Chapter 1

2388 Words
WARNING: This story contains scenes not suitable for 17 years and below. Please be guarded! Thank you! CHAPTER 1 JOY'S POV "Seryoso ka na ba sa plano 'mong ito, ija?" halata ang bahid ng gulat sa reaksyon ni Lola Rosario, matapos 'kong isiwalat ang gumugulo sa isip ko ngayon. Magkakasama kami sa living room ngayon. Narito si Lola, Tito Emman, Tita Crizza, sila Mommy at Daddy, na ngayon ay gulat at tila hindi makapaniwala sa binanggit ko. Wala si Zhairiyah, ang pinsan ko since nakabukod na sila ni Clint, kasama si Baby Amiel. Bagong panganak lang din ang bruha na iyon, kaya need niya ng madaming rest. I sighed, before nodding consecutively. "Yes po, La." wika ko, "Seryoso at buo na po ang desisyon kong ito. After ng lahat ng mga nangyari, I guess its the time for me to settle down." "Pero...Ija, hindi biro ang hiling 'mong ito!" sabat naman ni Mommy, "If you are just guilty for what happened recently, then I'm telling you don't be!Wala 'kang kasalanan doon." I shook my head, "No Mommy, gusto ko po talaga 'to. What happened recently was really a part of the reason, but I'm telling all of you, this decision can help me. I promise..." pamimilit ko, bago tinignan si Dad, at matamis itong nginitian. "Dad, diba sabi mo, I'm 30 years old na? And you want to have an apo na from me, this is it. This is the chance for you to have a grandson, let me get married please..." pamimilit ko pa sa mga ito. Nakita ko kung paano napahawak sa noo si Dad, bago napahinga ng malalim. "Joy anak...this decision is so sudden!" wika nito, "Parang kailan lang halos isumpa mo kami dahil gusto ka na naming ipakasal, tapos ngayon ikaw na mismo ang hihiling sa amin niyan..." I sighed deeply. "Buo na po ang desisyon ko, Mommy at Daddy..." wika ko, "Gusto ko na 'pong magpakasal, so feel free to arrange me to someone you know or what..." dagdag ko. "Joy!" Mom hissed, but I just lifted my hand to stop her. "I really want it, please po... Pagbigyan nyo na lang ako." Lola Rosario was the one who stand, and look at me while shaking her head. Hindi naman ito galit, ngunit halata ang hindi pagsang-ayon sa kagustuhan ko. "I want to give you the chance to find someone you'll love for the rest of your life Joy, hindi sa lahat ng arrange marriage nangyayari ang katulad kina Zhairiyah at Clint, baka pagsisihan mo lamang ito sa huli." Lola said. Lola's words hit my heart, but my decision is final. No one can ever change it. Ito sa tingin ko ang dapat 'kong gawin ngayon. "Alam ko po na nakakabigla, but please Lola, let me do this..." Nakita ko ang paglambot ng mukha ni Lola dahil sa tono ng aking pananalita, kung kaya't agad itong lumapit sakin, upang yakapin ako. "Aliexiana, apo, you are the family's first grand daughter, noon pa man, labag na sa akin na pilitin 'kang ipakasal, pero kailangan iyon sa negosyo. We are facing struggles that time kaya't plinano namin ang kasal mo, but after seeing how you changed because of it, nagdalawang isip na ako, dahil ayokong makulong ka sa relasyong walang pagmamahalan..." mahinahon ngunit bakas ang labis na lungkot sa boses ni Lola. "I don't want for you to waste this opportunity to love the man you really love, alam 'kong nasasaktan ka lang dahil sa mga nangyari nitong nakaraan, but don't decide right now. Think about it properly, hindi lahat ng mga lalaking susubukan 'mong mahalin ay magiging katulad ng iyong nakaraan. Hindi lahat ng lalaki lolokohin ka tulad ng ginawa sayo ni Carlo. Kaya wag 'kang mag-desisyon kaagad, apo." Naiintindihan ko naman ang punto ni Lola e'. Iniisip lamang nila na baka nabigla lamang ako, at hindi man lang napag-isipan ng maayos ang naging desisyon ko, pero... sa totoo lang... Hindi ko na kailangan na pag-isipan pa ang tungkol dito ng matagal. This is the only escape I have in mind. Ayoko ng magmahal ulit. Takot na akong buksan ang puso ko sa kung sinong tao. I'm willing to surrender my life as a free woman, than to stay and uncomitted and get hurt with the fooling game of love again. "Napag-isipan ko na ito ng maayos, La. Buo na po ang desisyon ko, at sana ay suportahan niyo na lamang po ako." buo ang boses na wika ko, habang may ngiti sa labi. "Gusto ko 'pong magpakasal, at ready na po ako dun. Willing po ako sa kahit sinong gusto niyo para sa akin." dagdag ko, "Kaya, sana po, makahanap na kayo agad, matutuwa po ako duon." pinal 'kong saad, na sabay-sabay nilang ikinahinga ng malalim. Kitang-kita ko ang hindi pagsang-ayon sa mga mukha ng mga ito, maging nila Tita Krizza at Tito Emman, ngunit hindi na ito nag-komento. Sa halip, sabay sabay na lamang silang tumuon kay Lola, dahil nasa kanya ang huling desisyon. Pinakatitigan ko si Lola, na kasalukuyang nasa akin din ang buong atensyon. Ilang minuto kaming tahimik, hanggang sa napipilitan itong tumango. "I think you already has decided...so fine." anito, "Let's start finding someone for you..." wika nito, na mas nagpalawak ng ngiti ko bago nasundan ng pagyakap dito ng mahigpit. I don't know if the reckless decision I made will do good to me, but I'm hoping. All I wanna do is to get rid of that love! If I have to be committed to someone I don't even love and know at all, its fine. Mas mahirap ang magmahal ng totoo, magmahal ng sobra, at masaktan at maloko lang naman sa huli. Atleast I will not give that four letter word again. Love will forever be banned in my life... MABILIS na lumipas ang mga araw, at ngayon nakatakda ang pagpapakilala sa akin nila Lola duon sa lalaking napili nilang ipakasal sakin. According to Lola, ang parents daw nung guy ang nag-recommend nito sa kanya. They are one of our business partners, and they said that they wanted to arrange their sons wedding abruptly since hindi na daw nila kayang tiisin ang pagiging playboy ng anak. So, the man I'll get wed to is a ruthless and annoying casanova? Huh. I rolled my eyes. Sa description pa lang, mukhang malabo na na ma-inlove ako, kaya game lang. Tuloy ang plano. I smirked at that thought, the same time Mom poke me on my shoulders, that made me look her way. "Why mommy?" I asked, looking so curious but at the same time happy. On the other hand, Mom looks so problematic in front of me. "Anak, are you serious about this? The man you'll get married to is a notorious playboy! Ibang-iba kay Clint!" bulong nito, Imbes na mairita ay mas lalo lang akong napangiti. I tapped my mom's shoulders. "Ayos lang Mommy, I'm fine with it." maikling sagot ko, at agad napatigil dahil tumayo na si Lola. Nakatingin ito sa may entrance ng five star restaurant na kinaroroonan namin, kaya't napasunod ako duon ng tingin. From where we are sitting, I saw a three people entering the restau. One is a bit old man, wearing a black coat, and on his side is a fine and elegant woman---that I bet is his wife, and then my eyes landed to the man whose just walking behind them. Its a good looking man, wearing a black fitted shirt that highlighted his white skin and his muscular body. Naka-faded jeans lang ito at naka---well, balenciaga shoes lang naman. "Iha, tayo!" Napahinto ako sa pagsipat duon sa lalaki ng marinig ko ang sinabi ni Mommy. Sandali ko silang nilingon, at nakita ko naman silang lahat na nakatayo na, I think a sign of respect sa mga bagong dating, kaya naman agad ko rin silang ginaya. Wearing an elegant blush pink dress just an inch above the knee, and a white heels, I smiled to those persons nearing our table. As usual, my fake smile can lure anyone. "Amelda! Bernardo! I'm happy to have you here." agad na bati ni Lola sa mga ito, at lumapit upang bigyan ng beso ang magandang babae, na agad lumawak ang ngiti ng makita si Lola. Ganuon din ang asawa nito, na agad nilapitan si Daddy. Si Mommy naman ay sumunod na rin kay Lola sa paglapit upang ipakita ang respeto nito, habang ako, nanatili lang sa kinatatayuan at pinagmamasdan ang lalaking ka-edaran ko lang, na kasalukuyang nakatayo sa likod lamang ng mga magulang nito. The man's eyes is roaming the every corner of the restaurant. Para itong may hinahanap na kung ano. Balak ko na sana itong lapitan ng bigla na lang itong lumakad palayo sa table namin na siyang ikinasingkit ng mga mata ko, at napasunod na lamang ng tingin sa binata. Nakita ko kung paano ito sundan ng tingin ng mga ibang babaeng customers, at hinahagod pa ng mga malalanding titig ang katawan. Aba! My eyes was brought back to the man again, when he stopped right beside a certain table, where two womens are dining. Tahimik lang ang dalawang babae nuong una, ngunit ng mapansin ang nakatayong lalaki sa gilid nila ay agad lumapad ang ngiti ng mga ito. My eyes narrowed even more while watching them. The guy offered his hand for a handshake, and the two girls eventually giggled because of that, and then they accepted his offer. Napahugot ako ng isang malalim na buntong-hininga dahil duon, na sinabayan pa ng pagtaas ng kilay ko. Aba nga naman ang babaero! Akala ko ay simpleng magshe-shake hands lang ang mga ito, kaya't nanlaki ang mata ko nang makita ang paglapat ng labi 'nung damuhong lalaki na iyon sa pisngi nuong isang babae, na nasundan pa para dun sa isa naman. My heart felt heavy because of the raging anger I can feel inside of me. Look at these ridiculous man! Alam niyang nandito siya para ipakilala sa akin, pero nagawa 'pang mambabae! Agad agad! Ni hindi man lang ako ni-respeto! "Who are those woman, Amelda?" Napalingon ako kay Lola ng marinig ang tanong niyang iyon, katulad ko ay lahat ng mga nakatatanda ay nakatingin na rin duon sa kinaroroonan ng lalaki, habang naniningkit ang mga mata. Magkasalubong na magkasalubong naman ang kilay ni Mommy, habang matalim ang tingin sa lalaki, bago lumipat sa akin, at base pa lang sa tingin nito, alam 'ko nang ayaw niya sa lalaking iyon para sa akin. "Bernardo, get your son!" utos naman ni Tita Amelda sa kanyang asawa, bago kami binigyan ng hilaw na ngiti. "I'm sorry Madame, Marcella at Louis, I already informed you about our son, he's really a playboy! Hindi na namin ma-kontrol dahil napakadami niya ng babaeng napaiyak kaya't kami na ang gumawa ng paraan para mai-settle siya." paliwanag nito, bago tumuon ang atensyon sa akin. Mabilis itong humakbang palapit sa akin habang may kabadong mukha, inabot nito ang kamay ko. "Joy, iha, I'm sorry about my son..." hingi nito ng paumanhin sa akin, na agad 'kong inilingan. I held her hand back. "Tita Amelda, you don't have to say sorry, actually, I already expected worst from this, its actually a relief na ganyan lang ang ginawa niya." sabi ko, kahit ang totoo ay hindi naman talaga ako umasa ng ganitong eksena! Ni hindi man lang marunong rumespeto ang lalaking tukmol na 'yon! Playboy na nga bastos pa! Tita Amelda seemed relief because of what I said because her bewildered expression changes into a happy one. "Thank you iha..." anito, na tinanguan at nginitian ko na lamang, bago nalipat ang aking tingin sa dalawang lalaking palapit. Tito Bernardo is holding the man's wrist, looks like he's pulling his son. Habang ang lalaki naman ay walang kahit anong ekspresyon sa mukha. Basta na lamang itong nagpahila sa ama at tila walang pakialam. "Show some respect, Grey Iho..." utos dito ng Ina. The man look at our direction without any smile, and then he just nodded his head thrice, like how an uneducated man reacts when he has visitors! Actually, para siyang isang tambay sa kanto, na hindi man lang talaga marunong makipag kapwa tao! "Yow." bati lang nito kina Lola, Mommy at Dad, bago bumaling sa akin. Tinanguan lang din naman ako nito, bago nilingon ang ama, gamit ang tila bored na bored na mga mata. "Can I go back to my girls now, Dad?!" sarcastic na tanong nito sa ama, na napapikit na lamang marahil sa sobrang pagka-inis. I saw how Tita Amelda sighed heavily before shaking her head after hearing what her son have said. Talagang sakit sa ulo ang isang 'to ah! Pasimpleng nagtagis ang bagang ko dahil sa inaakto ng lalaki. He's a playboy huh? He loves to play. I smirked. And maybe he's playing right now. Siguro ayaw nito sa plano ng mga magulang kaya't nagpapakita ng bad side para maging negative ang tingin namin sa kanya, at kapag nagtagumpay siya roon, edi hayahay ang buhay niya dahil walang kasalang magaganap. Well sorry siya, matalino ako. I can play his games very well too. Dahil sa naiisip na plano ay mas lalong lumawak pa ang ngisi ko, to the point na naagaw ko pa ang atensyon ng lalaki. Nakita ko kung paano nagsalubong ang kilay nito dahil sa pagtataka sa aking eskpresyon. "Hi Grey, I am Aliexiana Joy Agvanzen, your fiance." pakilala ko, bago ito binigyan ng sarkastikong ngiti. "Anyway, kung gusto mo nang balikan ang mga babae mo duon sa kabilang table, then go ahead. Sulitin mo na habang hindi ka pa nakatali sa akin, dahil sa oras na nakatali ka na, you can't do this kind of shits again!" wika ko, na bahagyang madiin pagdating sa dulo. Ginawa ko talagang tunog nagbabanta para malaman niyang kayang kaya 'kong pantayan ang ka-malditahan niya! Nahuli ko kung paano mas tumalim ang tingin nito sa akin matapos 'kong magsalita, ngunit agad din itong tumalikod upang sundin ang sinabi ko. Naglakad ito pabalik duon sa mga babaeng nilapitan nito kanina, habang ako naman ay nakasunod lang dito ng tingin at nananatili ang ngising tagumpay sa labi. Sorry man, I also know how to piss someone back. Ayokong natatalo ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD