Naguguluhannna si Milkita, habang malayo ang tingin. Nanatili siyang nakikinig kay Enfakid habang nagkukwento ito sa mga pangyayari. Pero hindi niya inaasahan na ganoon na ang nakilala niyang Odrey Corpuz. "Pwede ko ba siyang maka-usap? Baka magbago ang isip niya kung sakaling magka-usap na kaming dalawa?" suhetsyon naman niya na siyang dahilan upang mapatingin sa kaniya ang asawa nang masama. Tumayo si Enfakid mula sa pagkaka-up0 saka tumalikod sa kaniya para tumungo sa living room. Agad naman niyang sinundan ito. Hindi niya inaasahan na magagalit sa kaniya ang asawa. O talaga bang nagagalit o nagseselos ito? "Sweetie," tawag niya sa asawa, pero nagpanggap ito na hindi siya naririnig at nagbibingi-bingihan. Hinabol niya ito hanggang sala. Suhetsyon lang naman niya iyon kanina, baka

