“Here’s your key card, sir. Enjoy your stay!” wika ni Lea sa guest namin.
Narinig ko naman ang pagbati niya sa bagong dating naming guest pero ako naman itong tulala habang nakatingin sa monitor ng computer. Hindi talaga mag-sync in sa utak kong pumayag akong maging babae ni Sir Ethan kapalit ng insurance ng tatay ko.
“Hoy!” untag ni Lea sa akin sabay tinapik ang balikat ko.
“Aray naman!” sambit ko sabay hinawakan ang balikat kong tinapik niya. Hinarap ko na rin siya sa pagkakataong ito. “Bruha ka, anong problema mo?”
Napameywang siya. “Madam, kanina ka pa ho tulala riyan sa computer. Mamaya niyan ay maging mother board ka na. Ikaw yata ang may problema.”
Napabuntong hininga ako. “Wala akong problema, Lea. Marami lang akong iniisip ngayon lalo na at may babayaran na naman sa school ang kapatid ko.”
“Financial na naman ang problema mo. Bakit hindi mo na lang tularan si Cathy na sumama sa afam nanligaw sa kaniya at tingnan mo ngayon ang bruha, aba, nasa California at humihiga sa pera!”
I rolled my eyes. “Madam, hindi ko ho kayang magnobyo ng ibang lahi. Ibahin mo naman ako kay Cathy.”
“Iyon na nga, dai. Praktikal na ngayon at sana isip ang isipin mo ang laman ng bulsa mo at hindi lang basta-bastang bumukaka ka na lang sa kung sino. Look at me, malapit na akong makalaya sa malaparaisong lugar na ito. Malapit na akong yayain ni Thomas papuntang France!”
“Dai, magkaiba tayo, okay? Saka iyang bibig mo dahan-dahan lang at baka marinig ka.” Napapailing na lang ako na kahit mataas ang posisyon ko kumpara kay Lea, ganito kami mag-usap. But it’s okay. Ginagalang din naman niya ako paminsa-minsan bilang head niya.
“At ito na siguro ang sagot ng problema mo,” sambit niya. “Oh, my god! Ang gwapo!” Kinilig naman siya sa nakikita niya sa unahan.
Curios akong sinundan ng tingin si Lea at nang makilala ko ang tinutukoy niya, nanlaki ang mga mata ko. Agad na nagtahip ang kaba ko sa dibdib habang slow motion na naglalakad si Sir Ethan papasok ng lobby. This time, parang gusto ko ng himatayin at magpalamon sa lupa. I’m not ready na muli siyang makaharap pero hindi niyo ako masisisi na magkaganito ako sa kaniya.
Nataranta akong kumilos upang hindi niya ako makita. Napuna ko kaagad ang ilalim ng table at dali-daling nagtago roon. Kagat-labi pa ako dahil sa totoo lang, intimidating ang mga titig niya sa akin at baka hindi ko matagalan, hihimatayin na ako. Huwag ka ritong pumunta sa reception area, please! Huwag mo akong hanapin, gwapong tukmol ka!
“Si Rose?”
Mas lalo akong sumiksik sa ilalim nang marinig ko ang boses niya na hinahanap ako. Wala na rin akong naririnig kung hindi ang bilis ng pagkabog ng dibdib ko.
“S-Si R-Rose, ho? Ah, nandito…” Maya-maya lang ay kinalabit ni Lea ang tagiliran ko nang makita ako. “Hoy, Rose. Anong ginagawa mo riyan? H-Hinahanap ka ni Sir Ethan. Hoy!”
“H-Ha?!” Peste talaga! Marahan ang kilos ko na umalis sa pinagkublihan ko na kita naman ako at nagkunwari na lang. Wala akong nagawa kung hindi ang harapin ang boss ko na kanina lang ay laman ng isipan ko. “G-Good morning, sir. A-Ano po ang maipaglilingkod ko?” Pilit ko siyang nginitian kahit na nagsalubong na naman ang kilay niya at mukhang bubuga na naman ng apoy.
“What are you doing there?” he asked.
“Po?” Mas lalong kumunot ang noo niya at naalala kong ayaw niyang pino-po. “Uhm, may nahulog kasi kaya pinulot ko.”
“Mag-out ka na. Don’t worry, nasabi ko na kay Mang Roberto na papasukin ang kapalit mo rito.”
Nagtaka ako. “Sir, h-hindi pa tapos ang shift ko.”
“As I said, mag-early out ka na. That’s an order, Ms. Borja. Let’s go!”
Nagkatinginan kami ni Lea saka ako kumilos agad. “S-Sige, ho. Ikaw na ang bahala rito, Lea,” bilin ko na lang sa kaniya.
Napatingin ako kay Ethan but this time, nagtama ang paningin naming dalawa. I hate your chestnus eyes, my boss. Bakit ba ang cold mo sa akin? Hindi ba uso sa iyo ang ngumiti? Kinuha ko muna ang gamit ko saka ako bumalik na kasama na siya. Alam kong marami ng katanungan si Lea sa isipan niya pero boss naman namin ito kaya wala naman sigurong masama kung sasama ako sa kaniya.
Habang nasa likuran niya ako, hindi ko maiwasang pagmasdan ang kabuuan ng likod niya. Marami akong nakikitang ibang lahi sa lugar na ito at si Ethan lang talaga ang nagpagulo sa mundo ko. Hindi naman ako attractive sa mga ibang lahi pero ang isang ito, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Habang nkasabit ang back pack ko sa kabilang braso ko, naalala ko na naman na ang pamilya ko. Hindi ako dapat sumuko. Hindi ako dapat dapuan ng anumang pagkabahag⸻
“Aray!” Nabunggo ako sa malapad niyang likuran nang hindi ko man lang namalayang huminto pala siya.
Hinarap niya ako. “Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?”
“Eh, sir, bigla naman kayong huminto. Wala ka naman kasing preno,” rason ko.
“How many times I will tell you na Ethan na lang ang itawag mo sa akin?” Kumunot na naman ang noo niya. Pero bago pa man ako sumagot ay kinuha na niya ang bag ko. “I’ll carry this.”
“Ha? Hindi! Kaya ko na⸻” Tiningnan na naman niya ako na hindi ko nagugustuhan kaya hinayaan ko na lang siya dalhin ang gamit ko.
“Pinagtataguan mo ba ako?”
“H-Hindi.” Sabay umiling ako.
“Liar. Kung magsisinungaling ka na lang, iyong makatotohanan.” Nagpatuloy na siya sa paghakbang habang ako ay nakasunod na naman sa kaniya ngunit binagalan niya upang sabayan ako. “Ngayon na ang simula ng pagtira mo sa beach mansion ko. Ngayon mo na rin pirmahan ang kontrata nating dalawa.”
“E-Ethan… H-Hindi ko pa kasi nasasabi sa nanay at mga kapatid ko na titira ako kasama ka. B-Baka…pwedeng bukas na lang.” Nahihiya pa rin akong tawagan siya sa pangalan niya at hindi pa ako sanay.
“Ayokong pinaghihintay ako, Rose. Masama akong maghintay at baka ikaw ang pagbalingan ko.”
Ang sungit! Kung hindi ka lang talaga gwapo at boss ko, naku, jumbagin na kita. Atat ka yatang ikama ako, bruhildong ito! Oo na! Sa iyong-iyo na itong katawang lupa ko! Pagrerebelde lang naman iyon ng isipan ko ngunit natatakot na talaga ako ngayon pa lang.
“Nandito na tayo.” Humarap siya sa akin. “Oras na pumasok ka sa mansion ko, wala ng atrasan.” Inilahad niya sa akin ang palad niya. “Are you ready?”
Napatingin ako sa nakalahad na palad niya at lihim na napalunok. Pikit-matang ini-angat ko ang kamay upang tanggapin ito. Bahala na po kayo sa akin kapag nilapa na ako ng dragon, Lord!
When our hands touched each other, there are million of current sparks flows in my blood veins. Pakiwari ko ay binubuhay ako ng mga boltaheng ito at syempre, kasama na ang panlalamig ko. Pinagmasdan ko ang mahigpit na pagkakahawak niya sa kamay ko, and it was a strange feeling. Lalo na nang makarating kami sa second floor at binuksan niya ang isang pinto, parang gusto ko na rin umatras. Subalit nandito na ako sa puntong ilalaban ko ang karapatan ng mga kapatid ko at nanay ko hindi na baling ako ang magsasakripisyo.
“You’ll stay here. Nasa kabila lang ng pintong iyan ang kwarto ko at anytime na kailangan kita, pumunta ka.” Noon niya binitawan ang kamay ko at inilapag niya ang gamit ko sa couch. “Nagpabili na rin ako ng mga gagamitin mo while you’re staying here. The contract is at the top of the side table. Sign it and give one copy for me. Keep the other one. Tonight, you’ll dance with me.”
“Dance?” Ako naman ang nakakunot ang noo. “E-Ethan, b-bakit parang ang bilis naman yata. Hindi mo pa tinutupad ang mga gusto ko.”
He looked at me deeply straight. “I’ll give you what you want after. Tumutupad ako sa usapan. I told you, ako na ang bahala sa lahat. If you need anything, dial 0. Ayokong papasok ka na lang bigla sa kwarto ko na hindi ko alam.”
“Okay.”
Tumalikod na siya agad na wala na rin ibang sasabihin pa at nagtungo na sa connecting door na tinuro niya kanina saka pumasok sa kabilang kwarto niya. Noon lang din ako nakahinga dahil sa tindi ng tensiyon na nararamdaman ko. Lumapit ako sa kama saka ako umupo sa gilid nito. Inilibot ko ang paningin sa paligid at kagyat na naalala ko ang palabas na fifty shades of grey. Hindi naman ako si Anastacia Steel nito, ‘di ba?
Marahan akong humiga sa malambot na kama habang nakatuon ang paningin ko sa kisame. “Tay, gabayan niyo ho ako rito. Ayokong itatali ako ni Ethan sa kama o kaya hahampasin ang likuran ko. Oh, my god, ‘tay! Virgin pa ho ako at wala akong alam sa ganoon. Aminado akong napanood ko iyong palabas na iyon pero wala sa isip kong ganito ang gagawin ko. Ano ang dapat kong gawin? Sa tingin ko pa naman ay malaki ang…” Naalala ko ang ibabang bahagi niya kung sakaling makikita ko itong nagagalit at naghahamon. Kaya naman sa sobrang emosyon ko ay napatili ako nang malakas. “Aaaaahhhh!!!”
Maya-maya lang ay biglang bumukas ang connecting door kung nasaan si Ethan at iniluwa siya. Bakas sa mukha niya ang labis na pagtataka sa biglaang pagsigaw ko.
“What happened?!”
“Huh?!” Bigla akong napatayo at nagulat na rin sa biglang pagpasok niya. Namutla ako dahil hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko sa kaniya. “E-Ethan… A-Ano k-kasi…” Bigla akong napatingin sa bintana na hinawi ng hangin ang kurtina. “A-Akala ko kasi may kung ano sa bintana. H-Hangin lang pala.”
His forehead wrinkled. Maya-maya pa ay nilapitan niya ang bintanang tinutukoy ko at isinarado na lang ito. Muli siyang naglakad papunta sa akin. “Walang multo rito sa bahay ko. God, Rose. Matanda ka na para magpapaniwala sa ganyan.”
“S-Sorry…” Bigla naman akong pumiyok sa pagkakasabi kong iyon pero nag-peace sign naman ako sa kaniya.
Napailing na naman siya na naglakad pabalik sa kaniyang kwarto.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay tinungo ko na ang side table kung saan naroon ang kontrata. May ballpen naman na katabi kaya kinuha ko ito at pumirma agad. Naisip kong mamaya ko na lang basahin iyon kapag nag-refresh na ako. Natutuyuan na ang utak ko sa mga nangyari sa amin ni Ethan at kailangan kong unawain ang lahat. Then, I found myself explore the room.
Matapos akong magpalit ng damit ay narinig kong may kumakatok sa pinto. Dali-dali naman akong pagbuksan at baka si Ethan ito na may kailangan. Pero bakit sa harap at hindi sa connecting door siya kumatok? Pinagbuksan ko na lang para malaman ko kung sino ito.
“Hi, Rose.”
“Sir Roberto?!” Nagulat ako sa bumungad sa akin ngayon at hindi ko inaasahang naroon siya.
“Yes, ako nga. Nais ko lang ibigay sa iyo ang mga nasa paper bag na bitbit ko ngayon. Heto.” Ini-abot niya ang mga ito sa akin at tinanggap ko naman. “Mga damit mo iyan dito at may mga paparating pa para sa iyo. Wala kasing nakatirang babae rito kaya nagpabili pa si Sir Ethan para sa iyo,” wika niyang may malalim ang tingin sa akin.
“S-Salamat ho, Sir Roberto,” tugon kong naiilang na tingnan din siya sa mata. May alam kaya siya?
“Wala akong alam sa kasunduan niyo ni Sir Ethan at sanay ingatan mo ang sariling walang makakaalam nito kahit ang mga kasamahan mo sa trabaho. Nabanggit ko na rin naman sa kanila na may personal ka rin trabaho kay Sir Ethan kaya ka nandito.” Mukhang nabasa niya ang laman ng isipan ko.
“Uhm… Naiintindihan ko, sir. Makakaasa kayong mag-iingat naman ako sa lahat ng bagay.”
“Okay. Bababa na ako.”
Bahagya na lang akong ngumiti kay Sir Roberto saka ko siya sinundan ng tingin nang tumalikod na siya at maglakad sa pasilyo. Maya-maya pa ay pumasok na ako sa loob ng kwarto dala ang mga ibinigay niya sa akin na nanggaling din naman kay Ethan.
Isa pa sa mga naiisip ko kung ano ang sasabihin ng mga kasamahan ko sa akin pero paninindigan ko na lang na may personal akong trabaho sa boss namin. Iniligay ko na lamang ang mga ito sa couch at ako naman na wala sa sariling umupo na rin katabi ng mga ito. Nag-iisip na ako sa mga bagay na mangyayari sa akin habang mananatili rito. Tama! Kailangan kong basahin ang nilalaman ng kontrata kontrata.