Chapter 2

2966 Words
Chapter 2 JOY'S POV "What the heck?!" Iyan ang bungad sa akin ni Zhairiyah, matapos 'kong i-kwento sa kanya ang plano 'kong pagpapakasal. Halatang ayaw na ayaw nito sa naging plano ko, at naiintindihan ko naman ang reaksyon niya. "Nababaliw ka na ba, Aliexiana?!" dagdag na bulyaw nito sa akin, at halata sa mukha ang pagkaka-stress dahil sa balita ko. Magkavideo-chat kaming dalawa ngayon since nananatili sila ni Clint sa Cebu para daw makapagpahinga. I wonder if they really are resting or they're doing something else...damn! My mind is now a pervert too! I let out a small smile, "Come on, Zhai!" wika ko, "I just really want to have my own family too." "Own family?! Eh akala ko ba gusto mo maikasal ka sa taong mahal mo? Kaya nga ayaw na ayaw 'mong tanggapin ang arrange marriage mo last time right? Tapos ngayon malalaman ko na ikaw pa ang nag-suggest na i-arrange ka sa kung sino?! Gosh, Aliexiana! Sayo ako nai-stress!" I chuckled. "Zhairiyah Fryleigh, pwede ba? Don't be too OA!" tatawa-tawa 'kong sagot, "Sure na ako sa plano 'kong ito. Gusto ko na ding magpakasal. I'm 30, and I wanna start a new journey in my life too!" "30 ka na rin naman dati pa, pero tumanggi 'kang magpakasal. Anong kaibahan ngayon?" mataray nitong tanong pabalik sa akin. I sighed deeply at her question. "Well, maybe because I'm turning 31 sooner?" pilosopo 'kong sagot, na ikinairap lamang nito sa kabila. Hindi ko napigilan ang malakas na pagtawa, ng makita ang frustrate na frustrate nitong mukha. "Hey, cuz sigurado na ako sa plano 'kong 'to. I just want for all of you to support me." ngayon ay seryoso ko nang sinabi, upang kahit papaano'y maibsan ang frustration ng pinsan. Alam ko naman na nag-aalala lang si Zhai sakin. Well, noon pa lang naman, ako na ang inaalala niya. She cares for me too much, to the point na handa siyang isakripisyo ang sarili niyang kalayaan, para sakin. When she replaced me as the fiance of Clint, I felt sorry for her, but happy for myself. Nasasaktan ako dahil nalipat sa kanya ang bigat na dapat para sa akin. She saved me that time. I felt guilty tho, but I felt happy at the same time. Happy because, I know, that because of what she did, malaya na ulit ako. Malaya na ulit akong magmahal ng taong totoong mahal ko. Pero hindi ko akalain na...ang taong handa 'kong piliin more than the will of my family, is gonna be the same person to hurt me as well. Na siya pala ang magiging dahilan ko para sukuan ang pag-ibig. How cliche right? Iyong taong handa 'kong piliin, nagawa akong lokohin at traydurin. I felt so pathetic all of a sudden! "Fine! If that's what you want then go!" anito na muling nakakuha ng aking atensyon, ngayon ay magkasalubong naman ang kilay nito habang nakatingin sa akin. "But, according kay Tita Marcella, nagharap na daw kayo ng ia-arrange sayo, and according from her too, hindi niya gusto ang lalaki dahil sobrang playboy!" Dahil sa sinabi ng pinsan, ay nagbalik sa ala-ala ko ang kawalan ng manners 'nung tukmol na iyon! I still vividly remember how ungentleman and unrespectful that man was that night! Marahas akong napahugot ng malalim na hininga, bago walang ganang sinalubong ang tingin ni Zhai. "Yeah, he's a damn notorious playboy!" sagot ko. "Tapos papakasalan mo pa rin?!" I shrugged. "Yes, since I want to play too." "Aha! I get it! You just wanted to marry because you want to get rid of love? Tama ba ako, Joy?" I facepalmed. Hayss. Zhairiyah is really intelligent. I nodded as I sighed heavily too, na nasundan ng pagsinghap ni Zhai. "Joy! Marriage is not the best escape from love! Sacred ang kasal! Hindi pwedeng pasukin mo lang iyon dahil lang sa gusto mo! When you marry, then thats it! You are bound to commit to your partner!" Wow. Andami niya nang alam ha. Palibhasa nasakal—este, nakasal na. "I will commit myself, Zhai. Ready ako dun." Napailing-iling naman ito, "Joy naman, think about this again! Your idea is a pathetic one! Hindi maganda 'tong plano mo!" I yawned, not minding what my cousin just said. Nakita 'kong napatigil ito, at agad nawalan ng emosyon ang mukha ng makita ang kawalang interes patungkol sa sinabi niya ang aking mukha. "Zhai please...I really wanna do this. Kung inaakala mo na hindi ko alam ang pinapasok ko, then you're wrong. Alam ko ang ginagawa ko, and watch me, I can handle it just fine." pangungumbinsi ko naman, na muli ay ikinabuntong-hininga lamang nito. "Bahala ka." anito, "Just be careful not to fall in lovr with that man you're gonna marrying, dahil once na na-fall ka, then talo ka na ulit sa larong gusto 'mong iwasan." banta pa nito. I rolled my eyes cockily. "Yuck! I will never fall for him!" This time, Zhairiyah smirked at me. "Sinabi ko rin yan noon, pero tignan mo ako ngayon? I'm hopelessly inlove with Clint." anito, na syang nagpatigil naman sa akin. "Wag ka munang magsalita ng tapos, baka mamaya kainin mo lahat ng iyan." Iyan ang huling sinabi ni Zhai sa akin, na hanggang sa pagtulog ay nanatili sa isip ko at pilit na nanggugulo. WEARING a black spaghetti strap dress partnered with a fitted jeans and stiletto, I confidently entered the JS Bar, where me and my friends decided to meet up. Ilang buwan na din kasi akong hindi nakakapunta sa mga bar at nakakapag-bonding sa mga kaibigan dahil sa sobrang daming nangyari sa pamilya. Hanggang ngayon nga ay may mga body guards pa rin ako, but thankfully, naging maluwag naman ng kaunti sila Daddy para payagan akong umattend sa night out naming magkakaibigan ngayong gabi. Pagpasok ko palang ay agad ng may mga lalaki at babaeng bumati sa akin. Well, I'm quite popular here in the JS Bar, since madalas dito kami nagpupunta nila Shaina, Mazy, at Andrea, mga friends ko. "Good evening, Joy!" bati sa akin 'nang isang lalaki mula sa isang table di kalayuan, na binigyan ko lamang ng isang ngiti. Tuluy-tuloy ang paglakad ko, hanggang sa marating ang table na kinaroroonan nila Mazy. "Finally, the superstar came in!" pang-aasar ni Mazy, na agad tumayo para makipag-beso sa akin. I rolled my eyes, "I'm not a superstar. Pwede ba?!" I just said, before walking towards my other friends and gave them a peck in the cheeks. Nang matapos ay agad na rin akong naupo sa upuan na dapat para sa akin. "What do you want to drink? Medyo matagal na simula ng nakapag-party tayo ng ganito." ani Andrea, habang binibigyan ako ng matamis na ngiti, kaya naman labas na labas ang biloy nito sa magkabilang pisngi. I nodded while smiling at her. "Kaya nga..." wika ko, "Anyway, any drink is fine to me." "Sure? Kahit hard drink?" I smiled wider even more. "Yes. Babawi ako sa inyo." Agad naman nagsipag-tilian ang tatlo dahil sa saya ng marinig ang sinabi ko. Ilang beses akong napailing iling, ngunit napapatawa na lang din dahil sa mga ginagawa ng mga ito. "Okay! Black label then!" wika ni Shaina, na nagpalaki ng mata ko. "What?! Sobra naman ang black label!" hystrical na reaksyon ko naman, na agad inilingan ng tatlo. "Oh come on! Akala ko ba babawi ka? Atsaka, apat naman tayong iinom!" Mazy said. "Kahit na! Baka mamaya magpass-out ako dyan! Lagot ako tiyak kay Mommy!" bwelta ko naman, ngunit talagang ayaw magpapigil nung tatlo. Sa huli, naka-order na lang si Mazy, at natagpuan ko na lang sila na binibigyan na ako ng isang shot. Geez! I don't think I can handle this! "Go, Joy! Isang lagok lang 'yan!" pangchi-cheer naman ni Shaina sakin. I shook my head twice, before inhaling a deep breath, before drinking the shot of black label. Nang maibaba, agad akong napatakip ng bibig dahil sa lasa niyon. Ugh! Sobrang tapang! I can feel its hard punch in my throat! Damn! "Congrats, Aliexiana Joy! Gosh!" hiyawan naman ng tatlo, na nagsipag-appear pa. Imbes na mag-react ay nanahimik na lamang ako, at napasandal sa kinauupuan habang pilit na pinapalipas ang nararamdamang pait sa lalamunan dahil sa alak. Samantalang ang tatlo naman ay nag-usap na tungkol sa kung anu-ano. Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang makinig na lamang sa kanila. "Yes! May bago nga pala akong date, at inimbita ko siyang pumunta dito." imporma ni Mazy, na nasundan ng malamyos nitong tawa. "Really? Eh akala ko ba night out nating magkakaibigan 'to? Bat ka nag-imbita ng date? Hindi kami ready!" bwelta naman ni Andrea, na muli ay tinawanan lang ni Mazy. "Eh kasi naman boring pag tayong apat lang noh!" anito, "Atsaka, promise naman masusulit niyo 'yung date ko! Gwapo! Habulin!" "Talaga? Ohmy! Anong name niya?" I sighed heavily. Hay naku! Bahala sila. "His name is Gr—oh, he's here!" Sabay sabay na napalingon sina Andrea at Shaina sa direksyon na tinitignan ni Mazy. Balak ko din sanang lumingon, kaya lang ay nakaramdam na ako ng matinding pagkahilo. s**t! Konting galaw lang, umiikot na ang paligid ko! Shaina giggled in excitement. "Omg! The famous handsome bachelor is your date tonight?!" "Yes. We met days ago, in a party, and we chatted for awhile, until I told him about this, and gosh! He said yes to my invitation immediately!" kwento ni Mazy, bago agad nang tumayo, upang salubungin ang lalaking date umano nito. The two girls also did the same, at ako na lang ata ang nanatiling nakaupo, at di na nag-abala, since nahihilo talaga ako. Kasi naman! This is the first time I drink Black Label, at ganito pala ang tama nito! "Hi Grey, buti naman dumating ka. Akala ko mangi-indyan ka na e." rinig 'kong wika ni Mazy, bago nasundan ng pa-cute na tawa. Tssk. Nagpa-cute pa talaga! Napa-roll eyes na lang ako nun, na naging dahilan ng mas pagkahilo kaya mariin akong napapikit. "Paano ko naman i-indyanin ang babaeng kasing ganda mo?" baritonong sagot ng lalaki, na tila ba pamilyar sa akin ang boses. Napa-ayos ako nuon ng upo, habang pasimpleng naniningkit ang mga mata. What the heck! Am I just hallucinating or that voice is the same voice of that notorious playboy?! And what the heck was this guy's name? "Sus. Grey naman, nambola pa!" dagdag na hagikhik ni Mazy, na mas nagpasalubong ng kilay ko, bago nilingon ang direksyong kinaroroonan ng tatlo. At ganoon na lamang ang pag-iinit ng ulo ko nang makilala ang mukha ng lalaking sinasabing date ni Mazy, na inimbitahan niya pa talaga sa night out namin! Its really him! Damn! "I'm not bluffing, honey." malanding wika nito bago hinapit ang bewang ng kaibigan ko, na mukha namang masayang masaya pa sa ginawa nuong lalaki. Pati sina Andrea at Shaina ay napahagikhik na rin! Without further thinking, galit akong tumayo. Medyo nahilo pa nga ako, pero well, I can manage! Napatingin sakin ang tatlo, at maging si tukmol ay ganoon din. "What are you gonna do, Joy?" takang tanong ni Mazy, na enjoy na enjoy pa rin sa yapos ni tukmol sa bewang niya. My eyes narrowed, before giving this damn playboy a glare. When our eyes met, I saw how his eyes turned cold after seeing me. I sarcastically laugh in my mind. "Nothing..." wika ko, habang hindi inaalis ang tingin sa lalaki. "Just stretching." dugtong ko pa, bago padaskol na muling naupo, dahil sa matinding pag-ikot na naman ng paligid. Shit naman! I will ban Black Label in my list of drinks from now on! "Wala na. Hilo na 'yan," rinig 'kong sabi ni Andrea, bago ko naramdaman ang pag-upo nito sa tabi ko, na mukhang sinundan na din ng dalawa. Gusto ko sana silang lingunin, pero hindi ko na ginawa dahil makikita ko lang din ang tukmol na 'yon! Ugh! I felt suffocated after realizing that we're now in the same damn table again! I remained lying on the backrest of my seat, while closing my eyes fervently, umaasa na sana makatulong iyon para mabawasan ang hilong nararamdaman. "Black Label ang iniinom niyo?" tanong pa 'nung tukmol. Hindi na obvious? Tsk. Tanga! I blurted out inside my mind. "Uh yes." I don't know if its Mazy or Shaina. Ugh! They're voice suddenly becomes the same! "Its her first time drinking it, and one shot pa lang ang nauubos niyan pero bulagta na agad." anito, na nasundan ng masuyong tawa. Napadilat ako dahil duon. Pakiramdam ko nanliliit ako! Is she saying that I am weak?! Ugh! "Weak pala e." Komento 'nung tukmol, na talagang nagpakulo ng matindi ng dugo ko sa ulo. I lifted my head, and turned at their direction. My gaze immediately fell unto him, whose holding a glass of Black Label. Umiikot ang paligid, at nanlalabo ang mata ko, pero hindi nakalagpas sakin ang mapang-asar niyang ngisi bago maangas na nilagok ang isang baso ng Black Label ng walang kahirap hirap?! What the?! My eyes narrowed again, as I tried to watch him close, but the spinning of my surroundings became more hard to deal with. Sa huli, wala na akong nagawa kundi bumalik sa pagkakahilig sa upuan. Ugh! I felt so weak and small! "Take a nap, Joy. Gisingin ka nalang namin maya-maya." seryoso at halata ang pag-alala sa boses na wika ni Shaina sakin. I just groaned as an answer, when my phone suddenly rang inside my bag. Sa tunog pa lang, alam ko ng tawag iyon, pero hindi ko magawang kunin dahil sa matinding hilo. "Ako na kukuha ng phone mo para tignan." Shaina offered, and again, I just groaned saying yes. Suddenly, I felt someone —I mean, Shaina getting something from my bag, before the sound of my ringing phone becomes more vivid. "Its an unknown number calling you, Joy. Sasagutin ko ba?" anito. And since wala na ako sa katinuan, umuo na lamang ako. Never minding who could that be. Akala ko ay sinagot na ni Shaina ang tawag dahil natigil ang pagtunog niyon, ngunit mali pala ako nang magsalita ito. "The call got dropped, but the caller sent you a message." anito, "Basahin ko ba?" "Yes please." sang ayon ko na lang. "Okay." anito, at ilang segundo lang ay nagsalita na ito. "This is the callers first message for you too." dugtong nito, bago binasa ang laman ng mensahe. "Joy, lets meet please. I wanna explain my side. Please, give me a chance. I'll wait for you in our meeting place, tonight. Aantayin kita buong magdamag, so please come." basa nito, "Who the hell is this, Aliexiana Joy?!" Shaina asked using her strong voice. Agad naman akong napabalikwas ng upo, ng mapagtanto kung sino ang nag-text niyon. I already have a name in mind, at sigurado akong siya iyon. Tila biglang nawala ang hilong nararamdaman ko, bago mabilis na hinablot ang cellphone ko mula sa hawak ni Shaina, na ngayon ay matalim ang tinging ibinibigay sa akin. "Sino yan? Ex mo? 'Yung nanloko ba sayo?" tanong nito. Well, these three are my true friends. Hindi lingid sa kanila ang tungkol sa mga naka-relasyon ko, kaya't alam din nila ang tungkol sa nangyari sa amin ni Carlo, at ang ginawa nitong pagta-traydor sa akin at sa pamilya ko. I inhaled a breath heavily, "Wala 'to." tanging nasagot ko. "Anong wala?! Halata sa text na iyan na isa yan sa mga naging past boyfriends mo, and I already have someone in mind kung sino yan! Si Carlo yan diba? He's still texting you? Alam mo, isumbong na lang natin yan sa mga pulis! That man is dangerous, Joy!" Shaina hissed back. She has a point, but my pathetic heart can't let it happen. This heart of mine still have something for that traitor! And i hate it! "Its not him." matigas 'kong sagot, bago tumayo. Thankfully, hindi ako nahilo. "I need to go." "What? San ka naman pupunta? Gosh! Are you still so damn inlove with that guy? Joy naman, that man is a criminal! He can hurt you anytime kaya dapat lang na maisumbong na yan sa pulis!" Mazy said. "Uuwi na ako!" wika ko, kahit na alam 'kong hindi totoo. My hands turned into a fist, as I tried to convince my heart, to have a better decision. Pero walang magawa ang utak ko! Puso ko pa din ang nananalo! I still want to see him, even after what he did to my family. I'm still freakishly inlove with him! Damn it! "Gosh. I can't believe you, Joy!" Andrea hissed too, but I didn't gave them any chance to talk anymore. Imbes ay nagmadali na lamang akong umalis sa table namin. Habang papalabas, pinag-iisipan ko na kung ano ang maaring gawin para makatakas sa mga bodyguards ko, para mapuntahan si Carlo. Tanga na talaga ko! Pinaka tanga sa lahat! Darn it, Joy! Malapit na ako sa exit ng bar, ng may mga kamay na humawak sa palapulsuhan ko, na siyang naging dahilan ng aking paghinto. Marahas 'kong nilingon ang kung sino 'mang tao iyon, at agad na nagsalubong ang aking kilay sa nakitang mukha. "Anong ginagawa mo?!" sigaw ko nang makitang si tukmol ang nakahawak sa akin. "Bitaw!" Instead of following my command, the man just stared at me for several seconds, before his jaw clenched. "I can't just let you do some crazy things," wika nito. "Iuuwi kita sa inyo." wika lang nito, bago ako marahas na hinila palabas ng bar. Ugh! Ang epal ng tukmol na 'to! ---- PS: Aliexiana is read as Ali-shana. ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD