na nga talaga ang kumilos, wala itong sinasanto. Who would have thought na ang isang pinagkakatiwalaang tauhan ng SAF ay masisilo at magta-traydor sa sinumpaan nitong tungkulin sa bayan. Pero hindi iyon naging imposible dahil na rin sa kanilang natuklasang halaga na nasa bank account nito. A mere law enforcer could not have such millions in his account unless wala itong kababalaghang ginagawa. Hindi lang isang beses siyang kinutuban kay Martinez. He even talked to the chief about this, pero dahil sa tagal na rin nito sa tungkulin at sa naiambag sa lipunan, binigyan din sana ito ng benefit of the doubt. Ang kaso, malas na lang talaga nito at siya na mismo ang nakapagpatunay ng kaniyang hinala. During the last mission, he was able to confirm that the man was the mole in the group. Ilang beses nang napatunayan ang kaniyang galing sa pangingilatis ng tao. Sa kaniyang trabaho, malakas ang kaniyang pakiramdam kaya naman he was being compared to his father. Isang pagkilalang noong una’y ayaw niyang matanggap. Ani ng mga nakakakilala sa legend na si Antonio Morales, nakuha niya raw ang daling ng tatay niya sa pagkilatis ng mga kriminal sa lipunan. Pero kung bakit ba naman siya pumalpak pitong taon na ang nakakaraan ay hindi niya alam. Kung sana’y hindi siya nagkamali sa nakaraan, dadanasin pa kaya niya ang pait na nararamdaman sa kasalukuyan? He sighed. Bago pa man siya tuluyang lukubin ng bigat ng nararamdaman, kailangan niya ding labanan iyon. Otherwise, he will end up ruining himself again. Ilang beses na nga rin ba siyang kamuntikan nang masuspinde sa tuwing nahuhuli siyang nagtatrabaho ng nakainom? At sa tuwing mainit ang kaniyang ulo kapag nawawala siya sa kaniyang sarili dahil sa mga naaalala? Kung hindi lang siya minsang kinausap ng masinsinan ng PNP chief, baka wala na rin siya sa ahensiya. “You are one of the finest in the agency, Creed. Wala tayong pagdududa diyan, but please, collect yourself and be responsible of your action. Huwag mong isama ang personal mong isyu sa trabaho. Gawin mo sana’ng ehemplo ang record na iniwan ng ama mo.” Noong una’y ayaw niyang makilala siya dahil sa galing ng ama. Ayaw niyang naikukumpara siya dito. Galit na galit kasi siya sa tatay niya na umabot pa sa puntong halos itakwil na niya ito. Pero hindi pala dapat. Nang maunawaan niya kung bakit nito nagagawang tikisin sila sa mahabang panahon ay doon lamang siya nahimasmasan. Hindi niya pa alam nang mga panahong iyon ang totoong trabaho ng kaniyang ama na si Antonio Morales at kung bakit napakadalang nito kung umuwi sa kanila ng ina. Hanggang sa dumating ang araw na umuwi nga ito pero may kasama. You chose to be blinded by your anger and pride, Creed. Wala ring dapat sisihin dahil sa una pa lang ay mali na ang iyong simula. Hindi mo siya dapat pinag-isipan ng masama at niloko dahil wala siyang kasalanan. “Nasaan na si Ir-,” Hindi natapos ang kaniyang sasabihin nang makita ang pamumula ng mga mata ng ina. Antonio Morales on the other hand was bending his head low. Nang mag-angat ito ng ulo’y walang emosyong makikita sa mukha nito habang deretso lamang na nakatingin sa harapan nito. “S-Si Iran?” Pero walang sagot kaya deretso niyang tinahak ang kuwartong tinutuluyan nito. Mabilis na binuksan ng binata ang pinto ng silid upang salubungin lamang ng bakanteng kama nito. “Wala na siya. The mission was compromised and she needed to leave.” Kung hindi lamang dahil sa paulit-ulit na pagpapaunawa sa kaniya ni Aling Sandra na wala siyang kasalanan, baka kung ano na ang kaniyang naisipan. He may not be accountable on what happened the day, pero alam niya sa kaniyang sarili na meron pa rin siyang kasalanan. Kung meron mang magandang nangyari sa nakalipas na pitong taon, iyon ay ang pagiging maayos nila ng ama. Naging matibay din ang kanilang relasyon sa kabila ng nangyari. Unti-unti ay natanggap niya rin ang bagay na iyon dahil sa isang pagka-kamaling hanggang ngayon ay nakadikit pa rin sa kaniyang pagkatao. Pagkakamali dahil sa maling paniniwala at tigas ng puso niya noong mga panahong nagrerebelde at naghinanakit pa siya sa ama. Ngayo’y nauunawaan na niya ito kung bakit nito nagawang ilihim sa kanila ang tunay na trabaho noon. Naulit na naman kasi ang nangyari. Mismong siya ay pumasok din sa pagpupulis at hindi nga rin niya nagawang sabihin kaagad sa ina ang pagpapasyang iyon. Sino siya para sumbatan ang tatay niya? Higit kaninuman ay siya ang nakakaalam ng sinumpaang tungkulin ng ama lalo pa't pinili niya rin ang propesyong ito. Kung noo'y kinamumuhian niya ang pagiging isang preventor ng ama, ngayo'y hindi na. At kung hindi dahil sa trabaho ng tatay niya ay hindi niya rin makikilala ang babaeng pitong taon nang may hawak ng kaniyang puso. Ang babaeng sinaktan niya ng labis. Marahas siyang napahugot ng malalim na paghinga. Hindi pa rin siya susuko hangga’t hindi niya ito nakikita. Kailangan niyang humingi ng tawad sa babae. Nakakapagod, oo. Pero hindi siya susuko. Iyon ang bagay na hinding-hindi niya gagawin - ang sumukong hanapin ito at makaharap muli. Nararapat lamang sa kaniya ang paghihirap na iyon. Kulang pa nga kung tutuusin. "Sige, salamat." Nagkamot naman ng ulo si Pollux - ang kaibigan, kasamahan at kasangga niya sa kalokohan, pero noon iyon. Nakatayo ito sa kaniyang likuran. Matagal na niya itong kasama na kahit noong mga panahong naliligaw siya'y bukas na libro ang buhay niya dito. Noong mga panahong wala pa siyang pakialam sa buhay. May pitong taon na rin ang nakakaraan mula nang mangyari ang isang pagkakamaling sa tingin niya ay hindi na niya mababawi. Isang ala-alang hanggang ngayon ay tila multong bumabalik-balik sa kaniya. Kung sana lang ay kaya niyang ibalik ang nakaraan. "Putsa, kuys," nabaling kay Pollux ang kaniyang atensiyon. Hindi ito sa kaniya nakatingin dahil nasa pinto ng opisina ng kanilang chief nakatuon ang mga mata nito. "Ayan na si Hitler. Puntahan mo na nga si Chief. Papetiks-petiks ka pa diyan e alam mo namang sasabog na naman iyon dahil sa gumawa ka na naman ng sarili mong desisyon." Naghihimutok nitong reklamo. Tangan-tangan pa sa kamay nito ang isang stick ng banana que. Animo'y nalipasan ng gutom kung makasubo. Nang malipat sa kaniya ang mga mata nito'y halos mabulunan ito sa kinakain kasabay ng pamumutla ng mukha. Paano'ng hindi kung ngayon ay kitang-kita nito kung gaano kasama ang kaniyang tingin dito. Nagkukumahog nitong sinalo ang initsa niyang stress ball. Dinig sa paligid ang impit na tawanan ng iba nilang kasama. Ang iba'y pasimpleng umiwas na lang ng tingin nang makitang humakbang na ang lalaki papuntang opisina ng kanilang chief. Ang iba ding naroroon sa loob ng kampo'y nagsipag-iwasan. They better know when he throws a dagger look. Kilala kasi nila ang isang Creed Morales. He's got a bad boy image pero hindi matatawaran ang husay nito sa pakikipagpalaban. Isa talaga siya sa alas ng kanilang pangkat at kapag ganito na ang awra ng lalaki, kailangan na nilang lumayo-layo dito. Ibang klaseng mainis ang isang Creed at alam iyon ng lahat ng naroroon lalong-lalo na ni Pollux. Ito lang din ang nakakaalam ng totoo nitong ugali kung kaya't ganoon na lamang nito kung siya'y kausapin. Napalabi na lamang si Pollux sabay kamot ng ulo. Alam nitong kapag ganoon na ang kaniyang timplada, bawal na ang biro-biro. Sisinghalan na sana ito ni Creed nang ito na mismo ang mabilis na dumistansiya sa lalaki. Salubong na kasi ang mga kilay nito habang ngumunguya ng double mint gum. "Baka gusto mo'ng maubos kaagad 'yang banana que mo? Deretso na natin sa sikmura mo?" Napalunok si Pollux sabay mabilis na umiling. Hilaw itong natawa pero hindi ang huli. Napailing na lamang si Creed. Hindi mawari kung may kabusugan ba ang kaibigan. Pansin niyang kanina pa ito may nginunguya. "Hindi, ayos na'ko dito, hehe. Sige na, kuys, tawag ka na daw ni Chief." Inirapan ni Creed ang kaibigan bago dere-deretsong tinumbok ng lalaki ang opisina at pagkatapos ng tatlong katok, binuksan na ni Creed ang pintuan. Agad tumambad kay Creed ang pangalang Col. Filomeno Rivera na nakaukit sa isang marble signage, nakapatong sa malaki nitong narra table. Tumayo siya ng tuwid at sumaludo sa opisyal. "At ease, SPO3 Morales. Maupo ka," seryoso ang mukha nito, nakapatong sa lamesa ang mga braso. Titig na titig ito sa kaniya na halos mabistuhan na niyang bubuga na ito ng apoy maya-maya. Naupo si Creed at humalikipkip sabay de-kuwatro. Inangilan siya ng opisyal kaya napipilitan siyang umupo na lang ng tuwid. "What the hell just happened out there at hindi mo na naman sinunod ang utos ko, Morales? Explain. Now. Kung hindi lang..." Kitang-kita sa mukha nito ang galit. Mukhang hindi lang siya bubugahan ng apoy. Mukhang may kasama pang pananabon ang mangyayari. Hindi na lang muna siya umimik. "Bakit mo ni-leak ang information kay Martinez? You are fully aware na isa siya sa mga suspect natin, Morales!" Singhal na tanong sa kaniya ni Chief. Nakatayo na ito sa kaniyang harapan habang nakapameywang. Kulang na lang ay sugurin siya nito but he knows better, hindi naman nito iyon gagawin. Humugot muna ng isang malalim na paghinga ang lalaki. Nauunawaan niya kung bakit ganito ang reaksyon ng kaniyang hepe pero wala siyang choice, he needs to do what he thinks was the right thing to do during that operation. "Precisely, Sir. At alam niyo pong basta kinutuban ako, madalas ay totoo. Besides, ako mismo ang nakarinig. Kausap nga niya ang lider. I need to make a decision bago mahuli ang lahat," seryosong ani ng lalaki, halata sa pagtatagis ng bagang nito ang tinitimpi ding galit. Isa sa mga pinakaayaw na ugali ni Creed ay ang sinungaling. Lies will lead you, of course to its twin act, which is betrayal. And how irony it is, dahil ang nasabing ayaw niyang ugali ng tao ang siyang nagawa niya seven years ago sanhi para hindi siya matahimik. Tila bahagya namang kumalma ang matandang pulis pero bakas pa rin sa mukha nito ang tinitimping galit. Ang taong pinag-uusapan nila ay si Phillip Martinez na katulad ni Creed ay isa ring miyembro ng SAF kung saan ay minamanmanan nila ng lihim. Duda silang ito ang mole sa kanilang grupo dahil sa mga kaduda-duda nitong ikinikilos sa tuwing meron silang operasyon sangkot ang sindikatong may ilang buwan na rin nilang binabantayan. At hindi nga siya nagkakamali. Siya kasi ang unang nakahalata sa kakaiba nitong mga kilos. Mismong siya rin ang nakarinig na kausap nito sa cell phone ang lider ng sindikatong Xypruz na si Chua nang araw na iyon. Narinig niya pa kung paano sila pinagplanuhang idispatsa ng kasamahan kaya agad na siyang kumilos. "Kailangan kong sabihin sa kaniya na bistado na siya, Chief. Noong sinabi ko sa kaniyang alam na ng asawa niyang galamay siya ng sindikato, sinamantala kong nawala siya sa focus kaya hindi niya nagawang pasabugin ang improvised bomb. Kapag nagkataon, pito kaming tustadong litson na maghihintay sa back-up team." Napatiim-bagang si Col. Rivera. Ilang segundo din itong natigilan pagkuwa'y tumango-tango ito bilang pagsang-ayon. Humugot ito ng malalim na paghinga bago tumingin sa kausap. "Kaya kita ayaw bitawan, Morales, kahit madalas matigas ang ulo mo at wala sa pinag-usapan ang mga kilos. Sadyang magaling ka at talaga namang may ibubuga. Iyon nga lang, may kayabangan ka. Ayoko mang aminin dahil minsan g*go ka, hindi ko maitatatwang ikaw ang pinakamagaling kong tauhan." Iiling-iling si Col. Rivera habang naglalakad ito pabalik sa upuan na nasa likod ng malaking lamesa. "Isa ka sa magaling kong tauhan, Morales. I may be hard to you at times, but you and your father have my respect. Huwag ka lang sanang magpapadala sa init ng ulo mo." Napakamot sa kaniyang kilay si Creed. Wala naman siyang maisagot dahil aminado naman siya doon. Mabuti na lamang at nitong mga huling buwan ay bigla na lamang siyang nagising sa kaniyang kalokohan. Naiiwasan niya na ang uminom bago magtrabaho at malaking tulong din ang sunod-sunod na operation para hindi niya maisip ang alak sa tuwing nararamdaman niya ang pamimigat ng kalooban. Nakipagtitigan si Creed sa hepe. Aminin niya man sa hindi, madalas man silang magbangayan ng opisyal, hndi niya rin naman ito masisisi. "But it doesn't mean I would always tolerate you, Morales. Kailangan mo ring matutong pahabain ang pasensiya mo at huwag idaan sa init ng ulo ang lahat."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.8K
bc

Dangerous Spy

read
299.6K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.9K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
32.1K
bc

EASY MONEY

read
174.6K
bc

YOU'RE MINE

read
894.3K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook