Isang mabangoy amoy ang gumising sa diwa ko habang tumatama ang sikat ng araw sa aking pisngi. I am about to open my eyes habang dinama ko kung saan ako nakatulog. Kaya lang bahagya akong napakunot ng noo nang maramdaman ko ang matigas na bagay kung saan ako nakapulupot. Tao?
Marahang dinama ng aking palad kung saan ako nakayakap hanggang sa iniangat ko ang aking mukha. s**t! Nakasandal ako kay Ethan habang ang isang braso naman niya ang naging unan ko. Mahimbing ang pagkakatuloy niya at isang kilos ko lang ay magigising na siya. Nakatulog ako na katabi siya?
“Hmm…” ungol niya.
Sinulyapan ko ang aming paligid at naroon pa rin kami sa rooftop. Mukhang doon na rin kami inabutan ng gabi. Muli kong ibinaling ang tingin sa maamong mukha ni Ethan. Nasa lang ay natutulog ka na lang dahil mukha pa siyang maamong tupa pero kapag naman na nagising siya ay nangangain na siya ng tupa. Teka…wala naman sigurong masama kung pagmasdan ko siya habang natutulog.
I dit it. Kinabisa ko ang hugis ng mukha niya. Ang haba ng kaniyang pilik-mata kasabay ng matangos niyang ilong. Bagong ahit ang kaniyang balbas sa mukha at talagang ang bango ng kaniyang pabangong ginamit. Para bang ayoko ng umalis sa kaniyang tabi kung ganitong lalaki lang din naman ang katabi ko. When he’s about to move, I close my eyes. Shaks, nagigising na siya.
Nagkunwari akong tulog upang hindi niya maramdaman na gising na ako. Naramdaman ko na lang na unti-unti siyang umalis sa couch at iniayos ang pagkakahiga ako. Ang prinsipe ng mga dragon ay nagising na at kailangan kong mangkuwaring tulog upang hindi ako malapa. Nang wala na akong naramdamang anino o yabag niya sa paligid ay noon lang ako nagising.
Bumangon ako at agad na inikot ang paningin ko ngunit wala ang kaniyang anino. Ang bilis naman mawala ng isang iyon. Napatingin ako sa pambisig kong relo at mag-alas nuebe na. s**t, shift ko na! May pasok pa ako. Nagmamadali na akong bumalik sa aking kwarto upang ayusin ang sarili ko. Hindi ko na rin naman nakita si Ethan marahil ay nagtungo na ito sa kaniyang kwarto.
Matapos ko namang ayusin ang sarili ko ay bumaba na ako sa living room. Naabutan ko pa si Ethan na may kausap sa cell phone at sa ayoko naman siyang abalahin ay nagdahan-dahan lang ako sa paglalakad. Sa totoo lang din naman ay gusto ko siyang takasan dahil sa kahihiyan na rin. Nakatulog ako nang wala man lang ako kaalam-alam. Malapit na ako sa pinto nang bigla siyang magsalita.
“Where are you going?”
Shit! Marahan ko siyang nilingon na tila ba hindi ko binabalak na balelawalain siya. “Ah, hi. Good morning. Uhm, papasok na ako sa trabaho.”
“Papasok?” Naroon na naman ang pagsalubong ng kaniyang kilay. Naglakad siya palapit sa direksiyon ko na hindi man lang inaalis ang tingin sa akin. “We were having our breakfast first before you heading off to the hotel.”
“H-Hindi na. May free breakfast naman ang hotel—”
“Pinangungunahan mo ba ako? Nagpaluto ako ng breakfast kay Nana Claudia at kapag sinabi kong dito ka kakain, dito ka kakain.”
“Ay, ang sungit. Ang aga, kuya,” bulong niya sa sarili.
“May sinasabi ka?”
“Wala ho. Saan na ba ang kusina?” Naglakad na ako sa kabilang bahagi pero hindi ako sigurado kung doon ba ang dining room.
“Hindi diyan ang dining room!” sigaw niya.
Bigla akong napahinto saka muli siyang hinarap. “Ang laki kasi nitong bahay mo.” Napaismid ako.
Nakita ko na lang siyang napailing saka hindi na ako sinagot. Naglakad siya sa kabila at ako naman na sinundan na lang din siya. Wala bang araw na hindi siya nakasigaw sa akin? Dapat nga ako itong masama ang loob sa kaniya dahil sa pinagbibintangan niya ang tatay ko at siya itong kinuha ang karapatan namin. Hampasin na lang kaya kita ng mop o kaya ay payong. Naabutan ko siya at ang babaeng may edad na inaayos ang pagkain.
“Magandang umaga,” bati sa kaniya ng may edad na ito. Nakangiti pa ito sa kaniya hindi katulad ng amo nitong hindi uso ang pagngiti.
“Magandang umaga ho. Kayo siguro si Nana Claudia,” wika ko. Iniisip ko na lang din na siya ang tinutukoy ni Ethan kanina.
“Ako nga. Ikaw si Rose?”
“Oho,” tipid ko na lang din tugon sabay sumulyap kay Ethan na nakaupo na sa kabisera ng mesa.
“Nice to meet you. Halika na at lalamig na itong niluto ko. Kumain ka lang nang kumain at kung may kailangan ka ay nasa kitchen lang ako.”
“Salamat ho.” Buti ka pa at hindi ako sinusungitan.
Umalis naman kaagad si Nana Claudia at ako naman na pinili ang upuan sa dulo. Ayoko lang talagang tumabi sa lalaking ito at makasabay siya sa umagahan.
“What are you doing?” tanong na naman niya na alam kong nagsusungit na naman siya.
“Umuupo,” tugon ko.
“Nang ganyan kalayo? May sakit ba ako kaya diyan ka talaga uupo sa dulo?” inis niyang sabi.
“Hay,” sambit ko sabay tumayo. Lumipat ako ng upo malapit sa kaniya. “Okay na po ba ito, kamahalan? Baka mamaya kasi ay mabugahan ako ng apoy at matusta itong beauty ko. Ang aga kasi ang init ng ulo mo. Meron ka ba?”
Malalim lang ang tingin niya sa akin saka siya nagsalita. “Kumain ka na lang.”
Nag-umpisa na kaming kumain pero katulad kagabi ay tahimik lang kaming dalawa. Tila ba hindi ako nag-e-exist. Itinuon ko na lang din ang sarili ko sa masasarap na pagkain subalit bahagya rin nakaramdam ng kalungkutan. Kumain na kaya sila? Hindi ba nakakatikim ng pagkain masasarap ang mga kapatid ko at sigurado akong magugustuhan nila ito.
“Do you want to go home after your work?” mahinang usal ni Ethan sa akin.
Napasulyap ako sa kaniya. “Ha? Pwede akong umuwi mamaya?”
“Pero hindi ka roon matutulog. Susunduin kita after ng hapunan niyo. Baka sabihin mong ang unfair ko sa iyo.”
“Kaya ko na ang sarili kong bumalik ng resort after ng dinner namin.”
“Gabi na iyon. Baka mapano ka pa pabalik dito.”
Concern yern. “Ikaw ang bahala.”
“After this, puntahan mo ako sa library.”
“Okay.”
Matapos naman kaming kumain ay pinuntahan ko siya sa kaniyang library. Wala akong ideya kung ano ang dahilan niya pero sumusunod na lang din ako. Binuksan ko ang pinto ng library at hindi naman ako nahirapan hagilapin siya. Natagpuan ko siya sa isang shelves ng mga libro niya malapit sa kaniyang office table at may kinukuha.
Tumikhim ako. “Nandito na ako.”
May kinuha siyang sobre at mukhang makakapal ang laman nito saka ibinigay sa akin. “Here.”
“Ano ito?” Tinanggap ko naman saka ko tiningnan ang laman nito na hindi na nga masara nang dahil sa matambok na ang laman ng sobre. Subalit nanlaki ang mga mata ko nang makita ang laman. “P-Pera?! P-Para saan ito?”
“Nakalimutan mo na? Iyan ang isa sa mga kondisyon mo, right?” Ngumisi siya. “Mukhang ngayon ka lang nakakita ng ganiyang kakapal na salapi. Bakit ba kasi ipinanganak kang mahirap?”
Nainsulto ako. Oo at mahirap nga kami at ang ganito kakapal na pera ay wala sa hinagap na mahahawakan ko. Taas noo akong hinarap siya. “Yeah, tama ka. Mahirap nga kami at hindi ko kayang kitain ang ganito kalaking halaga. Impokrita nga ako kung hindi ko tatanggapin ito, and this is not for me. I was doing it for my family at kung hindi ka naman sana nakialam sa benefits ng tatay ko, malamang iyong pera niya ang hawak ko. Don’t worry, tumutupad naman ako sa usapan natin.”
He was staring at me again. Sa kabila ng lahat ay nagawa ko pa ang maging confident gayong sarili ko ang iaalay kapalit ng lahat ng ito. Pero para sa pamilya ko, kahit anong pang-iinsulto niya ay tatanggapin ko, mabigyan ko lang sila ng magandang kinabukasan.
“Second, I will give you the certificate for your siblings. Makakapag-aral na sila ng libre hanggang kolehiyo ayon na rin sa kondisyon mo,” wika niya. “What’s the matter? Kulang pa ba?” Tila napuna niyang nakatingin na naman ako sa bungkos ng perang ibinigay niya.
Muli akong nag-angat ng tingin sa aroganteng lalaking ito. “Kulang nga ito kung tutuusin. Mukha akong pera, ‘di ba?” Mukhang may halong sarkastiko pa ang sinabi ko. “Kailan mo gustong sumayaw ako?”