Hindi nagtagal si Enfakid sa bahay ng kaniyang kapatid na si Milo. kinakailangan na rin niyang umuwi sa kanila para hindi na mag-alala pa ang kaniyang asawa na si Milkita. Alam niya na nag-aalala na ang babae sa mga oras na iyon, kilalang-kilala na niya ito. Kahit ilang taon na nawala ito sa kanilang buhay ay hindi nawala ang babae sa kaniyang puso. Kaya naman ay hindi niya hahayaan na mawala muli sa kanila si Milkita. Lulan ng sasakyan ay nauwi sa malalim na pag-iisip si Enfakid. Iniisip niya kung paanoo siya makawawala mula sa pagbabanta ni Odrey, at kung paano niya mtatalo ang lalaki. Alam niyang hindi nagbibiro ang lalaki tungkol sa pagbabanta nito na may mangyayaring masama sa pamilya niya. Kailangan lang niya na mag-isip nang paraan kung paano niyamapo-protektahan ang buong pamilya

