Chapter 4

1518 Words
Chapter 4 Joy's POV "What?!" gulat na sigaw ni Mommy bago ako tinignan ng masama, "You tried to go out with someone you didn't know? Alam mo ba kung gaano iyon ka-delikado anak?!" Bumaling sakin ang mga magulang ko kaya likod nila ang kaharap ni tukmol, and since hindi nakikita ng mga magulang ko ang ekspresyon ng mukha niya ay malakas ang loob nitong bigyan ako ng ngisi, bago tuluyang tumalikod upang bumalik na sa kotse nito. Walanjo talaga! Tukmol! "Aliexiana! Answer your Mom!" nabalik ang tingin ko sa parents ko ng marinig ko ang matigas na boses ni Daddy. Kitang kita ko ang magkahalong pag-aalala at galit sa mukha nila dahil sa hindi totoong dahilan na binigay nung tukmol, pero kung ako man ang papipiliin, mas gusto ko ang reaksyon nila ngayon, kesa sa maaaring maging reaksyon nila kung sakaling sinumbong talaga ni Grey ang totoong nangyari. Even though I hate that guy, I still owe him one. "Its not a random guy, Mom, Dad. Kakilala ko iyon, inakala lang ni Grey na ibang tao." palusot ko na lang, "I am now feeling dizzy, gusto ko na 'pong matulog..." dagdag na palusot ko upang hayaan na nila akong pumasok at magpahinga. I don't want to be interrogated by them tonight. Thankfully, they listened to me... MORNING came, and I feel uneasy after receiving a lot of texts from Carlo since last night. Halos sumabog ang inbox ko dahil sa mga texts niya, informing me how long he waited for me to come last night. I just sighed before deleting all of his messages. I don't want someone to caught me exchanging texts with him. Suot-suot ang pink nightdress at robang hindi nakatali ay malakas ang loob 'kong bumaba sa kusina upang magtimpla ng sarili 'kong kape. I'm a coffee kind of girl since nalalansahan ako sa gatas. Pupungas-pungas pa ako sa pagbaba ng hagdan patungong living room, at napansin ko naman na wala ni isang tao roon. Kahit ang mga kasambahay ay wala. I just shrugged both of my shoulders since maybe my parents attended the work today without trying to wait for me since alam naman nilang puyat at nakainom din ako kagabi. Maybe they don't want to disturb me from getting enough sleep. Teka, anong oras na nga ba? Nasa 8 am na ba? or 9 na? Gosh! Nakalimutan ko 'pang tignan sa phone ko. s**t. Buti na lang at wala naman akong important meeting today sa Agvanzen Corp. Ugh! I unmindedly entered the kitchen, but my steps we're halted when I saw three people coming out of the kitchen's door. Si Dad ay nakasuot ng business suit nito, habang si Mommy naman ay nakasunod lamang kay Daddy sa likod, at nakita ko si tukmol na kasalukuyang kausap ni Daddy. May hawak itong isang mug, mukhang kape ata ang laman. My eyes widened, followed by the creasing of my forehead. "Bat nandito yan?!" I asked out of shock, kaya't sabay-sabay ang mga itong napatingin sa akin. Tatlong pares ng mga mata ang nakatuon sa akin, ngunit kitang-kita ko kung paano mabilis na bumaba at tumaas ang tingin nila mula sa aking paa pataas, na nasundan ng agarang paglapit ni Mommy sakin. Mabibilis ang hakbang nito habang halata ang sobrang kahiyaan sa mukha, ngunit ang mga mata ko ay nakatuon pa rin kina Dad na sunud-sunod ang naging pag-iling, habang si Tukmol naman ay nagawa 'pang pasadahan muli ng tingin ang aking paa pataas na nasundan ng mapang-asar na ngisi. Bubulyawan ko na sana ito ng marinig ang sinabi ni Mommy ng makalapit ito ng tuluyan sa akin. "Joy, bat ka ba lumabas ng nakaganyan? Itali mo yan, iha!" wika ni Mommy, na agad pinagbuhol ang tali ng robang suot ko, at duon ko lamang natanto ang kahihiyang nagawa ko. My eyes widened again. OMG! Did they just saw me wearing a robe that the ties are untied, revealing my thin nightdress! And s**t! I'm not even wearing any bra at all! "s**t!" I cursed under my breath, before turning my back at them and ran fast towards the grand staircase towards the direction of my room. Nag-iinit ang pisngi ko dahil sa nangyari, at wala na ata akong maipapakita 'pang mukha dun sa tukmol na iyon! Ugh! Aliexiana Joy! Bakit ba umiiral katangahan mo ngayon?! Geez! Damn! Nang marating ang kwarto ay malakas 'kong isinara ang pinto bago hapo ang hiningang napasandal duon. Shet naman e! Nakakahiya! Napatakip ako ng dibdib, bago mariing naipikit ang mga mata. Damn it! Nahalata niya kayang wala akong suot na bra kanina? Kaya ba hinagod niya ulit ng tingin ang katawan ko tapos ngumisi pa 'yung tukmol na iyon? Ugh! Manyak siya! Manyak! bastos! Arghh!!! I rolled my eyes in irritation before running fast towards my bathroom. "Bakit ba kasi andito 'yung tukmol na iyon? Ano na naman ang kailangan niya? At kailan pa sila naging close ng parents---teka..." napahinto ako sa tapat ng malaking salamin sa loob ng banyo. Napatitig ako sa aking repleksyon, habang halata ang bakas ng kaba at gulat sa aking mata. "...Hindi kaya...sinumbong niya kina Mommy at Daddy ang katangahang gagawin ko dapat kagabi?" Damn it! "SUMABAY ka na kay Grey, iha. Talagang nagpunta siya dito para sunduin ka." wika ni Mommy sa akin, ng matapos ako sa pagkain. Nasa kusina ako, samantalang sila ay naroon sa living room. Mom just went here to tell me that. Umirap ako bago tumayo para iligpit ang mga kitchenware na ginamit. "Ayokong sumabay sa manyak na 'yon." matabang 'kong sagot,. "Tukmol na nga, manyak pa!" "Sinong manyak? Si Grey ba?" "Sino pa po ba, Mom? Ugh! Pervert!" "Paano mo naman nasabing manyak ang fiance mo? Minanyak ka na ba niya?" Mom asked using her usual interrogative voice. Nakakunot ang noo ko namang binalingan ng tingin si Mommy, "You didn't see how that man stared at me earlier! Pinasadahan pa ng tingin ang buo 'kong katawan tapos ngumisi pa!" tila bata 'kong sumbong kay Mommy, umaasa na kakampihan ako nito at ipagtatanggol laban sa tukmol na iyon. "Pinasadahan lang naman pala ng tingin ang katawan mo e. Hindi ka naman niya hinipuan or what! Atsaka, fiance mo na din naman siya kaya ayos lang iyon." anito, na mas nagpasama ng timpla ko. Padabog 'kong nailapag ang platong ginamit sa lababo, bago nakapamewang na hinarap muli si Mommy. "The last time I checked, you hate Grey because you said that he's a notorious playboy. Tapos ngayon sa tono mo pa lang Mom, halatang gustung-gusto mo na siya." puna ko, bagp ito pinaningkitan ng mata. "He already charmed you?" Ngumiti naman si Mommy ng malapad sa akin, "Iha, my first impression of him was bad, but after what he did last night, I realized that he's a good person. Biruin mo, kahit na hindi pa naman kayo gaanong close, pero may care na siya agad sayo. I actually liked he's behavior last night. Kahit alam niyang nakainom ka, wala siyang ginawang masama sayo, instead he even offered to send you home." ani Mommy, habang halatang-halata ang kasiguraduhan sa mukha. I just can't help but to gasp and just shake my head after hearing her words. Ohgosh! He charmed my Mom!!! "Kung siya lang din naman pala ang makakasama mo sa buhay, well, hindi na ako tatanggi sa desisyon mo. I like Grey for you, anak. He's a gentle person." "Paano naging gentle person iyon, Mommy? E babaero yon!" sikmat ko naman, "Baka nakakalimutan mo na 'iyong walang modo niyang pagtrato satin 'nung meet up!" "Well about dyan Iha, He already said sorry to me and your Dad." "And you accepted it just like that?!" "Why not, right? Atsaka, ikaw naman ang gusto talagang magpasakal na. Baka nabigla lang siya nuong unang pagkikita niyo, but now, he said that he'll change. He will be a gentle and a one woman man. You're so lucky to have that kind of man, Iha. You deserve a man like him, not some ambitious, greedy and unworthy person." wika pa nito, na nagpawala ng lahat ng emosyon na nararamdaman ko. Hearing her last sentence, alam ko na agad kung sino ang tinutukoy niya. From then on, Mom never really liked Carlo. Ilang beses niyang sinabi sa akin na hindi nababagay si Carlo sa babaeng katulad ko. Not just because of his social status, but also because Mom can sense something on him, that made her hate him so much. Noon, halos gusto 'kong layasan sila Mommy dahil sa sobrang pangmamaliit nila sa kanya, but after everything that happened, napatunayan ko lang na sila ni Daddy ang tama, at ako ang tangang nagkamali sa pagpili. And actually, up until now, isa pa rin akong tanga. "Anyway, wala 'pang nahahanap na bagong lead duon sa Carlo na iyon," dugtong ni Mommy, na muling nagpabalik sa akin sa huwisyo. Nagtama ang tingin namin ni Mommy ng magtanong ito, "Kinokontak ka ba niya?" seryoso nitong tanong, na siyang agad 'kong ikinaiwas. Hindi ko kayang salubungin ang tingin niya, knowing that I'd lie in the end. "H...Hindi po, Mommy." sagot ko. I'm sorry Mom. Ang tanga-tanga po ng anak niyo...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD