Ethan
Natigilan ako. I didn’t expect that this woman would have such of confidence to ask it to me. Well, kung desperada rin siyang ialay ang sarili niya pero ang mga mata niya ay malayong-malayo sa sinasabi niya. I know that there’s something on her. Natatakot ba siya?
“I will let you know when that happen. For now, keep that money for your family, and let’s talk about it some other day. Abala pa ako sa ibang bagay sa ngayon pero iyong ibang mga hindi ko gusto, nakasulat iyon sa kontrata nating dalawa. I’m just reminding you.”
“Hindi ko nakakalimutan.”
“Sige na. Pumasok ka na.”
Hindi na siya nag-abalang tumugon sa sinabi ko at basta na lang na tumalikod. Nakita ko pa na inilagay niya ang sobre na may lamang pera sa kaniyang back pack na dala. I watched her when she’s leaving but…I felt that I want her. Humugot pa ako ng malalim na hininga sa hindi kadahilanang sandali. Damn it!
Natagpuan ko na lang ang sarili kong malalaki ang hakbang upang habulin siya sa may pinto. At nang makalapit na ako sa kaniya ay mabilis ang kamay kong hinawakan ang kaniyang braso. I quickly grabbed her arms and my other hand wrapped her waist. Nagulat din siya sa ginawa ko and her eyes widened up while staring at me.
“Sir E-Ethan!”
Mahigpit pa ang pagkakahawak ko sa kaniyang baywang at ang katawan namin na walang naging pagitan. Unti-unti ko rin ibinaba ang aking mukha patungo sa kaniya, and then I kissed her. Yes! I did it. I give her a fascinating kiss knowing that this is her first.
Naramdaman ko na lang na bumagsak sa sahig ang back pack niyang dala at tila hindi na rin siya nakapalag pa. I thought that she liked it so I moved my lips. Sa lahat ng mga labing nahalikan ko ay kay Rose lang ako nakaramdam ng pagkabalisa. Pakiwari ko ay hahanap-hanapin ko ito pero…
Isang malakas na sampal ang iginawad niya sa akin nang magkaroon siya ng pagkakataon na gawin iyon.
“f**k!” Napahawak pa ko sa pisngi kong nasampal niya nang malakas.
“Hindi porkit mukha na akong pera ay basta-basta mo na lang gawin ito! And that’s my first kiss!” galit niyang sabi saka niya kinuha ang back pack niyang nahulog.
Hinarap ko siya. “What’s the matter, huh? Kasama iyan sa kasunduan natin and don’t act like you’re a victim here, Rose. You’re mine! Have you forgot?” galit ko na rin sabi. Kulang pa ang pagtatagis ng bagang ko sa ginawa niyang pagsampal sa akin. “Damn it!”
“Gusto mo pala akong halikan eh ‘di sana sinabi mo. Hindi itong bigla-bigla mo na lang gawin na wala ang abiso ko! Hindi ako easy girl katulad ng mga nakasiping mo sa kama!”
“Easy girl? Eh anong tawag sa iyo ngayon? What if I tell you to make love to me right now? Anong magagawa mo? Huh?!” asik ko.
Isang katahimikan ang namayani sa aming dalawa hanggang sa nakita ko na lang ang pagtulo ng kaniyang mga luha sa kaniyang pisngi. I don’t know pero nahabag ako sa parteng mukhang naging marahas na ako sa kaniya. Pero hindi…paninindigan ko ito.
“Wala kang kasingsama!” Inis na bigla niya akong tinalikuran at tumakbo palabas ng library.
“Rose! Rose!” sigaw ko.
Tanging mga yapak na lang niya ang narinig ko papalayo pero walang Rose na bumalik. Hindi ko na rin naman siya sinundan saka ko na lang sinuntok ang pinto ng library. Sa sobrang lakas ng pagkakasuntok ko ay nawasak ang gitnang bahagi nito. Lamang ay nagkasugat din ang kamao ko. s**t! Napahimas pa ako sa ulo ko sa sobrang pagpupuyos ng damdamin ko.
Rose
Tulala pa rin ako habang on duty ako sa hotel kasama ang partner kong si Lea. Hindi ako makapaniwala na sa unang pagkakataon ay marahas na ipinilit ni Ethan ang gusto niya. Hindi ko lang din maintindihan ang takbo ng isipan niya gayong alam ko naman na may kasunduan kami.
Ang masaklap pa sa nangyaring ito ay ako pa itong masama. Ninakaw na nga niya ang unang halik ko, siya pa itong galit. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking iyon! Hindi pa siya nakuntento sa pera ng tatay ko at ako na inosenteng babae ay…ay babahiran niya ng kamunduhan niya. Pero…sumang-ayon naman ako! Ang tanga ko talaga!
“Rose!” untag ni Lea.
“Ha?” Bigla akong bumalik sa kasalukuyan kong mundo.
“Are you okay?” tanong niya na may kasamang pag-aalala.
“Ha? O-Oo. Ayos lang ako.”
“Ayos? Kaunti na lang at mauubos mo na iyang scratch paper na nagkapira-piraso na.”
Tiningnan ko ang hawak ko. “Ay! Ano ba iyan?! Ah, kasi may iniisip lang ako pero minor problem lang kaya keribels.” Iniligpit ko ang mga papel sa mesa at itinapon sa trash bin.
“Sus! Problema na naman? Sabi ko nga sa iyo, maghanap ka ng afam diyan sa tabi-tabi. Or else, may frenny ang afam ko at ereto ko sa iyo!”
“Huwag na, Lea. A-Ayos lang ako. Magbabanyo lang ako.” Nagkunwari na lang akong magbanyo upang makaiwas sa mga katanungan niya saka ako kumilos upang talikuran siya agad.
Pagkabalik ko ng banyo ay naroon na ang isang staff na kasama ni Lea. Overseeing na lang ang gagawin ko since kinausap na ako ni Sir Roberto na magiging ganito na ang set-up namin. Nagpaalam na lang ako sa kanila na mag-lunch break muna pero imbis na kumain ay umuwi muna ako sa amin.
Sa bungad pa lang ng tarangkahan ay nakita ko na ang kapatid kong si Raprap. Abala ito sa kaniyang tsinelas na hindi ko rin matantiya kung ano ang ginagawa niya. Nang buksan ko ang tarangkahan ay napuna niya ito at sumulyap sa akin.
“Ate Rose, ikaw pala.” Itinigil niya ang ginagawa saka lumapit sa akin at nagmano.
“Kaawaan ka ng diyos. Anong ginagawa mo diyan sa tsinelas mo?” tanong ko.
“Ah, ito ba? Naputol na ate. Eh ito kasi ang ginamit ko kanina sa PE namin at hindi sapatos. Ayoko kasi masira ang sapatos ko at wala pa tayong perang pambili.”
“Ay, kawawa naman ang Raprap namin. Hayaan mo na iyan at ibibili na kita ng bago.”
“Ha? May pera na tayo?!” Bakas sa mukha ni Raprap ang kasiyahan ngunit bigla rin niyang binawi. “Pero ate, mas importante ang gamot ng nanay. Unahin mo na lang na bilhan siya ng gamot kaysa sa tsinelas ko. Mapagtiyagaan pa naman ito at kaya pang itali sa alambre.” Tumawa pa siya nang mabanggit ang itali sa alambre.
“Hay. Kasya pa naman ng budget ng ate ang pambili mo ng tsinelas. Tara na sa loob at dala ko iyong pagkain ko na libre ng resort. Huwag mo na rin isipin ang pambiling gamot ng nanay dahil—”
“Dahil sagot ko na.”
Natigil ako. Hindi ako maaaring magkamali sa pamilyar na boses na ito na nagmumula sa likuran ko. Biglang nagtahip ang kaba sa dibdib ko at lihim na napalunok sabay dahan-dahang sinulyapan ang may-ari ng boses na ito. At hindi nga ako nagkamali.
Ang damuhong si Ethan.
“Ate, may bisita tayo. Kilala mo siya, ate?”
Tumango lang ako.
“Kung kilala mo siya, ate, sino siya?” Hindi pa rin ako sumagot kaya inulit ni Raprap ang tanong. “Ate, sino siya?”
“Ha? S-Si…a-ano…”
“Mainit dito sa labas, hindi mo ba ako papasukin?” pagsusungit na naman niya.
Tinungo ko ang tarangkahan kung saan siya naroon. Wala akong ideya kung bakit siya nandito o sinundan ba niya ako.
“Anong ginagawa mo rito?”
Tinanggal niya ang shades niya saka siya naglakad patungo kay Raprap. Ni hindi nga siya nag-atubiling sagutin ang tanong ko. Antipatiko talaga!
“Kaibigan ako ng ate mo. Bumili na tayo ng tsinelas mo pagkatapos nating patingnan ang nanay mo sa doktor,” seryoso niyang sabi.
“Talaga ho? P-Pero wala po kaming pambayad sa ngayon.” Saka sumulyap sa akin si Raprap at naghahanap ng kasagutan.
“Libre ko na ang pagpapagamot sa nanay niyo. Nasaan ba siya?”
“Nandito ako.”
Sabay kaming napasulyap sa pinto ng bahay namin nang naroon na ang nanay at nakatayo. Mukhang narinig din nito ang usapan sa labas kaya siya naroon. Kahit man ako ay nagulat sa tinuran ni Ethan at maging sa sinabi niyang ipapagamot niya ang nanay. Hindi lang iyon, mukha pa siyang maamong tupa na makipag-usap sa kapatid ko.
“Magandang tanghali po,” wika niya sa nanay. Naglakad din siya patungo rito at inilahad ang kaniyang kamay. “Ako ho si Ethan Villaver.”
“Ha?” Napasulyap sa akin ang nanay ngunit kagyat lang saka niya iniabot ang palad ng binata. “Ako naman si Aling Elena Borja.” Agad na inihiwalay niya ang palad kay Ethan. “Ito naman ang anak kong si Raprap at ang panganay ko naman na si Rose. Ano ba ang maipaglilingkod namin sa iyo, hijo? Mukhang magkakilala kayo ng anak ko.”
“Siya ho ang boss ko, ‘nay,” wika ko na upang mawala na ang agam-agam ng nanay at kapatid ko. “Nandito ho siya para ipagamot kayo…ng libre,” mariin kong wika sa huli.
“Ha? Paano nangyari iyon?” pagtataka ng nanay.
“Nay, mamaya ko na lang ho ipapaliwanag.”
“Tama ang anak niyo. Libre ho ang inialok kong pagpapagamot sa inyo. Tara na ho at mahuhuli na tayo sa schedule ng doktor sa bayan. Alalayan ko na kayo,” presenta niyang alalayan ang nanay.
“Rap, kunin mo iyong balabal ng nanay,” utos ko sa kapatid ko.
May parte ng sandaling ito na masaya ako lalo na at magagamot na ang nanay ko sa espesyalistang doktor. Kasama ako sa pag-alalay ng nanay patungo sa sasakyan ni Ethan pero hindi pa rin talaga ako makapaniwalang ang bait niya ngayon o marahil ay may ginawa lang siyang hindi ko nagustuhan kanina. Bumabawi? Imposible!
Nauna kaming nagtungo sa hospital sa bayan at matapos naman ang ilang check-up kay nanay ay dumaan pa kami sa isang maliit lang na shopping center. Namili pa si Ethan ng kung ano-ano para sa mga kapatid ko at kay nanay. Hindi ko mailarawan ang saya ng kapatid kong si Raprap na tila kasundo na yata ng binata.
Ang nanay ko rin ay masaya sa nagaganap ngayon pero alam ko na marami siyang katanungan kung bakit ginagawa ito ni Ethan. Maghahanap na lang ako ng rason upang pagtakpan ang totoong dahilan.
Hanggang sa pag-uwi ay walang bukambibig ang pamilya ko kundi ang pasasalamat kay Ethan. Pati na rin ang kapatid ko na si Richmond na ipinakilala ko rin sa kaniya, tuwang-tuwa rin sa mga pasalubong ni Ethan.
Takip-silim na at nagpaalam na rin ako sa kanila. Nasabi ko na rin na pansamantala muna akong tutuloy sa resort at uuwi na lang ako rito upang tingnan sila. Hindi na rin naman nagtanong ang nanay ko ngunit alam kong sa puso niya ay dama kong hinihintay lang niya ang sasabihin ko.
“Salamat sa ginawa mo sa pamilya ko,” basag ko sa katahimikan naming dalawa habang naglalakad kami papasok ng mansion niya.
“Sa iyo sila dapat magpasalamat at hindi sa akin. I am here to follow your wishes for them and that’s all.”
Noon ko lang napuna ang kamay niyang may bendahe. “Ethan, anong nangyari sa kamay mo?” Napatigil din kaming dalawa sa paglalakad habang inusisa ko siya.
“Wala ito. Mauna ka ng pumasok sa loob at hinihintay ko si Mang Roberto.”
Hinawakan ko ang kamay niyang may bendahe. “S-Sariwa pa ito, ah. Sino na naman kayang kumag ang sinuntok mo?”
Tiningnan lang niya ako ngunit nagsalita rin naman. “I told you, wala lang ito.”
“Sir Ethan, napaayos ko na ang pinto—”
Natigilan kaming dalawa nang biglang dumating si Sir Roberto saka nakatingin sa aming dalawa habang hawak ko ang kamay ni Ethan. Marahan kong binitawan ang kamay niya pero bahagya na rin akong nagitla nang siya na mismo ang humawak sa kamay ko nang mahigpit. Ethan, ano itong ginagawa mo?
“Good,” tugon niya kay Sir Roberto nang harapin ito. “Uhm, ayusin mo na rin ang yate ko at gagamitin ko ito bukas ng gabi. Isama mo na rin ang mga fishing rod na gagamitin at mga pagkain,” utos niya.
“Oho. Bukas na bukas din ay ipapapahanda ko. Kung wala na kayong ipag-uutos ay babalik na ako sa resort.”
“Okay.”
Bago pa man tumalikod si Sir Roberto ay sumulyap muna siya sa akin at sa magkahawak naming mga kamay. Matapos din ang tagpong iyon, binigyan na naman ako ni Ethan ng isang rason upang hindi mainis sa kaniya. He’s unpredictable yet showing something that I couldn’t resist him again. Hay, Ethan.