DAKS 4

1115 Words
Nakatayo si Luningning sa tapat ng malaking pintuan ng mansyon, bitbit ang kanyang maliit na sling bag na may disenyo pa ng tarsier. Sa harap niya ay ang naghihintay na itim na sports car ni Raxon—isang sasakyang mukhang mas mahal pa sa buong barangay nila sa Samar. "Manang Fe, bakit kailangang si Sir Rax pa ang sumama sa akin? Pwede naman po tayong dalawa na lang," bulong ni Ning, bakas ang kaba sa boses. "Naku, Ning, order ni Sir 'yan. Gusto niya raw siguraduhin na ang bibilhing uniporme ay hindi clumsy-friendly at hindi basta-basta nababasa," sagot ni Manang Fe habang tinutulak ang dalaga palabas. Bago pa man makahakbang si Ning, humarang si Butler Alfonso na may hawak na maliit na spray bottle at bimpo. "Miss Dimalanta, sandali. Isang huling paalala." "Ano po 'yun, Ser Alfonso? May test po ba bago sumakay?" Tanong niya sa matanda. "Wala. Pero pakiusap, huwag mong hahawakan ang dashboard ng sasakyan ni Sir. Ang fingerprint mo ay sapat na para mag-panic ang car wax niyan," seryosong bilin ng Butler habang pinupunasan ang balikat ni Ning na tila may nakita itong invisible na alikabok. "At tandaan mo: Kapag nasa mall na kayo, huwag kang tatalon sa tuwa kapag nakakita ka ng escalator. At lalong huwag kang hihingi ng 'extra rice' sa mga high-end boutique. Isang malaking kahihiyan 'yun sa Vantress name." "Opo, Ser. Kakainin ko na lang po ang dila ko para tumahimik ako," sagot ni Ning sabay salute. Napalunok si Ning nang tuluyan na siyang makasakay sa passenger seat. Agad na sumalubong sa kanya ang bango ni Raxon—isang amoy na hinaluan ng peppermint at kapangyarihan. Nakasuot ang bilyonaryo ng sunglasses at isang polo shirt na sadyang hapit sa kanyang maskuladong braso. "Seatbelt," maikling utos ni Rax nang hindi tumitingin. "O-opo, Sir." Pero sa sobrang kaba ni Ning, tila naging puzzle ang lock. "Nasaan ba 'to? Bakit ayaw pumasok? Sir, baka po sira itong kabit sa upuan niyo!" Napabuntong-hininga si Rax. Binitawan nito ang manibela at dahan-dahang humilig nang napakalapit kay Ning. Sa sobrang lapit, naramdaman ni Ning ang init ng hininga nito sa kanyang leeg. Click. "There. Simple instructions, Dimalanta. Try to follow them," asik ni Rax bago pinaharurot ang sasakyan, dahilan para mapakapit si Ning sa gilid ng upuan. Pagdating sa isang high-end mall sa Makati, pakiramdam ni Ning ay isa siyang alien na napadpad sa maling planeta. Bawat hakbang niya ay tila binabantayan ng mga taong nakasuot ng mamahaling alahas. "Sir, dito ba tayo bibili? Parang mas mahal pa 'yung isang medyas dito kaysa sa isang kabang bigas sa Samar," bulong ni Ning habang hila-hila ang laylayan ng luma niyang t-shirt. "Quiet. I don't have all day," sagot ni Rax habang dire-diretsong pumasok sa isang sosyal na boutique. Agad na lumapit ang isang saleslady na tila matutunaw na sa kaguwapuhan ng bilyonaryo. "Get her something durable. White, professional, and... splash-proof if you have one," turo ni Rax kay Ning na parang nagtuturo lang ng isang alagang puppy. Sinimulang bihisan ni Ning ang sarili sa loob ng fitting room. Lumabas siya suot ang isang puting blouse na hapit sa katawan at palda na hanggang tuhod. Paglabas niya, nakita niya si Rax na prenteng nakaupo sa velvet sofa habang nagbabasa sa cellphone nito. "Sir... okay na po ba 'to?" mahiyain niyang tanong. Nag-angat ng tingin si Rax. Unti-unting bumaba ang tingin nito mula sa mukha ni Ning hanggang sa bewang nito. Biglang napatigil ang pag-scroll ng bilyonaryo sa phone. "Too tight. Get a bigger size," sabi ni Rax agad. Mabilis itong umiwas ng tingin at kinuha ang baso ng tubig sa gilid—na wala namang laman—at tinangkang uminom. "Tight po ba? Sabi nung saleslady, sakto lang daw po—" "I said get a bigger one! Ayaw kong magmukha kang attendant sa club imbes na kasambahay sa bahay ko," medyo malakas na utos ni Rax. Sinubukan ni Ning ang pang-limang outfit—isang simpleng white dress na uniform-style pero may eleganteng tabas. Paglabas niya, muling lumingon si Rax. Sa pagkakataong ito, hindi agad nakapagsalita ang bilyonaryo. Tila may kung anong bara sa lalamunan nito habang nakatitig sa dalaga. "Sir? Pangit ba?" kabadong tanong ni Ning. "It's... fine. Take ten of those." "Sampo?! Sir, baka maubos ang budget ko para sa opera ni Tatay!" sigaw ni Ning sa gulat. Lumapit si Rax at bumulong sa tenga ng dalaga, "It's on me, Dimalanta. Consider it an investment para hindi ka na laging mukhang basang sisiw sa harap ko." Pagkatapos magbayad, naglakad sila palabas nang biglang may tumawag sa pangalan ni Rax. Isang magandang babae na mukhang modelo ang lumapit at humalik sa pisngi nito. "Rax! Darling! Is that you?" wika ng babae na kinilalang si Monica. Ang ex-girlfriend ni Raxon na hindi pa rin maka-get over sa kanya. Biglang nakaramdam ng kakaibang kurot sa puso si Ning. Sa sobrang pagkailang, napaatras siya nang hindi tinitingnan ang dinadaanan. CRAAASH! Isang display ng mga mamahaling pabango ang nasagi niya. Ang bango-bango ng paligid pero ang mukha ni Ning ay parang gustong lumubog sa sahig. "S-sorry po! Sorry!" "Clumsy as ever," bulong ni Monica na may halong pangungutya habang nakatingin kay Ning. Pero bago pa man makahingi ng tawad si Ning sa manager, naramdaman niya ang isang matigas na kamay sa kanyang bewang. Nagulat ang lahat nang akbayan ni Rax si Ning nang mapang-angkin. "She's with me. Charge everything to my account," seryosong sabi ni Rax sa manager. Tiningnan niya si Monica nang walang emosyon. "Sorry, Monica. We have to go. My... assistant is a bit tired." malamig na sabi nito, inis na inis naman si Monica habang nakatingin sa dalawang papalayo na. Hila-hila ni Rax ang tulalang si Ning palabas ng mall. Tahimik lang sila sa loob ng sasakyan habang bumabaybay sa trapik. "Sir... sorry po talaga. Ang mahal siguro nung mga nabasag ko," maluha-luhang sabi ni Ning dahil puro nalang kahihiyan ang kanyang nagagawa. Huminto ang sasakyan sa tapat ng traffic light. Tumingin si Rax sa kanya—hindi galit, kundi may halong pagod at kakaibang lambot sa mga mata. "Forget about the perfume, Ning. Just... try not to break yourself next time." Biglang hinawakan ni Rax ang kamay ni Ning na nakapatong sa hita nito. "And stop saying sorry. You're working for a Vantress now. Have some pride." Dagdag nitong sabi. Napatingin si Ning sa malaki at mainit na kamay ni Rax. "O-opo, Sir Rax." na-uutal na sagot niya. Pakiramdam niya'y sobrang pula ng kanyang mukha. "Good. Now, let's go home. I'm hungry and I want that processed longganisa you mentioned." Sabi nito sa dalaga. Napangiti si Ning sa gitna ng kanyang kaba. Kahit na mukhang Dragon, may puso rin pala ang kanyang among bilyonaryo. ~ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD