Rose
After I read the contract, I started my day with this huge house. Dismayado pa ako sa nakalagay sa kontrata namin na indefinite. Isang kontrata na ang ibig sabihin ay mawawalang bisa lang kapag nagkasundo na kaming itigil na. Minsan ay naiisip kong ang babaw kong babae na hindi nalalayo sa mga babaeng kapit din sa patalim. But what should I really do? I want the best of my family and that insurance is my last chance.
Napabuntong hininga na naman ako habang nakaupo sa isang malambot na silya kaharap ang magandang vanity mirror. Sa ganda ng kwartong ito, gusto kong isipin na isa akong Disney princess na nag-glow up. Nasa isang high class akong lugar na kung iisipin ay ang swerte ko na.
Habang nagsusuklay ako sa basa kong buhok, sumagi sa isipan ko ang dalawang kapatid ko at ang nanay ko. I missed them! But it’s for their sake. Naalala ko na naman ang sinabi ng tukmol kong boss na we will dance tonight. Ano ba ang sasayawin namin ngayong gabi? Cha-cha? Gusto kong tumawa pero alam kong isang yugto ng buhay ko ang mababago.
Matapos kong suklayin ang buhok ko, tumayo na ako. Isang pasada pa sa salamin ang ginawa ko sa sarili ko. I wear the nude dress na kasama sa ibinigay sa akin ni Sir Roberto. Maganda ito at tama lang sukat sa magandang hubog kong katawan. Kahit wala na nga akong make-up ay hindi naging kabawasan ito sa alindog kong taglay.
Yeah. Minsan ay pasan ko ang sarili kong bangko. Marami ang napapaibig kong afam na sa sagot sa kahirapan pero hingi ko sila pinatulan. But then again, I want to push through. Ika nga nila ay wala ng atrasan! Ilang saglit pa ay naulinigan kong may kumakatok sa pinto. I don’t think it’s Ethan. Iniisip ko na lang na si Sir Roberto na ito at sinusundo na ako para ihatid sa unang pag-aalayan ko ng aking—
“Ikaw pala, Sir Roberto,” wika ko nang buksan ko ang pinto at natigil ako sa aking imahinasyon.
Hindi pa agad ito makasagot sa akin at pinasadahan ako ng tingin. Sa sitwasyon kong ito ay alam ko na agad ang iniisip niya at ayoko na lang din itong ipaliwanag pa.
“Nakahanda na ang hapunan niyo ni Sir Ethan sa rooftop view. Ihahatid na lang kita roon para hindi ka maligaw,” seryoso niyang sabi sa akin. “Halika na.”
“Sige ho.”
Sinundan ko na lang ang naglalakad na si Sir Roberto. Bagamat nahumaling na naman ako sa nakikita kong magagandang dekorasyon sa paligid. Habang ang laman na dekorasyon namin sa bahay ay kung hindi kalendaryo ay maliit lang na altar ng nanay ko. Napakayaman niya kung tutuusin at hindi na kailangan pa ang pera ng itay. As he said, hindi siya charity na basta na lang pakakawalan ang limang milyon. Alam kong hindi iyon kayang gawin ng tatay ko at alam kong mabuti siyang tao.
“Sir Roberto,” wika ko habang naglalakad kami.
“Hmm?” Hindi niya ako nilingon bagkus ay patuloy lang din ang kaniyang hakbang na sinusundan ko naman. “Ano iyon?”
“Kapag hindi na ako makalabas ng buhay dito sa mansion, ikaw na sana ang bahala sa pamilya ko.”
Bigla siyang napatigil sa paglalakad at ako naman din itong natigilan. Lumingon siya sa akin. “Ano ba itong pinagsasabi mo, Rose?” Nagsalubong ang kilay ni Sir Roberto matapos marinig ang salitang iyon mula sa akin.
“Eh, iniisip ko lang na baka nga ipa-salvage ako ni Ethan habang nandito ako kaya nagsasabi na agad ako.” Tila isa akong batang napanguso sa kaniya at nakadama ng kaunting panlulumo.
“Batang ito, oh. Bakit mo ba naiisip na ipapa-salvage ka ni Sir Ethan?” He sighed. “Look, Rose. You are here for a reason, and Sir Ethan would do his part to be nice to you. Nakausap ko na siya at hindi siya gagawa ng ikakapahamak mo. Okay, we are here. Sa pintong iyan, naghihintay sa iyo si Sir Ethan. Hanggang dito na lang ako at may importante pa akong aasikasuhin.”
“S-Sir Roberto, h-hindi ba pwedeng sumama ka na lang sa aming maghapunan?” pag-aalangan kong sabi. Ngayon na naman ay dinadaga na naman itong puso ko. Hindi ako at ease.
“Hindi ako pwedeng sumabay sa inyo. Sige na at ayaw niyang pinaghihintay siya.”
“Sir naman…” Mukha pa akong estudyanteng nagmamakaawang huwag ibagsak sa isang subject.”
“Ewan ko sa iyo, Rose. Mangungulit ka na naman. Diyan ka na.”
Tinalikuran na ako ni Sir Roberto at muli siyang bumalik sa dinaanan namin. Ako naman na napakamot na lang sa ulo habang pinagmamasdan siyang makalayo. Nakailang beses na rin akong humugot ng buntong hininga at sa huli ay natagpuan ko na lang ang sarili kong naglakad patungo sa pintong tinutukoy niya.
I slowly pushed the mirror door and went inside. I saw the cozy type of this certain place with cozy lights. May magarang couch, may malaking TV, may lampshade at magagandang paintings. Sa unahang bahagi naman ay ang set sofa na tila tanaw ang labas. Sa kanang bahagi naman nito ay ang set table na may pagkain na at tila siya na lang ang hinihintay.
“What took you so long?”
“Ay, asong gala!” Napahawak pa ako sa dibdib ko nang biglang may nagsalita sa kanang bahagi ko. Hindi ko napansin na naroon na pala si Ethan at tila kabuteng bigla na lang sumusulpot.
I looked at him, but I know he’s annoyed. Hindi na naman kasi maipinta ang nagsasalubong niyang kilay na sa tuwing nakikita ako ay hindi Disney princess ang nakikita niya, asawa ni Shreik ang tingin sa akin. Ang kumag na ito! Ako kaya si Cinderella, pinoy version. But after that, I smell his masculine scent na hindi masakit sa ilong. Ang bango ng kumag.
“Mukha ba akong asong gala sa paningin mo?” asik niya. Nagsimula na naman siyang maging si Hulk.
“Hindi po,” mahina ko na lang sagot. Huli ko na rin maisip na ayaw pala niyang pino-po siya. Hindi ko na rin naman binawi at bahala siya. Isa ka lang naman half na asong gala. Half-German Shepherd at half chihuahua. Akala kasi mabait iyon pala may pangil.
Ethan
I tried to be calm. Mauubusan ako ng pasensiya sa dalagang ito dahil matigas ang ulo niya. Subalit ayokong sirain ang gabi ko nang dahil lang sa kaniya. Naningkit pa ang mga mata ko habang pinagmamasdan siya. She’s wearing that beautiful dress that I bought for my ex-girlfriend. Pinakiusapan ko si Mang Roberto na halungkatin ang stock room kung saan pinalagay ko ang lahat ng mga gamit na dapat ay ibibigay ko sana kay Klarisse. Sinabihan ko rin siya na huwag banggitin kay Rose kung saan ito galing. Mamahalin ang mga damit na ito at nagmukha pa lalong naging mamahalin nang suotin niya ito. Damn it.
“Kumain na tayo,” wika ko na lang saka ko siya iniwanan at nagpatiunang maglakad patungo sa nakahandang table na may mga pagkain na.
Nang makalapit na ako sa mesa ay kinuha at binuksan ko agad ang alak na naroon. Isinalin ko ito sa dalawang bordeaux glass. Naramdaman kong nariyan na siya sa likuran ko kaya nagmamadali rin akong ilapag ang bote ng wine saka siya inasikaso. Hinila ko ang upuan para sa kaniya na dapat ay hindi ko ginagawa. Well, kay Klarisse, yes. But after what she did to me, I don’t I should be nice to a woman again. But I found myself doing it.
“Maupo ka,” utos ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-ismid niya.
“Baka kapag umupo ako ay bigla mong hilahin tapos bigla akong sumalampak sa sahig at pagtawanan mo.”
“What?” Muli na naman akong nahiwagaan sa babaeng ito. “Anong klaseng pag-iisip mayroon ka? Ah, as I remember, ganyan din ang tingin mo sa akin noong nagkita tayo. Do I look like a horrible man to you?”
“Naninigurado lang ako. Malay ko sa trip mo.”
“Hindi ka titigil sa kakaganyan mo, may paglalagyan ka sa akin,” inis at banta ko. Lumihis na lang ako upang umupo katapat niya at hindi na ako naghintay na umupo pa siya.
“Opo, kamahalan.”
Hindi ko na lang siya pinansin at habang kumakain kami ay pareho lang kaming tahimik. Hindi ko alam pero tumagal ako sa mesa kasama ng isang babae na hindi man lang nagsayang ng laway. Hanggang sa natapos kami at parehong nakatambay sa couch na tanaw ang buong resort. Nakita niyang sinalinan ko ng isang uri ng alak na alam kong medyo matapang at ibinigay ko ang isang baso sa kaniya at ang isa ay para sa akin.
“Hindi ako umiinom ng alak,” sambit niya.
“Dapat mong tikman ang mamahaling alak na ito dahil minsan lang dumapo ang pagkakataon na ito sa buhay mo,” panunuya ko sabay sumimsim ng laman ng baso matapos ko itong salinan.
Ngumiti siya ngunit alam kong sarkastikong ngiti ito. “Porkit mahirap ako ay hindi ko kayang bilhin ito?” Kinuha niya ang baso saka tinitigan. Nakita ko pa na napalunok siya saka muling ibinaling ang paningin sa akin. “Kaya ko rin bilhin ito, mag-aasawa ako ng afam!” Sabay diretsong inubos niya ang laman ng baso kasabay ng pagngiwi niya sa lasa. “Ang pakla!” reaksiyon niya.
He wanted to smile at the end but he doesn’t want to show her. Nanatilili lang akong dominante sa kaniyas. I showed my lip curl and raised my eyebrow. “That’s it? Sa tingin mo ay magagawa mo iyan habang nasa kontrata tayo? Did you read our contract? O baka naman ay pinairal mo na naman iyang kalokohan mo kaysa basahin ang nilalaman ng kasunduan natin.” Muli akong nagsalin ng alak sa baso at matapos ito ay sa kaniya naman.
“I know that it’s an indefinite contract. Pero hindi naman habang may buhay ay nakatali tayo pareho sa kontratang ito. Iyan sana ang isa sa mga itatanong ko sa iyo dahil hindi naman pwedeng walang duration ang…ang kahibangang ito. Gusto ko rin naman bumuo ng pamilya at makahanap ng Disney prince! Hello, ayaw mo rin bang makasama ang Disney princess mo?”
Akma ko na sanang iinumin ang alak pero napatigil ako at muli na namang nakatitig sa kaniya. “They aren’t real. Habang nasa poder kita, walang sinuman ang makakalapit na ibang lalaki sa iyo even my guests. Kung ano ang akin, akin lang muna.”
“Siguro ay bitter ka.” Ipinilig niya ang ulo sa couch saka niya iniangat ang kaniyang dalawang paa na tila ba feel at home lang. “Siguro ay sawi ka sa pag-ibig kaya ganito ka sa mga katulad ko, or you never felt love before. Ang sama mo.”
“Sawi? At ako pa ang masama? You don’t know me.”
“Yeah, I don’t know you yet; you’re rude. Hindi ba pwedeng maging mabait ka na lang sa akin? Kailangan talagang maging dominante ka?”
Napailing ako at akma na naman sanang iinumin ang pangatlong salin ko ng baso pero bigla niya itong binawi sa kamay ko. Walang pasubaling siya na ang uminom nito kahit na nagreklamo na siyang mapakla ang lasa.
“Ang pakla talaga!” reklamo na naman niya matapos niyang ubusin ang laman. “This is the reason why you’re bitter.” Inilapag niya ang baso saka niya muling ipinilig ang ulo.
Hindi ako sumagot. Muli kong sinalinan ang baso ko at sumagi sa isipan ko ang ginawa ni Klarisse. Mapait pa sa lasa ng alak na ito ang sinapit ko pero nandito ako para kalimutan iyon. And yet, ang babae naman na ito ang nagpaalala sa akin sa ginawa ng dati kong nobya.
“Tama ka, bitter nga ako. But it doesn’t mean I need to be nice to any woman. Iisa lang naman ang gusto nila, ang saktan ang damdamin naming tapat na sanang magmahal.” Gumaya ako sa kaniyang sumandal at ipinilig ang ulo ngunit ang mga tingin ko ay nasa kalangitan na. “You can either blame me. Kung sa iyo nangyari ito ay hindi ko alam kung ano ang gagawin mo.”
Mirror rooftop lang ang tanging harang ko mula sa kalangitan ngunit malinaw naman niya itong napagmasdan. Ilang segundo pa ay tila hindi na umiimik si Rose sa tabi niya. Noon lang siya nagtangkang sulyapan ito pero nakapikit na ito. Tinulugan ako?
Imbes na gisingin ko siya, malaya ko na lang siyang pinagmasdan. Bilang isang lalaki, hindi ko rin napigilang hangaan ang kakaibang gandang taglay niya. Lalo na noong dumako ang tingin ko sa mapuputing hita niya. There was an urge but I stayed to be gentle to her.
Kumilos siya ngunit sa puntong ito ay papunta siya sa akin. Agad kong hinarang ang palad ko sa mukha niya upang hindi siya sumubsob sa braso ko. I don’t know but I let her sleeping in my arms. And suddenly, she embraced my waist while slightly moaned. Damn it, again. Why is it that I can’t resist her? s**t.