Chapter 3

1028 Words
Chapter 3 JOY'S POV "Ano 'bang problema mo?!" Malakas 'kong sigaw ng sapilitan akong ipasok ni tukmol sa sasakyan niya. He pushed me inside his car, before locking the door up. Mabilis itong umikot patungong driver seat, at agad na 'ring pumasok. Panay naman ang death glare ko sa kanya habang nagsusuot ito ng seatbelt. "Ang epal mo!" sigaw ko, "I have a plan for tonight! Stop ruining it!" giit ko pa rin, habang pilit na binubuksan ang pintuan sa side ko. But its locked! "You have a plan to go and see that criminal ex-boyfriend of yours?" seryosong wika nito. I stilled at that, as I give him a now serious look. "I...am not going to do that," giit ko, kahit sa totoo ay iyon naman talaga ang plano ko. Tanga na kung tanga. "I am not stupid." "You are." sagot naman nito, kaya agad na muling sumama ang timpla ko, at tinignan ito ng matalim. Kung nakamamatay lang ang tingin, kanina pa sana siya nakabulagta riyan. "So damn stupid." dugtong nito, na talagang ikinakulo ng dugo sa aking ulo. Since hindi naman nakakabit ang seatbelt ko, ay agad akong tumayo upang suntukin sa dibdib ang lalaki, na di nakaiwas, kaya't tinamaan siya. Nakita ko ang pagngiwi nito marahil sa sakit ng suntok ko. "What was that for?!" "That's for calling me stupid!" "Bakit nasasaktan ka na tinatawag kitang stupid? Totoo naman!" My brows curled. "I'm not stupid! Bawiin mo yan!" "You are stupid! You are stupidly inlove with that ex of yours, dahil kung hindi ka stupid, edi sana simula nuong kinontak ka niya ay isinumbong mo na siya sa pulis at ipinakulong!" wika nito, na siyang nagpahinto sa akin. Puno ng panghihina ko siyang tinignan, bago dahan-dahang napabalik sa pag-upo. He has a point. "What? Tinamaan ka? Kasi totoo diba?" I sighed heavily, before throwing him a disgust look. "I'm not." giit ko pa rin. Well, aaminin ko sa sarili ko na stupid ako, pero hindi ko hahayaan na gamitin niya iyon para lait laitin ako. I will never make myself look weak infront of others! "Alam mo? Napaka-judgemental mo! The guy who texted me earlier wasn't my ex. He's a fling of mine, and he wants us to meet. Balak ko na siyang puntahan, kaya lang umeepal ka!" pagsisinungaling ko, para lang makalusot. Marahas naman itong tumawa, bago ako inilingan na tila ba hindi ito naniniwala sa mga salitang sinabi ko. "Hindi ako mabilis mapaniwala, Miss." anito, "And based sa mga narinig 'kong sinabi ng mga kaibigan mo kanina, sigurado na ako na kikitain mo 'yang ex 'mong criminal." "Stop calling him that!" "I will call him whatever I want!" anito, "And he really is a criminal, so stop siding him! Baka nakakalimutan mong sinaktan niya ang pamilya mo, lalo na ang pinsan mo!" sigaw nito pabalik, na muli ay nagpatahimik sa akin. Sunud-sunod ang paghugot ko ng mararahas na hininga, ng marinig 'ko itong impit na tumawa, kaya't muli 'kong iniangat ang tingin ko sa kanya. Natagpuan ko naman ang mga nang-uuyam nitong mga mata, na nakatuon sakin. Tila dinurog ang puso ko ng makita itong umiling, na tila ba dismayado ito sa nakitang ugali ko. "The way you love someone is too stupid." mariing wika nito, "I don't wanna be like you." mariin nitong sabi, bago tuluyang pinaandar ang makina ng kotse, at agad itong minaniobra palayo sa bar, habang ako naman ay wala ng nagawa kung hindi ang nanghihinang napasandal sa kinauupuan, at unti-unti ay may namuong luha sa aking mata. I don't know why I am crying right now. Maybe, its because of the harsh words I heard from him. His dissapointed words hit me hard, to the point that I also got dissapointed of myself. Kasi kahit ilang beses 'kong itanggi, talagang ang tanga-tanga ko sa pag-ibig. "OH MY GOSH! Thank you for bringing her home, Grey. Hays." rinig 'kong pasasalamat ni Mommy dun kay tukmol dahil sa paghatid sakin. I almost rolled my eyes, I just stopped myself. "Anak ayos ka ba? Hindi ka naman ba nahihilo?" tanong ni Dad sakin, na napabuntong-hininga lang sa akin. "Do I look drunk to you, Dad? I can even stand without being supported by someone." I sarcastically said, before giving Grey an annoyed look. "Ni hindi pa nga ako nakakainom ng madami sa bar..." dugtong ko, na nasundan ng pagtataas ng kilay. "Kung ganon...bat ka iniuwi agad nitong si Grey?" may bahid ng pagtatakang tanong ni Mommy. I rolled my eyes, "Ewan ko ba sa kanya." iritado 'kong wika sabay irap at talikod. Sana naman hindi niya ako isumbong kay Mommy at Daddy. Eventho, I contradict what he said, still...di siya naniwala sa sinabi ko at baka mamaya bigla siyang magsumbong kila Mommy! "Hinatid ko po siya dahil balak niya 'pong umalis ng Bar mag-isa." sumbong nito, kaya't napaharap akong muli upang bigyan ito ng matalim na tingin. Does he really plans to spill my secrets? my suppose to be secret? Nagtama ang tingin naming dalawa, at hindi nakatakas sa mata ko ang pagtaas ng isang sulok ng labi nito. My heartbeat doubled, as nervousness slowly crept inside my system. Once he spill a word about me and Carl, natitiyak ko na ang matinding galit nila Mommy sakin. They'll ground me for sure! "Ano? Bakit? San niya ba balak 'pang pumunta? Aliexiana Joy?" Mom asked me, kaya't napalunok na lamang ako. Kung ako lang ay ayoko na lang sumagot, pero kinakabahan ako para sa isasagot nitong tukmol na epal na 'to! Nang tignan ko muli ang lalaki ay kitang-kita ko ang mas pag-angat ng sulok ng labi nito na mas nagpatindi ng kabang nararamdaman ko. "She's actually planning to..." simula nito, at bahagya 'pang huminto para titigan ako na tila ba nang-aasar lang. Mas sumama ang tingin ko sa kanya at napakuyom na lamang ako ng aking kamay, handa na para suntukan ang lalaking tukmol na 'to once na nagsumbong siya. "...go out with some random guy, buti na lang nakita ko siya." patuloy nito, na siyang saktong marahas 'ko ding pagbuga ng hangin na tila ba ini-stock ko ng matagal sa aking baga. Thank goodness he kept his mouth shut!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD