DAKS 5

1010 Words
Pagkabalik sa mansyon, hindi na nag-aksaya ng panahon si Luningning. Bitbit ang mga paper bags ng kanyang mga bagong uniporme, dumeretso siya sa kusina para tuparin ang hiling ng kanyang "Dragon" na amo—ang ipagmalaki ang sikat na longganisa ng Samar. "Ning, dahan-dahan sa pagluluto! Baka pati 'yang bagong suot mong blouse ay mapritong kasama ng bawang!" biro ni Manang Fe habang tinutulungan ang dalaga sa pag-aayos ng mesa. "Hayaan niyo, Manang. Para malasahan ni Sir Rax ang 'essence' ng probinsya," sagot ni Ning habang masayang piniprito ang matatabang longganisa. Ang halimuyak ng bawang at karne ay mabilis na humalalimuyak, na umabot hanggang sa enggrandeng hagdanan kung saan pababa na ang bilyonaryo. Eksaktong alas-sais nang lumitaw si Raxon. Nakasuot na ito ng maluwag na cotton shirt at shorts—isang bihirang anyo na mas relax kaysa sa kanyang karaniwang business suits, bagaman ang kanyang mukha ay nananatiling seryoso yung mukha, na tila galit na naman sa mundo. Nakabantay naman sa gilid si Butler Alfonso, na tila tinitiyak na walang kahit isang butil ng kanin ang tatalsik sa mamahaling sahig. "Is that the smell of... grease?" tanong ni Raxon habang marahang umuupo sa dulo ng mahabang dining table. "Sir, smell of heaven po 'yan! Heto na po, ang Special Longganisa ni Aling Marites!" buong pagmamalaking inilapag ni Ning ang plato sa harap nito, na may kasama pang siningkit na itlog at sariwang kamatis. Tiningnan ni Raxon ang pagkain nang may pag-aalinlangan. "I hope this doesn't clog my arteries, Dimalanta." "Sir, sa guwapo niyong 'yan, kahit barado ang ugat niyo, mahal pa rin kayo ng mga fans niyo!" biro ni Ning sabay tawa, na ikinaubo nang bahagya ni Butler Alfonso bilang babala. Nanahimik ang paligid habang maingat na kumuha si Raxon ng isang piraso at isinubo ito. Pinanood ni Ning ang bawat galaw ng panga ng amo, habang si Alfonso naman ay tila naghahanda nang tumawag ng ambulansya kung sakaling mabulunan ang kanyang amo. "It's..." Huminto si Raxon at uminom ng tubig. "It's surprisingly... acceptable." "Acceptable lang? Sir, ubusin niyo 'yan ha! Sa amin, kapag hindi inubos ang pagkain, ibig sabihin hindi kaaya-aya ang nagluto," hamon ni Ning. Napaatras ang dalaga nang bigla siyang tingnan ni Raxon nang diretso. "Sit down." "Po? Sir, katulong po ako. Doon po ako sa kusina kakain kasama si Manang Fe," tanggi ni Ning, dahil sa kanyang pinirmahan ay hindi pwedeng saluhan si Raxon, pero nakalagay din doon ay bawal ang tumanggi kaya naguguluhan siya. "I said sit down. It's distracting to have you staring at me like you're waiting for a standing ovation. Eat," utos ni Raxon, sabay turo sa upuang katabi niya. Kahit si Alfonso ay nagulat sa inasal ng amo, pero nanatili itong tahimik sa gilid. Habang kumakain, hindi napigilan ni Ning ang kanyang dila. "Sir, bakit nga pala wala kayong girlfriend? Sa yaman niyo pong 'yan, bakit parang laging kayo lang mag-isa?" Takang tanong niya, naalala rin ni Luningning ang babae sa mall kung sino ito. Muntik nang mabulunan si Raxon habang si Alfonso naman ay napapikit na lang sa sobrang directness ng dalaga. "None of your business, Dimalanta." malamig na sagot ni Raxon, dahil ayaw niyang pinag-uusapan ang bagay na iyon. "Ay, curious lang po! Sayang naman po kasi 'yung genes niyo. Pero sana huwag mamana ang pagiging high-blood niyo," daldal pa ni Ning, na tila hindi alintana ang panganib. "You talk too much. Just eat," asik ni Raxon, pero napansin ni Alfonso na mabilis itong kumuha ng isa pang longganisa. Matapos ang hapunan, habang nagliligpit si Ning at nagpupunas ng mesa, hindi niya napansin na nakatayo pa rin sa gilid si Raxon, pinagmamasdan ang bawat kilos niya. "Dimalanta," tawag nito. Sa pagkagulat ni Ning, nadulas ang kanyang kamay sa basa pang mesa. Nawalan siya ng balanse at diretso siyang sumubsob sa matigas na dibdib ni Raxon. Mabilis siyang sinalo nito sa bewang—isang eksenang nagpatigil sa paghinga ni Ning. "There you go again. A walking disaster," bulong ni Raxon, ang boses ay mababa at tila may halong ibang emosyon. "S-sorry po uli, Sir. Ang dulas po kasi nung mesa..." Tumingala si Ning at muling nalunod sa mga mata ni Raxon. "You should be more careful. Hindi sa lahat ng pagkakataon, may sasalo sa'yo," paalala nito, ang hawak sa bewang ng dalaga ay hindi pa rin bumibitaw. "Eh, nandiyan naman po kayo, Sir..." mahinang sagot ni Ning. Napatigil si Raxon, tila tinamaan sa sinabi ng dalaga. Bigla nitong binitiwan si Ning at umiwas ng tingin. "Go to sleep. We have a long day tomorrow. Business partners are coming, and I don't want any embarrassments." Mabilis na umakyat si Raxon, habang si Butler Alfonso naman ay lumapit kay Ning. "Miss Dimalanta, pakiusap... ang puso mo, huwag mong hayaang madulas gaya ng iyong mga paa," makahulugang sabi ng Butler bago ito tuluyang lumisan. Pagdating sa kanyang silid, niyakap ni Ning ang kanyang unan at kinuha ang kanyang lumang cellphone. Tinawagan niya ang kanyang ina sa Samar. "Nay! Opo, si Ning 'to. Kumusta po si Tatay?" pilit na pinasigla ng dalaga ang kanyang boses habang ang mga luha ay nagsisimula nang mamuo. "Ay, salamat sa Diyos at tumawag ka, anak. Ang Tatay mo, kakatapos lang turukan. Pero sabi ng doktor, kailangan na talaga nating makapag-down sa ospital. Okay lang ba ang trabaho mo riyan? Hindi ba mahirap?" tanong ng kanyang ina. Napakagat-labi si Ning, tinitingnan ang kisame para pigilan ang pag-agos ng luha. "Nay, huwag po kayong mag-alala. Napakabait po ng amo ko. Malaki rin po ang pasuweldo niya, kaya makakaipon tayo agad para kay Tatay. Ingatan niyo rin po ang sarili niyo riyan." Patawarin niyo po ako sa pagsisinungaling, Nay, bulong niya sa sarili. Pagkababa ng telepono, doon na ibinuhos ni Ning ang lahat ng kanyang pangungulila at takot sa pamamagitan ng pag-iyak sa kanyang unan. Sa gitna ng karangyaan ng mansyon, dama niya ang bigat ng kanyang responsibilidad. "Kayanin mo, Ning. Para kay Tatay 'to. Kahit maging punching bag ka pa ng kasungitan ni Sir Rax, huwag kang susuko," pagpapalakas niya sa sariling loob habang pinupunasan ang kanyang mga pisngi. ~ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD