Halos walang tulog si Iran. Tumawag pa kasi sa kaniya si Priam, at hindi pa nakuntento, umungot pa ito ng video call kaya naman halos dalawang oras din silang nagtagal sa pag-uusap. Kung anu-ano ang mga ikinukuwento nito sa kaniya mula sa part-time modelling nito, sa architectural project at ang tungkol sa kanilang engagement party na nakatakdang idaos three weeks from now. "Hon, are you okay?" naitanong ng kausap niya kagabi matapos ng sandaling katahimikan. Nagulat siya sa sinabi ni Priam na nagsimula na pala ang pagpaplano ng mommy niya at ng step mother ng lalaki. "Isn't it to early for that?" mangani-ngani niyang sumbatan ang lalaki kung bakit hindi siya naunang i-inform gayung karapatan niya iyon. Pakiramdam niya nang mga oras na iyon parang merong hindi tama. Noon niya lang di

