Chapter 4

2638 Words
"Are you sure you're going to be fine?" "I am, Priam. You don't need to worry. I can manage. Really" Rumolyo ang mga mata ni Tiffany. Hindi niya ugali ang mag-eaves drop sa usapan ng amo s***h kaibigan pero dahil sadyang wala namang paki si Iran kahit marinig niya ang usapan ng mga ito, madalas ay naririnig niya talaga ang mga sinasabi ng fiance ng babae. Mukhang umandar na naman ang pagiging mapilit ng Priam sa mga bagay na gustong mangyari sa kaibigan. Ilang beses na nga ba niyang nabanggit kay Miranda na mukhang hindi na normal ang laging ginagawang pangungontrol dito ng fiance, pero sasagutin lamang ito ni Iran ng "it's okay o hayaan mo na". "Hindi talaga maganda ang kutob ko sa isang 'to," Tiffany murmured to herself. Hindi man siya nakatapos ng degree sa Pilipinas, nakakaunwa naman siya kung ang isang tao ay mukhang lumalagpas na sa limitasyon nito. Katulad na lamang ng isang Priam Dela Vega na alam niyang childhood friend ni Iran, pero mukhang may hindi normal sa pagkatao. Do this, do that palagi ang ginagawa sa babae. Not that Iran is dense with it. Tiffany knows naiirita na rin ang kaibigan niya sa lalaki pero dahil sa ayaw na lamang nitong magkaroon ng argumento, palagi na lamang nasusunod ang gusto ng Priam na iyon. Mukhang napalakas ang pakikipag-usap ni Tiffany sa sarili kaya naman napatingin sa kaniya si Iran ng may nagtatanong na mga mata. Umismid na lamang siya sa kaibigan bago napailing. Iran smiled weakly, halatang pagod na nga ang amo. Sunod-sunod kasi ang ginagawa nilang pagbibiyahe sa ibang bansa at pang-anim na ang Pilipinas para sa ginagawang charity visits sa buong Asya ni Lady Camila Miranda Gonzalez. "Wala. Go on ka lang diyan sa dyowa mo." pabulong na ani ni Tiffany. Nagkibit-balikat na lamang si Miranda at nakinig sa sinasabi ng kausap sa kabilang linya. Of course, ayaw hadlangan ni Tiffany ang kaligayahan ng kaibigan lalo pa't kaibigan din niya ang nanakit dito. Pero hindi talaga maganda ang kutob niya sa Priam Dela Vega na ito. Ilang beses niya lang nakita nang personal ang nakababata ni Miranda, at base sa mga kuwento nito noon, parang hindi naman ganoon kahigpit ang kababata nito noon? Why now these past two years? Bakit parang may mali? Matagal nang kaibigan ni Miranda ang lalaki. Nasa primary grade siya nang makilala ang batang patpatin at may suot na salamin. The boy was prone to bullying at school dahil sa laging nakabuntot dito ang yaya at mga body guards. Aakalain mo pang mga men in black kung pumorma. Tuwid ang mga tindig at may mga nakasabit pang ear devices sa tenga. Laging nakasuot ng itim na salamin pero instead of a three-piece suite, itim na long sleeves ang pang-itaas nito na tinernuhan ng itim ding slacks. Transferee si Priam mula sa ibang eskwelahan pero ang alam ni Iran, matagal nang magkaibigan ang kanilang mga ama. Don Alejandro Dela Vega is a pure spanish descendant katulad ng kaniyang ama na si Manuel Gonzalez. Binata pa lamang ang mga ito'y magkaibigan na ang dalawang lalaki na kapwa tinitingala sa Espanya at kabilang sa mga pinakamayamang angkan. Dahil nga sa magkababata sila ni Priam at halos sabay na lumaki ng siyudad ng Segovia, Miranda saw how Priam changed. Aminado siyang ibang-iba na ito nang bumalik galing France para mag-aral noon ilang taon na ang nakakalipas. From a weakling and fragile boy, lumaki ang katawan nito at naging matikas. Mababakas din ang kumpiyansa nito sa sarili at higit sa lahat, parang nangma-magnet lamang ng mga babae. Part-time model/architect ang binata na matanda lamang sa kaniya ng dalawang taon. Nagbago man ito sa kaniyang paningin, pero hindi ang pagiging over protective nito at sweet. Katatapos lang nitong tumawag kani-kanina lamang. Hindi pa nga umaabot ng isang oras, hayan na naman at tumutunog ang iPhone na tangan ni Tiffany. "Promise, susunod din ako kaagad diyan sa Pilipinas. I just need to finish some business meetings here. By the way, did you bring that Stella McCartney emerald green dress I have bought for you? I would really love to see you in that dress, my lady. I had a pair of - " Pero mabilis itong pinutol ni Iran. Napalabi ito nang mapagtantong umaandar na naman ang pagiging dominante ng lalaki sa kaniyang mga isinusuot. "I think Tiffany did," dumako sa babaeng nagmamay-ari ng pangalang iyon ang tingin ni Miranda. Mula sa paninitig sa tablet na hawak, nakipagsalubungan ng tingin ang Tiffany. Wari ba'y alam na nito kung ano ang kasalukuyan nilang pinag-uusapan ng nasa kabilang linya. "The emerald green dress of Stella McCartney," sadyang nilakasan ni Iran ang boses at nagbigay ng makahulugang tingin para maunawaan ni Tiffany, and the latter nodded. "Yes, Tiffany just confirmed Priam." "Pati na kamo ang Stuart Weitzman Black Swarovski Fringe Satin sandals mo, dinala ko." tumaas ang isa nitong kilay at napailing bago ibinalik ang mga mata sa ginagawa. "I'm glad she did, honey. She's a fast learner, huh?" "Fast learner my ass," nanggigigil an bulong ni Tiffany sa sarili. Siniguro na lamang nitong hindi maririnig ng isa. "Iyon ang gusto kong isuot mo sa gala na dadaluhan natin by the end of the month, alright?" "Hmm, I guess yes?" ano pa ba'ng isasagot niya? Ganito naman palagi ang lalaki sa kaniya na nagsimula lamang mula nang ma-engage sila two months ago. Yes, they are. Nagising na lamang isang araw si Miranda na engaged na nga sila ng kaibigan at magkakaroon pa ng isang magarbong publis announcement sa susunod na buwan. Noong nagtanong kasi ng "will you marry me" si Priam, nasa isang formal dinner sila nito kasama ang kaniya-kaniya nilang mga magulang. Matagal na rin naman itong nanliligaw sa kaniya. In fact, she has considered it multiple times dahil hindi na rin naman sila bumabata. She's turning twenty-seven now and somehow, ayaw mang mamilit ng kaniyang mga magulang, alam niyang gusto na rin ng mga itong sumaya siya at lumagay na sa tahimik. Besides, she felt a pang of loneliness sa tuwing nakikita niya ang lungkot sa mga mata ng kaniyang ina dahil sa sinapit ng baby ng nakatatanda niyang kapatid. Sabik na sabik ang mga ito sa apo at mukhang hindi pa ito kayang ibigay ng kaniyang kapatid. So, she did a decision which she does believe only justifiable. Nasa edad na siya, gusto niyang paligayahin ang mga magulang at kilala niya nag lalaking pakakasalan. The last was the mistake she did years ago. Hindi siya naniniwlaang kailangang mahal mo ang lalaki dahil naranasan na niyang umibig ng tapat at inubos ang lahat sa kaniya, pero wala ding nangyari. Nasaktan pa rin siya ng labis. Kaya why not do the opposite? Pakakasal siya sa lalaking kilalang-kilala na niya. And love? She will learn it. Tutal naman, mahal na niya si Priam, iyon nga lang, bilang kaibigan. "Really, my lady. Ano kaya kung si Papa na lang ang padaluhin ko sa summit?" Napabuntong-hininga ang babae. "Hindi mo kailangang magmadali, Priam. I can take care of myself. Please, worry no more," she exhaled exaggeratedly. Sumasakit pa kasi ang kaniyang ulo lalo pa’t halos wala siyang pahinga bago siya tumulak sa biyaheng ito. As much as her body needed rest, hindi niya rin magawang iurong ang biyahe dahil naka-set na ang mga appointments sa kaniya ng mga taong haharapin pagdating ng bansang sinilangan ng kaniyang ina. She sighed. Natahimik kasi ang kausap niya sa kabilang linya at na-guilty naman siya doon. Minsan talaga, nakukulitan na siya sa binata but she can't blame him. Mula pa noong mga bata sila'y nakabuntot na sa kaniya ito at nangakong hinding-hindi siya nito pababayaan, lalo na nang magkaroon siya ng stalker. Priam blamed its self, dahil wala daw itong nagawa para siya’y proteksyonan. "I’m sorry, Priam. Just don’t worry too much. Magiging okay ako sa pupuntahan ko.” "Naiinis ka na sa'kin. I can feel it, my lady. But you don't have any choices. You know your place in my heart, right? Besides, you are my fiance. I need to protect you. Gusto kong makabawi." Kahit hindi niya nakikita ang kausap, alam niyang nakangiti na ito ngayon. She smiled. "Oo naman, Priam. Now, go back to your meeting and finish everything para makahabol ka na dito sa akin, alright?" “Right. So, I will see you soon. Te amo.” Napakagat labi si Iran. “Yeah. Bye, Priam.” Mabilis niyang ini-end call ang tawag pagkatapos ay mariin niyang ipinikit ang mga mata. Kasabay ng pagbagsak ng kaniyang likod sa malambot na sandalan ng couch na iyon, hindi niya maiwasang mapahugot ng malalim na paghinga. Hindi niya talaga kaya. She tried and still trying but she can't. Pakiramdam niya talaga'y tatamaan siya ng kidlat kapag binanggit niya ang salitang iyon. "Ayos ka lang ba?" biglang tanong ni Tiffany sa kaniya. Tipid lang na tumango si Iran saka blangkong napatitig sa harapan. "Naaalala mo ba noong una tayong nagkakilala? Nginitian mo ako pero inirapan lang kita saka tinalikuran? Alam mo ba'ng sobrang bait mo noon, na kahit naiinis ako sa'yo, nagawa mo pa ring makonsensiya ako dahil nga tinarayan na kita pero nginitian mo pa rin ako." Natawa si Iran nang maalala nga ang tagpong iyon. Bigla ding nawala ang ngiti sa labi pagkatapos. "Pero sana, huwag nang mawala ang mga ngiting iyan. Do you really love him?" "Of course, I do. Priam is a friend." "You know that's not the love that I mean. Huwag ka sanang padalos-dalos." Huminga ng malalim si Miranda. She smiled to Tiffany. "Huwag kang mag-alala, the last time na nagpadalos-dalos ako, nasaktan ako ng labis. I will not let it happen again." "Ayoko lang kasing makita kang umiiyak ulit. Naiinis ako sa'yo pero ano naman ang karapatan kong kwestyonin ang desisyon mo, Iran? Ang sa akin lang, masaya ka ba sa naging desisyon mo? Kasi kung ako ang tatanungin mo..." "I need to, Tif. Nakapagdesisyon na'ko at naging tapat naman ako kay Priam. It's been years. Seven years to be exact at gusto ko rin namang sumaya na. I have moved on. I need to." Ilang saglit siyang tinitigan ni Tiffany bago ito nagkibit ng balikat. "Pero grabe talaga, ultimo pananamit mo, siya ang pumipili. Well, at first I thought binabae talaga siya kasi sa kinis ng kutis ni Priam pero alam ko namang straight siya. Pero grabe lang talaga. Perfectionist lang te?" "Model nga kasi, di ba?" Iran smiled. Natatawa ito sa reaksyon ni Tiffany dahil sa halatang hindi ito boto sa lalai pero hindi naman siya naiinis doon. Kahit naman mas matagal na silang magkaibigan ni Priam, kay Tiffany lang talaga siya kampante. She finds Priam weird sometimes, pero hindi naman na niya iyon pinapansin masyado. Maselan lang talaga ang binata. "Su equipo de seguridad filipino nos acompañará al hotel, milady. No puedo quedarme más tiempo. Necesito volver con el mayor Manuel.(Your Philippine security team will escort us to the hotel, my lady. I can't stay longer. I need to go back to Senior Manuel)." "Por supuesto, continúa, Ismael. Este es mi país en mi casa. Estaré bien (Of course, just carry on, Ismael. This is my country at my home. I'll be fine)." Maya-maya pa’y ini-anunsiyo na ni Ismael ang kanilang paglapag sa NAIA. Ilang minuto pa ang lumipas bago siya tumayo at inayos ang sarili. Bago pa man niya bitbitin ang kaniyang Hermes designer bag, nauna na itong dinampot ni Tiffany para ito ang magbitbit para sa kaniya. Aangal pa sana siya, pero nauna na itong senyasan siya ng makahulugan. Nakatingin kasi sa kanila si Ismael na siya namang naunawaan niya kaagad. Naniniwala kasi ang kaniyang PA na hindi malayong magsumbong ito sa ama ng dalaga kapag nakitang hinahayaan siyang magbitbit ng kung anu-ano. Well, for Iran, she really doesn't mind. Kaya lang ay batas pa rin ng kaniyang ama ang masusunod at kasama doon ang hindi siya dapat nagbi-bitbit ng kung anu-ano kahit na ng kaniyang personal bag. Turns out she hated it at first at hanggang ngayon din naman pero hindi na lang siya nagpumilit. May usapan na sila ng kaibigan. Sa oras na tumapak sila ng Pilipinas, hahayaan siya nitong gawin ng malaya ang mga ginagawa ng isang ordinaryong mamamayan. Ayaw niya kasing tinatrato siyang boss ng kaibigan. She was a true friend noong mga panahong kailangan niya ng tulong at sandigan. Nilapitan siya nito at nakangusong binulungan. "Alam mo namang nariyan ang sipsip na Ismael. Mamaya, makarating pa sa daddy mo na pinagbibitbit pa kita ng bag mo, patay na." Natatawa siyang binalingan ng tingin ang lalaking tinukoy nito. Hindi nakaligtas sa kaniya ang pag-angat ng mga kilay nito at ang pagpukol ng matatalim na mga mata sa kaibigan. Ismael, being his father's trusted bodyguard, is always serious and grumpy. Lalo na sa tuwing nasa paligid si Tiffany. Parang aso't pusa talaga ang dalawa. "O, ayan na, para ka nang kakatayin ng crush mo," nakangiting kinurot niya ang tagiliran ni Tiffany. "Ano'ng crush? Like, eeeww," maarte itong umiling. "Kahit siya na ang pinakahuling guwapo dito sa balat ng earth, hindi ko 'yan papatulan, Iran. Napakayabang at antipatiko. Leche siya!" Iran just rolled her eyes up lalo na nang makita niya kung paano magpalitan ng nakamamatay na tinginan ang dalawa. Tawa lang siya ng tawa dahil talagang nawiwili siya sa dalawa. She even tried to play cupid sa dalawa to the point na nakita niyang dumaan sa mukha ni Ismael ang iritasyon nang tuksuhin niya ito. Kung hindi lang siguro sya ang amo, nakatikim na siya ng singhal sa lalaki. Nauna na itong bumaba kasunod si Tiffany. Naiiling na pinagtuunan na lamang ng pansin ng babae ang kaniyang nilalakaran. Pagbungad niya pa lamang sa pintuan ng private plane na iyon, bago pa man siya humakbang pababa ng hagdanan ay agad na niyang napansin ang apat na lalaking puro nakasuot ng fatigue uniforms. Hindi niya muna pinagmasdan ang mga mukha nito. She doesn’t care, really. Normal na sa kaniyang magbigay ng personal bodyguards ang gobyerno ng bansang kaniyang pinupuntahan. What matters to her right now is the heavy feeling she’s having at that moment. Ipinilig niya ang kaniyang ulo. Bigla kasing pumasok sa isipan niya ang isa sa mga naging usapan nila ni Priam bago siya lumipad pa-Pilipinas. "I would like to know the names of your body guards when you arrive, hon," seryoso ang mukha nitong nakamasid lamang sa kaniyang mukha. Ayaw niyang mag-isip ng kung anu-ano pero simula ng sagutin niya si Priam, mukhang humigpit ang pagbabantay nito sa kaniya. "Why all of a sudden, you seem interested in my protectors, Priam?" "Because it is Philippines, Iran." Kumunot ang kaniyang noo sa sinabi nito. Hndi niya makuha ang punto nito. Bansa ng kaniyang ina ang pinag-uusapan at sa totoo lang, kung hindi lang sa mapait na karanasang ibinahagi sa kaniya ng kaniyang unang pag-ibig, the country would be her comfort place. Her very home. "Just let me know, hon. Ayoko lang na magkaproblema tayo," and then the call ended. And just after thinking home, biglang nabaling ang kaniyang tingin sa isang lalaki. She went back to the reality and for the unknown reason, biglang kumabog ang kaniyang dibdib. Just when she is about reprimand herself, nakuha na ni Tiffany ang kaniyang atensyon. Bigla kasi itong sumigaw. "The Philippines, at last! Bayan kong sinilangan, I miss you!" Matalim ang mga matang nilingon ni Ismael ang kaibigan. "Loca. (Crazy lady)." "Ano'ng...Paki mo ba ha? Naku, huwag ka, Ismael at baka itulak kita diyan, e. This is my territorry, baka nakakalimutan mo." Pero ngumisi lang si Ismael at hindi na pinatulan si Tiffany. Natatawang napailing naman si Iran. Sa isip niya'y malalagot talaga ang kaniyang kaibigan. Buong akala kasi nito'y hindi nakakaunawa ng tagalog ang trusted man ng kaniyang ama. She inhaled the Manila air and then exhaled it with a sound. Well, Philippines, it is. Welcome home, Miranda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD