"Ella, let's talk." Malumanay na wika ni Caleb. Humakbang na rin siya palapit kay Ella, upang maka usap niya ito ng masinsinan. "Talk? Para ano pa!?" Biglang pag putol ni Ella sa iba pang sasabihin ni Caleb. Halos hindi na rin maipinta ang kanyang mukha, dahil sa pinagsamang inis at irita sa lalaki. "Pa'no mo nalaman ang bahay namin? At pa'no ka naka pasok sa gate na walang permiso ng home owner?" Magkakasunod na tanong ni Ella. Humakbang palikod si Ella, dahil malapit na sa kanya si Caleb. Kung hindi siya hahakbang palikod ay baka mahawakan siya ni Caleb. Ayaw niyang masagi ng binata ang kahit anong parte ng katawan niya. Natatakot siya na baka 'pag nahawakan siya ng dating asawa ay bigla na lang siyang bumigay rito. Hindi rin maintindihan ni Ella ang sarili, dahil nararamdaman na nam

